Chapter 5
"Good Morning Prof, I apologize for being late."
Para akong nabuhusan ng malamig dahil sa boses na narinig ko.
Shit! Nandito siya!
Mabilis sinilip ng mga kaklase ko ang nakatayo sa pinto.
"Sis, ang gwapo!." Tili ng nasa tabi ko. May pahampas hampas pa ito sa balikat ko habang sumisilip sa pinto.
Nakayuko akong pinakinggan ang mga nangyayari. Nakita ko na naman ang mukha niya, wala pa din naman sigurong nagbago.
"Mr. Villamore, I dislike Tardiness in my class."
Rinig kong sabi ni Prof.
"I'm very sorry, Professor. Naligaw lang ako ng daan papunta dito." Pagrarason ni Chrysus.
"Well, since it's valid and you're new here in my class. I will consider it this time but I'm not going to put up with this behavior."Dagdag ni Prof.
"Yes Prof, Thank you."
"You may now come in." utos ni Prof.
Rinig ko ang yapak ng sapatos ni Chrysus papasok ng Classroom. Napapikit na lamang ako para di niya ako mapansin.
wag ka lumingon dito, please!
Sinilip ko ito ng kaunti. Papunta na sana ito sa likod ng upuan nang tawagin ito ni Prof.
"Oh, Mr. Villamore-Come here infront, Join Mr. Velasco and Mr. Sanchez."
Animal na'to!
"Sis, sis, sis."Tumitiling tawag sa'kin ni Ryne habang walang tigil na hinahampas ako. "Papunta na satin, sis! Shit, ang gwapo!."
Nakayuko pa din ako at pinasawalang bahala ang mga sinasabi ni Ryne.
"Hi, Bryle."
Dahan dahan akong lumingon sa tumawag. Bumungad sa akin ang nakangiting Chrysus.
"H-hi." Pilit akong ngumiti sa kanya.
"I never thought na dito ka din pala mag-aaral." sambit nito.
"H-ha? A-ah eh, Scholar kasi ako." Utal na sabi ko.
Bakit ba ako kinakabahan sa kanya? Dating kaklase ko lang naman siya. Dating kaklase nga lang ba?
"Hi, I'm Ryne nga pala."singit bigla ni Ryne at nakipagkamay pa talaga ito.
"Chrysus, bro."
Halos hindi naipinta ang mukha ni Ryne na binawi ang kamay dahil sa narinig niya.
Gusto kong matawa ng malakas dahil sa hitsura niya.
"Chrysus also received a 93.5 percent on the scholarship examination, placing him in the top two."
Bakit nagscholarship to? Mayaman naman to ah!
Manghang mangha ang buong klase sa narinig nila. Hindi na bago sa akin ito dahil dati pa lang siya na ang kakompetensya ko.
Rinig na rinig ko ang mga bulong bulong ng mga kaklase kong babae.
"Ang talino niya noh?."
"Gwapo na nga matalino pa."
"He's every girl's fantasy."
Marami pa silang bulong bulongan patungkol kay Chrysus habang ang mokong ay ngumiti ngiti sa mga ito. Dahilan para tumili ang mga kaklase ko.
"Ang haliparot talaga ng mga babaeng yan, kanina pa ako nang-gigil sa mga yan."Bulong sa akin ni Ryne.Nilingon ko naman ito.
