Chapter 7
Naging swabe ang takbo ng oras habang kumakain kaming apat sa iisang mesa. Minsan ay parang nag-aagawan sina Zarren at Chrysus. Nag-uunahan silang naglalagay ng kung ano-anong pagkain sa pinggan ko. Kung sino ang mauuna sa kanila ay kukunin nung isa at nilaglagyan ulit ng ibang pagkain na galing sa plate niya. Halos pinagtitinginan kami ng mga tao sa mga pinag-gagawa nilang tatlo. Natatawa na lamang si Ryne sa ginagawa nila.
Patungo na kami sa sari-sarili naming mga classrooms. Sumabay sa amin si Zarren dahil may way din naman sa daanan namin papunta sa building nila.
Tinanong nga namin kung bakit sumabay pa siya samin, eh mas malapit yung daanan sa kabila kesa dito siya dadaan.
Nang makarating kami sa floor namin ay nag-ingay bigla ang hallway. Nagtitili at nag-sisigawan sa pangalan ni Zarren at Chrysus. Ngumiti lanang si Zarren sa mga ito dahilan upang mas maging maingay ang hallway. Habang si Chrysus ay diretso lamang ang lakad at tingin.
"Here na yung room namin." Sabi ni Ryne kay Zarren.
"Dito yung classrooms namin. Bumaba ka na baka malate ka pa." sabi ko sa kanya.
"Nah, 30 minutes pa naman before my next class e." Sagot nito sakin. Ibinulsa niya ang mga kamay niya na nakapagpatitig sa akin.
Ang linis niyang tignan. Malalaman mo agad sa hitsura pa lang na maingat siya sa katawan niya. Ngayon na nakauniporme ito, ang gwapo niya pa din. Lalo na siguro kung nakapolo shirt ito. Mas nakakadagdag sa kakisigan niya.
"May pina-plano ka ba sakin kaya mo ako tinitigan?." Natatawang sabi nito na nakapagbalik ulirat sa akin.
"Ha? Ah-eh, may iniisip lang. Wag ka masyadong mahangin." sagot ko rito
Mas lalo itong natawa. Lumabas ang mapuputing ngipin nito dahil sa pagtawa niya. Ang gwapo!
Ginulo nito ang buhok ko habang tumatawa. "You're so funny, Bryle."
"Funny ka diyan. Lumayas ka na, magsisimula na kami."
"Alright then. I'll pick you up at 4?." biglang saad nito.
"Huh? Pinagsasabi mo?." Kunot noong tanong ko.
"Ako na maghahatid sayo pauwi later?." Offer nito sakin.
"No, wag na. Kaya ko naman mag-commute e." Pagtanggi ko.
"Sige na, please?." Yumuko ito ng bahagya at tinigan ako. Nagpapaawa pa ang hitsura nito sakin kaya paano pa ako makakatanggi nito.
"Itigil mo nga yang mukha mo. Oo na! Oo na!."
Ngumiti ito at nag-yes pa na para bang nanalo sa lotto.
"Wag kang aalis dito, just wait for me here."
"Ikaw bahala. Lumayas kana, magsisimula na kami."
"Okay, bye-bye." Ngumiti ito ng malaki na halos ni makita ang mga mata nito.
Kumaway muna ito sa akin bago tuluyang lumayo.
Umingay ulit ang hallway pagdaan niya. Pumasok ako nang tuluyan sa classroom. Bungad sa akin ang tingin ng grupo ni Rikea. Nangunot ang noo ko at nagtaka kung bakit ganyan ang mga itong makatingin sa akin.
First day pa lang ng klase ay mainit na ng dugo nila sa akin.
Naglakad ako papunta sa upuan ko. Binigyan ako ng mapang-asar na tingin ni Ryne na para bang may ginagawa akong kababalaghan.
"Ano beshy? Nag confess na ba?." Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito? "Nagpropose na ba? Sumagot ka ba ng oo? Saan ang reception? Maganda ba ang pla—aray naman!."
Pinitik ko ang noo nito na ikinaaray niya. Nakakarindi ang boses nito kaya pinatahimik ko na.
"Ang ingay mo. Kung ano-ano yang mga pinagsasabi mo."
