Chapter 6 (Meet the Boys)

2.1K 98 12
                                    

Ng nakauwi na kami ni manong sa bahay ay agad ako pumasok sa kwarto ko at naglinis ng katawan.

Natapos ba akong mag linis ng katawan nag bihis na ako ng pambahay.

Nagutom ako kaya lumabas ako sa kwarto ko, pagkalabas ko sa krwato ko ay agad kong sinarhan ang pintuan.

Pag kababa ko ay tumambad sakin si kuya at nag gwa-gwapuhang mga lalaki na nakaupo sa sofa nanonood ng tv.

Ang gwapo nila...

Hindi, hindi sila gwapo noh umayos ka nga Kayrra. Aishh....
Wala sa sariling umiling ako.

Pumunta na ako sa hapag kainan. Pag tingin ko sa kusina wala pang pagkaing nakalagay.

Teka, nasaan ba si manang?. Hinanap ko si manang dahil hindi pa ako nag papasalamat sa pagkain kagabi.

Pero wala pa sya kaya napag pasyahang kong ako nalang magluto dahil marunong naman akong magluto, bata palang ako tinuruan na akong magluto ni mommy at sabi nya masarap naman ang luto ko.

Pumunta muna ako sa ref at kumuha ng pwedeng lutuin. Napili kong magluto ng specialty kong adobong baboy na tamis anghang that's my favorite kong ulam.

Nagsimula na akong magluto. Hmmm.... Ang sarap ng amoy...
Ng matapos na ako magluto ay nilagay ko na iyon sa isang lalagyan.

"Ang sarap naman" mahina kong bulong sa sarili ko

Umupo na ako at at sumandok ng kanin at ang luto kong adobo ang saarap...

Sisimulan ko na sanang kumain kaso naramdaman kong maraming tumitig sakin.

Lumingon ako kung sino o sino-sino bang nakatingin sakin. Nakita kong nakatingin silang lahat sakin maliban lang kay kuya na nonood lang ng tv.

Nakatitig lang sila sakin kaya hindi ako makakain. Grabe para silang batang takam na takam.

"G-gusto nyong sumabay sakin sa pagkain?" Kinakabahang sabi ko sakanila. Tumango naman sila na parang bata. "S-sige, kain kayo" nakangiti kong sabi sa kanila.

Nagtinginan muna silang lahat maliban lang kay kuya na hanggang ngayon ealang pakealam sa paligid nya.

Nag unahan naman silang umopo at nag simula silang mag handa ng skanya-kanyang pagkain.

Lumingon ako kay kuya. "Kuya gusto mong sumabay?" Tanong ko sa kanya.

"No, busog pako" walang lingon nyang sagot. Tumango nalang ako.

"Ang sarap ikaw ba ang nagluto nito?" Nanguyang sabi nung isang lalake.

"Ahh, oo ganun na nga salamat" nahihiya kong sabi sa kanila. Nakakahiya naman,kase naman baka hindi nila magustuhan.

Kain lang kami ng kain sabi nila nasasarapan daw sila.

Natapos na kaming kumain lahat. Dumating na si manang kaya sya na daw ang mag ligpit ng kinainan namin.

Nagulat ako dahil lumapit sakin silang tatlo sakin.

"Hi, ako nga pala si Dark. Salamat sa pagkain kanina ang sarap" nakangiting sabi nung lalaking medyo moreno,tamang kapal ng kilay at may pag ka brown ang buhok.

Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Ahh. Ako nga pala si Red, salamat sa masarap na pagkain kanina" nakangiting sabi nung lalaking singkit na mukang koriano gwapo rin sya .

Tumango naman ako ulit.

"Ako nga pala si Josh salamat nga pala sa pagkain, ang sarap mo pala" nakingiti nyang sabi. Hinawakan ko ang dalawang pisngi ko dahil nag-init iyon at umawas ng tingin sa kanila.

Diba dapat ang sarap ng luto hindi---

sarap mo pala?

"Ayyy, hindi yon ang ibig kong sabihin. Ano, ang dapat kong sabihin ay masarap ang luto mo. Sorry" nahihiya nyang sabi sakin habang nakamot sa batok.

"Hayy. Nako Josh talga direderetso ang bibig walang preno, pag pasensyahan mona yan si Josh hah" natatawang sabi ni Red.

"Ahh ok lang yun, ako nga pala si Kayrra" nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Sige mauna na ko mag papahinga pa ako, saka may pasok bukas" dag-dag ko pang sabi. Tumango naman sila.

Umakyat na ako ng hagdan at pumasok sa kwarto ko.

Aishh nakahiya talaga.... namula nanaman ang pisngi ko....
Nakainis....

Pabagsak akong humiga sa kama.
Agad naman akong umayos ng higa, hayy kalimutan ko na yun.

"Pero aminin mo, gwapo silang lahat noh?....."

Hah? Saan naman galing yon. Tsk.. alam ko na si traydor kong isip. Hayy tumigil ka nga dyan.

JOSH POV

Grabe nahihiya ako kay Kayrra hanggang ngayon. Bakit kasi sinabi ko yun eh.

Nandito ako ngayon sa kotse pauwi na. Hayy papagalitan nanaman ako ni dad panigurado.

Nakauwi na ako sa bahay pinark ko na ang kotse ko at saka bumaba.

At ang swerte ko dahil wala si dad may meating nanaman sa buisness nya.

Pumasok na ako ng kwarto at nag linis muna ako ng katawan bago humiga sa kama ko.

Hayyy....

At naiisip ko nanaman si Kayrra ang cute nya pag namumula.

Maganda naman sya eh kaso natatabunan nga lang ng makapal nyang salamin nya.

Aishhh...

Bakit ko ba sya naiisip? Kainis mula doon hanggang dito naiisp ko yung babaeng yun hayyy kainis.

Hayyy matulog na nga ako may pasok pa bukas.

A/N
At yun lang po sorry po kung masyado maik li ang story ko po per

I HOPE YOU LIKE IT 😜

Nerd Want a Sweet Revenge (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon