Chapter 30 (beginning)

1.6K 70 37
                                    

JEREM POV

Alam kong galit kayo sakin dahil sa nagawa ko. Pero maniwala man kayo o hindi, di ko sinasadya yon.






FLASHBACK

Di ko alam kung bakit mag didilim na pero wala parin si Kayrra. Ang usapan naman namin hapon.

Tinaas ko ang kamay ko ng konti at tiningnan ang relo ko kung anong oras na.

(6:00pm)

Baka na natagalan sa pag-aayos hintay nalang ulit ako.

(8:00pm)

Baka na traffic lang. Traffic kasi kanina kaya inagahan ko ng konti.

(10:00pm)

Kinuha ko ang cp ko at iti-nype ang number ni Kayrra pero walang sumasagot.

Tinawag ko ang waiter at umorder ng isang tray na alak. Ng dumating na ay agad ko itong ininom.

Ilang oras na ang nakalipas pero wala paring Kayrra'ng dumating.

Tsk, hindi na talaga sya dadating. Umasa lang ako sa pangako nya umasa ako na sisipot sya, pero wala.

Nakailang bote na ako at nakaramdam narin ako ng pag kahilo.

"Ahh excuse me sir, mag sasara na po kami eh" napatingin ako sa likod ko ng biglang may umimik na babae.

"Sorry sige aalis na ko. Itong card ko kuhain mo nalang dyan and keep the change nalang. Ang sakit na talaga ng ulo ko eh"

Paliwanag ko at sinubukang tumayo muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko pero sinalo ako nung babae.

"Ahh sir, lasing na po kayo eh. May room naman po dyan samahan ko na po kayo"

Sabi nya at inalalayan akong mag lakad. Di ko na makita ang dinadaanan namin dahil malabo na ang paningin ko.

Naramdaman ko nalang na unti unting nalalapatan ng malambot na kama ang likod ko.

Nilapag nya ako sa kama, tatayo sana sya ngunit pinigilan ko sya.

Unti unti kong nilapit ang muka ko at nag lapat ang aming mga labi.

END OF FLASHBACK










Inaamin ko may nangyari saamin nung babae, pero lasing ako non hindi ko nga masyadong matandaan ang lahat ng nangyari.

Tapos tinanong ko yung babae kung may tumawag ba sakin kagabi. Sabi meron daw at nasagot nya daw ang tawag.

At sigurado akong si Kayrra yun. Hinanap ko si Kayrra pero hindi ko sya makita.

Wala sya sa bahay nila, pumunta ako sa condo nya pero nadatnan ko lang dun dalawang babae na kambal sabi nila hindi daw nila kilala si Kayrra.

Hanggang sumuko na ako at inisip na ayaw na nya sakin.

Nasaktan ako pero nandoon si Ericka para tulungan akong makalimot.

Nalaman ko na may gusto sya sakin, gusto ko rin naman sya kaya naging kami. At ngayon, nakita kong ulit si Kayrra.

Di ko alam kung matutuwa ako dahil nakita ko ulit sya o magagalit ako dahil hindi na sya ang Kayrra'ng nakilala ko noon.

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya, pero alam kong huli na yon. Lalo na ngayon na kasing tigas na ng bato ang puso nya.

Mahal ko pa si Kayrra pero mas nangingibabaw ang pag mamahal ko kay Ericka.

"Beh, ano bang problema at tulala ka?" Bumalik ako sa katinuan ng mag tanong si Ericka.

"Okay lang. May inaalala lang ako" nakangiti kong sagot.

Naramdaman kong pinatong nya ang ulo nya sa braso ko.

Nandito kami ngayon sa garden ng school. Dito muna kami dahil mahaba panaman ang oras ng susunod na subject.

"Beh..." rinig kong tawag nya sakin. "Hmm?..." tanog ko at hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.

Nakatingin lang ako sa mga bulak-lak, ang ganda kasing pag masdan.

"Kapag ba may nakita kang mas maganda sakin, pag papalit mo ba ko?" Makahulugang tanong nya.

"Syempre hindi noh, hindi na ako hahanap ng iba. Ikaw lang promise" nakangiti kong sagot.

Naramdaman kong niyakap nya ako patagilid. "Love you po" malambing nyang sabi. "Love you too po" sagot ko naman.









KAYRRA'S POV

Kakatapos ko lang kumain sa canteen kanina at ngayon nag lalakad ako papuntang garden.

Gusto ko lang pumunta don dahil gudto ko munang mag palamig ng ulo.

Nakarating na ako sa garden pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Alam nyo na si Jerem at si Ericka sweet nanaman.

Fuck! Hanggang dito ba namn?!

Ang sabi ko gusto kong mag palamig ng ulo, pero dagdag init ulo nanaman!

Makaalis na nga. Lalakad sana ako palayo pero may naisip akong plano.

Lumakad ako ng kunwari ay hindi sila napapansin.

Ng makarating ako sa harap nila ay agad akong nag kunwaring natapilok.

"Shit, someone help. Ang sakit ng paa ko di ko makatayo" nag kukunwaring nasasaktan kong sabi.

Sandali kong ginilid ang mata ko, nakita ko si Jerem na tarantang- tarantang palapit sakin.

"Are you okay? Akina kamay mo" sabi nya at kinuha ang kamay ko at pinatong sa balikat nya.

Inalalayan nya akong tumayo at tinulungang maglakad.

Tumingin ako kay Ericka na ngayo ay puno ng selos at galit ang mga mata. Lalo itong naglit ng ngumisi ako.

Lumapit ito at pilit hiniwalay ang kamay ko.

"Ano bang ginagawa mo Ericka?" Inis na sigaw ni Jerem at pilit ring hiniliwalay ang pag kakahawak sakin ni Ericka.

Ng mabitawan nila akong dalwa ay natumba ako sa damuhan.

Sinibukan akong tulungan nu Jerem pero agad itong pinigilan ito ni Ericka.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Jerem kay Ericka.

"Tanga ka ba Jerem, hindi mo ba nakikita? Niloloko ka lang ng babaeng yan?" Pabalik na sigaw ni Ericka.

Tangna!

"Ano ba ansakit na ng paa ko, mag-aaway lang ba kayo dyan" sigaw ko namn sa kanila.

Binuhat ako ni Jerem pahiga at lumakad palayo. Tiningnan ko ang reaksyon ni Ericka.

Kinindatan ko ito nginisian. Napamura nalang ito at lumakad rin palayo.

Hahahha nakaka amoy ako ng LQ ahh...

Bagay lang yan sa kanya. Kulang pa nga eh. Kumbaga patikim palang.












TO BE CONTINUED
------------------------------------
Sorry po talga ulit 😓

Nerd Want a Sweet Revenge (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon