Chapter 2"Oh, Anong nangyari dito?."Bungad na sabi ni Jin na Kakadating lang.
Bakas sa mga Mata nya ang Kawalang Malay Sa mga Pangyayari Dito.Paanong di mahahalata na may nangyari dito eh di pa nag aalisan ang mga nagkumpolang mga chismosa.
"Wa-wala."Pilit kong ngiti sa kanya.
Nilapag niya ang mga Pagkaing Hawak nya sa Mesa.
"Couz'!."Napatingin Ako sa kanya."Ano ba talaga ang nangyari dito?."
"Wala nga, may Bumili lang."Sagot ko dito.
"Wow, Bumili lang tas Pinagkakagulohan na? Buti sana mung si Kleos yan." saad nito na halatang Kinilig.
"A-ah, Oo ata."Sabi ko.
"Kaya naman pala eh."Sabi nito.
Nagsialisan na ang nga nagkukumpolang tao na kanina pa nakamasid sa amin. Lumapit ang Grupo ng mga babae na nakasagutan ko kanina.
"Ano na naman ang gagawin nila dito?." Mahinang tanong ni Jin.
"Ewan, baka bibili." sagot ko.
"Bibili? eh wala nga yang mga pera!." Ani Jin.
Natawa nalang ako ng Mahina sa sinabi niya.
"Hoy!."tawag ng Leader nila.
Bahala na talaga kung sino tinawag niya. As if naman titignan ko sila.
"Anong kailangan nyo? Bibili kayo?."pormal na sabi ni Jin.
The duality talaga ng Babaeng to!
"Hindi, Ikaw ang Kinakausap ko." Sagot naman ng isa sa kanila na ang halatang tinutukoy ay ako.
"Girl, Di ka pinansin oh. Ang bastos!." Saad ng kasama nya.
"Hoy, Sumagot ka!."saad ng leader-leaderan nila.
Ang kulit talaga ng mga maaasim nato! Gusto ata ng Gulo.
Tumayo ako at pumasok sa tindahan tsaka sila sinagot.
"Bakit?." sagot ko habang nakahalukipkip.
"Aba't ang tapang mo talaga noh? Akala mo nanalo ka na sa ginawa mo kanina?!."matapang na sabi ng Leader nila.
"Di naman yung contest o laro para may manalo. Kaya kung wala kayong bibilhin maari na kayong umalis!."sagot ko dito.
"Teka, anong ba talaga ang nagyari dito kanina? Sabi mo bumili si Kleos? ."Sabi ni Jin na Tumayo para magsalita.
"Yang pinsan mo na di ko alam kung bakla o ano. Sinuntok si Kleos kanina! ."Sagot ng isa.
"What?." gulat na sabi Jin."Ginawa mo yun?!."Pasigaw na sabi niya.
"A-ah e-eh hindi ko naman yun sinasadya."sagot ko.
"Hoy, Humanda ka akala mo ba madali lang makalusot yung ginawa mo?! Ang bago-bago mo dito nagtatapang tapangan kana!." mahabang lintaya ng leader nito.
"Ewan ko sa inyo." sagot ko.
"Aba! Magdahan dahan ka sa mga salita mo dahil kung hindi-."
"Kundi, ano?."hindi ko sila pinatapos na magsalita.
Ngumiti lamang ang to at tumawa ng bahagya. Tumalikod ang mga to at umalis.
Mga baliw! Ang aasim na nga mga baliw pa!
"Hoy, totoo ba yung narinig ko kanina?." Panigurado ni Jin.
"Oo nga kasi. Teka, sino ba yung mga yun? Bakit parang mas affected sila sa ginawa ko?." kuryos na tanong ko.