Chapter 4

48 7 1
                                        

Chapter 4

Halos di ako makatulog kagabi dahil sa pag-iisip ko kung ano ang mangyayari sa'kin sa bago kung skwelahan. Para akong tanga na nag-iisip ng kung ano-ano.

Tulad ng, Paano kung madapa ako habang naglalakad sa hallway? Pagtatawanan nila ako, Ibu-bully nila ako, kabago-bago ko tapos masisira agad ang repustasyon ko, tapos ayaw nila akong maging kaibigan, mag-isa akong kakain, magc-cr, uuwi at papasok ng skwela pati sa groupings ayaw nila akong isama, tapos magiging loner ako tapos malulugmok, tapos malulungkot, tapos papangit, tapos hanggang mamatay nalang akong mag-isa.

Wag naman, Hindi pa ako Nadiligan. Chariz!

Sa sobrang excited ko kagabi, Plinansya ko na ang susuotin ko. White long sleeve polo na may Black Vest, Brown Pants at White Shoes. Kailangan presentable ako doon.Tinabi ko na nga ang mga ito sa pagtulog ko at ginawa kong baby. Halos limang oras lang ang tulog ko kagabi.

Ngayon, nasa harap na ako ng Gate ng University. Napatingala ako sa Laki nito. Madaming studyante na pumapasok, pormahan pa lang nila halatang mga mayayaman na. First day ng School kaya syempre kanya-kanyang pormahan talaga. Kaya nga pormadong pormado ako dahil alam kong mangyayari talaga to. Syempre, magpapatalo ba ako sa kanila? hindi.

Pagpasok ko bumungad sa akin ang napakalawak na Ground na may mga Malalaking puno na ginawan ng bench sa ibaba. May nakastambay na mga studyante roon na nagtatawanan, may nagbabasa at kung ano pa man. May malaking Banner pa na nakasulat 'Welcome to Covingstón Central University'

May mga hallway pa na may mga maliliit na garden sa gilid nito.

Hindi ko inexpect na ganito kalawak at kaganda to. Beyond my expectations talaga!

Napatingin ako sa Relo ko.

Animal, 7:50 na pala! Animal na to! Di ko pa alam kung saan ang Main Hall dito!

Nagmadali akong tumakbo papuntang hallway kung saan nakita ko na dinadaanan ng mga studyante. Sinunod ko kung saang direksyon sila pupunta. Sobrang taas pa ng hallway nila. Pagdating ko sa dulo, nagkanya kanya na ng direksyon ang mga sinundan ko. May iba papuntang kanan at may iba naman na papuntang kaliwa.

Animal na hallway to, dinaig pa yung Maze!

Bigla kong naalala na may dala pala akong schedule at flyer. Napakamot ako ng batok at napahilamos ng mukha.

"Animal na buhay to oh, Tanga talaga. Ang init-init pa!." Naiinis na bulong ko sa sarili. Di na tulog ako Fresh, pinagpapawisan na ako!

Kinuha ko ang Schedule at Flyer ko sa bag at tinignan kong saan ba talaga ako dapat pupunta.

Straight sa hallway tas pakaliwa.

Lumiko ako sa kaliwa habang tinitignan ang hawak kong guide.

Bigla naman akong napaupo sa sahig nang may nabangga ako.Nabitawan ko ang Guide ko, tumayo naman ako kaagad habang hawak-hawak ang sumasakit kong pang-upo.

"I'm so sorry, miss. I was just in a hurry and I didn't see you."sambit nito habang iniisa-isang kinuha ang mga librong nahulog niya.

Wait, pamilyar ang boses.

Sinilip ko ang mukha niya. "Zarren?."

Tumayo ito at nagulat nang makita ako.

"Oh—Bryle right?." Ngumiti ito sa'kin.Ito na naman ang ngiti niyang nakakatunaw.

"Oo." Natutuwang sagot ko.

"I didn't know na dito ka pala mag-aaral?." saad nito.

Obvious ba? Ano ba ang gagawin ko dito, mangho-holdap? Pero okay lang, gwapo ka naman eh!

Still into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon