The Legendary Prologue

1.1K 44 22
                                    

©2015 by MrAwesomeOne

"With Great Power Comes Great Responsibility."

Yan ang turo ni Uncle Ben na tumatak sa isipan natin mula sa kwento ni Spiderman.

Kahit na deads na si tito ay nagsumikap pa din magpakabayani si Peter, para sa kapakanan ng 8 milyong tao ng fictional New York City.

Walong milyong buhay ang nakasalalay sa kanyang mga kamay. Isa syang mapagmatyag na taong gagamba na kumukuliling ang ulo tuwing may nangangailangan ng tulong. Pinagsasabay sabay nya ang love life, private life, work life at ang kanyang "greater" responsibility habang iniingatan ang itinatago nyang sikreto.

But the Ultimate Siga Lord ain't nothing like that!

Natutunan din natin sa Christopher Nolan Dark Knight Trilogy ang katagang "Why do we fall? So we can learn to pick ourselves back up."

Kahit vigilanteng maituturing ay pinanindigan pa din ni Bruce na protektahan ang 30 Milyong residente ng Gotham City.

Kahit mahirap ay pinagsabay nyang patakbuhin ang kanyang kompanya, personal na buhay, paglandi sa mga chicks at pagsuot ng kanyang bat suit.

Pinili nyang labanan ang korupsyon at kawalang hustisya sa ilalim ng kanyang itim na kapa't maskara.

But the Ultimate Siga Lord ain't nothing like that!

At hanggang kina Superman, Ironman, Antman, Aquaman, Lastikman, Fantasticman, The Flash, The Incredible Hulk, Green Arrow, Greet Hornet, Daredevil, Captain Barbell, Captain America, Captain Sid Butong Pakwan, Captain Marvel, Mr. Fantastic, Mr. Clean, Zorro, Zsa Zsa Zaturnnah, Wonder Woman, Catwoman, Darna at kung sino sino pa.

Lahat sila'y may alter ego. May pinagkakaabalahang ibang buhay sa labas ng kanilang "greater" responsibility.

That's why the Ultimate Siga Lord ain't nothing like that!

Dahil sya ang full time, anti-herong super hero na nangangalaga sa buong kalawakan. Sya ang maangas na binatang nakasuot ng Legendary Black leather jacket, Awesome Shades at Ultimate Crown. Sya si Mr. Archeebal Genesis.

Ang pinaka-Hot. Ang pinaka-COOL. Ang pinaka-AWESOME.

Ang nag-iisang...

SIGA NG UNIVERSE!

And his Legend starts...

Siga ng Universe 2: The Cosmic ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon