Chapter 27 (Gangs)

1.7K 98 41
                                    

KAYRRA POV

Minulat ko ang mata ko. Nakita ko ang ilaw na nanggagaling sa ding-ding ng room ko.

Tumingin ako sa gilid, nakita ko ang dalawang babaeng nakita ko kanina sa banyo.

Anong ginagawa nila dito?.

"Ano pong ginagawa nyo dito?" mahinahon kong tanong.

"Natatandaan mo pa ba na after na sinabi namin sayo yung alam mo na.... Tapos nahimatay ka? Dinala ka namin dito" sagot nung babaeng maikli ang buhok.

Oo nga pala natatandaan ko. Pero naguguluhan lang ako kung totoo ba ang sinabi nila.

"ah btw ako nga pala si Faith at sya namn si Fey kambal kami, ikaw?" tanong ni Faith.

"ako po si Kayrra, nice to meet you po" sagot ko.

"Nice to meet you too" masayang sagot ni Fey.

"Ahh, may tanong lang po ako. Totoo po ba ang sinabi nyo kanina" naka tungo kong tanong.

"Oo.... totoo yun. Pero bakit nangyari yon? Ang alam ko mabait naman ang pamilya ni Kate, bakit sila pinatay? Saka bakit ka nahimatay kanina" paliwanag ni Fey.

"Ako po ang---" natigilan ako ng maalala ko ang sinabi ni mom saakin dati.

"Baby pangako mo samin kapag may nag tanong sayo na kung sino ka sa pamilyang Mendez, just say that your just adopted. Okay? Just understand mommy, this is for your safety" paliwanag ni mommy noong bata pa ko.

"A-ampon lang nila ako" kahit masakit ay pilit ko parin itong binigkas.

"Ibig sabihin napa mahal ka narin sa kanila" tanong ni Faith.

Tumango nalang ako at pilit pinapagaan ang loob dahil ano mang oras tutulo nanaman ang luha sa mata ko.

"May alam kaba na pwedeng pumatay sa kanila? What I mean is may tao ba na may galit sa kanila?" sabi ni Fey, tumango naman ako.

"Sino?" tanong ni Faith.

"Si Ericka po" sagot ko naman at kusang tumulo ang ang luha ko.

Nag tinginan naman silang dalawa na parang gulat na gulat.

"Si Ericka? Pano namn nag karon ng kasalanan si Kate sa kanya?" takang tanong ni Faith.

"Ang alam ko po walang kasalanan si Kuya Kate. Sakin po sya may galit" sagot ko.

"Eh bakit naman nandito ka sa hospital?" tanong ulit ni Fey.

"Don't tell me sinaktan ka ng Ericka'ng yun. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng yun" galit na sabi ni Faith.

"Tell me anong ginawa nya sayo? Please sabihin mo samin" sabi naman ni Fey.

Yumuko nalang ako at pinunasan ang luha na patuloy parin sa pag-agos.

"Pinatay nila ang ate ko, kaibigan ko, at pamilya ko" naiiyak kong sabi. Hindi ko mapigilang itiklop ang kamao ko sa galit.

"Galit kaba kay Ericka?" seryosong sabi ni Faith.

Tumango ako at pinunasan ng sarili kong palad ang luha sa aking pisngi.

Tuwing naalala ko ang ginawa ni Ericka parang gusto kong syang patayin.

Kapag nag karon ako ng pag kakataon na patayin sya papahirapan ko muna sya gaya ng pag papahirap nya sa mga mahal ko.

Nerd Want a Sweet Revenge (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon