Brace's POV
"Sige Baby,bye. Ingat ka huh." Sabi sa akin ni Janine. Hinatid ko kasi siya sa bahay nila.
"Oo baby. Hahaha. May driver naman eh. Pasok ka na." Sabi ko. Nginitian niya ako at kiniss sa cheeks.
"Goodnight." Sabi niya.
"Goodnight rin." Sabi ko.
Pumasok na siya sa bahay nila. Nang masigurado kong nakapasok na siya bumalik na ako sa kotse.
"Tara na po manong." Sabi ko sa driver. Pumasok ako sa kotse at nagsoundtrip.
Sa kalagitnaan ng pagdadrive ni Manong. Biglang nagpagewang gewang ang kotse. Anong nangyayari?!
"Manong ano po bang nangyayari?!" Tanong ko kay Manong.
"Sir nawalan po tayo ng control! Maaaksidente po tayo!" Sabi niya. At ang sumunod na pangyayari..bigla na lang nandilim ang paningin ko at nakarinig ng malakas na pagbangga ng dalawang kotse..
*******
Joaquin' POV
Nag aaccept ako ng mga friend request sa facebook habang nakikipagchat sa Group Chat ng barkada.
Grae: tae mo
Joaquin: hahaha
Sheena: panget ka lucas
Joaquin: eh ikaw?! -.-
Biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si John. Ano na naman kailangan nito?
Joaquin: Hello?
John: Joaquin! Si Brace!
Bigla akong kinabahan. Anong nangyayari? Bakit umiiyak si John at anong nangyari kay Brace.
Joaquin: anong nangyari?
John: nasa hospital ako ngayon. Tawagan mo ang barkada! Dito sa ospital niyo! Si Brace malubha ang lagay!
Bigla akong napatigil. Ang bestfriend ko..
Agad agad kong chinat ang barkada. Inoff ko ang laptop ko at kinuha ang jacket at iphone ko.
Shit! Sana naman walang mangyaring masama kay Brace!
**********
John's POV
Kanina pa ako nandito sa hospital. Hinihintay ang barkada. Naaksidente si Brace at malubha ang lagay niya ngayon. Sabi ng doctor maaari siyang magka amnesia. Sana naman wag mangyari yun.
"John!" Rinig kong may sumigaw. Lumingon ako at nakita ko ang barkada. Kumpleto sila.
"Anong nangyari?" Naiiyak na tanong ni Janine.
"Naaksidente sila ng driver niya. Nawalan ng control. Malubha ang lagay niya. Maari daw na magka amnesia siya.." Sabi ko sa kanila.
"Amnesia?" Tanong ni Janine.
"Oo Janine.." Tumingin ako sa barkada. Naiiyak na rin sila. Ang iba napaupo na sa sahig.
"Magiging maayos rin ang lahat guys.. Kaya yan ni Brace.." Sabi ko at nag weak smile sa kanila.
***********
Nasa kwarto kami ni Brace ngayon. Ang dami niyang sugat sa katawan niya. Hindi pala kotse ang nakabanggaan nila kundi isang 10 wheeler truck. Kanina pa rin iyak ng iyak si Janine. Kinocomfort rin naman siya ng pinsan ni Brace na si Shane.
"Tahan na Janine. Kaya yan ni Insan." Sabi ni Shane sa kanya.
"Oo nga Janine. Tiwala lang tayo kay Brace." Sabi naman ni Laysa.
"Pero paano kapag nakalimutan niya tayo?" Naiiyak na tanong ni Janine.
Napatahimik ang barkada. Paano na kung nakalimutan kami ni Brace? Paano ang barkada? Paano na ang mga kulitan,asaran namin? :(
---------------------////////-------------------////////
BINABASA MO ANG
Aking Prinsesa
DiversosLove? Naramdaman ko lang yan nang makilala ko si Brace Arquiza. Suplado,gangster. Pero minahal ko siya. At..... BITIN.COM! HAHAHAAHHA! JUST READ ENJOY! :)