Ang bilis ng panahon, dalawang taon na ang nakalipas. Tapos na akong manood ng mga tao at magbabarkadang mag-graduate na magkakasama. Dahil bukas, kami naman ang tatapak sa entablado. Kami naman ang tatapon ng kaniya-kaniya naming mga toga.
Bukas, hindi lang ako ang ga-graduate dahil kasama ko rin ang mga kaibigan kong si Fiona at Tey. Hindi lang sila, pero pati na rin ang boyfriend at best friend ko na si Hayden. Sabay lang kasi ang graduation namin kahit magkaiba kami ng kursong kinuha.
"Alisha! Daan tayo mamaya sa mall. Kuha tayo ng nonoms!" Sigaw ng nasa likod na si Althea. Nagd'drive ako ngayon papunta ng SLU dahil may practice kami mamaya para bukas. Birthday rin kasi niya kaya mas masaya at mas na-i-excite kami. At mas maraming iinumin kaya masaya talaga!
"Anong oras daw pupunta si Reign bukas?" tanong ni Fiona. Ah, pupunta nga rin pala siya kaya kumpleto kami bukas na magsi-celebrate.
"Akala ko ba, mamayang gabi siya babiyahe?" patanong kong sinabi.
"Surprise na lang daw. 'Di natin sure, eh, 'no?" Tumawa si Althea habang nakatingin sa labas.
Wala naman yata siyang sinabi. Basta, pupunta raw siya. O baka nakalimutan ko lang dahil sa excitement naming maka-graduate?
"Ang angas talaga. Akalain mo 'yon? Dati, nagtititigan lang tayo tuwing nagti-take tayo ng mga quiz at exam." Tiningnan kami ni Fiona. "P*ta, ngayon ay ga-graduate na tayo.""Oo nga!" Napatawa kami ni Althea.
Mabilis nga at marami na ring nagbago pero siyempre may mga bagay rin na hindi nagbago, tulad ng pagsasama naming lima na hanggang ngayo'y buo pa rin kami despite the distance and how busy we are especially this year na last year namin.
"Last day as college students, mga kups!" masiglang banggit ni Thea nang naparada ko na ang sasakyan. "Isang buong araw na nakatayo sa gym–gusto n'yo 'yon?"
"Worth it naman ang pagtayo natin ng ilang oras, eh," sabi ko at sinarado na ang engine ng sasakyan. Kaniya-kaniya na kaming lumabas at dumiretso sa classroom namin para sa attendance.
Pagkatapos kumuha ng attendance ang secretary namin, nagpunta na kaming lahat sa gymnasium. Dumiretso agad ako kina Fiona habang hindi pa nagsisimula ang practice.
"Dyowa mo, nando'n, oh!" Itinuro ni Althea si Hayden na nakatayo kasama sina Derick, ang mga kaibigan niya. "Daldal ni Derick, oh. Tingnan mo, mamaya ituturo ka rin niya para malamanni Hayden na nandito ka."
I just made a face but my eyes widened when Derick really pointed at me and said something that made him look at us. At me. The two walked towards us. "Hi, Fiona!" Nakangiting bungad ni Derick.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Fiona at nag-inarte na parang nasuka siya sa presensiya niya. "Ang lamig . . . akala ko ba'y summer na? Bakit parang may dumaan na espirito? November 1 ba?"
Tahimik naman na pumunta sa tabi ko si Hayden. "They're always so chaotic. I think I need an otolaryngologist to check my ears. My ears might be damaged by hearing them quarrel for years," he joked.
"May araw bang hindi sila nag-aaway? Wala naman yata, ah?" I smiled while we were watching them screaming at each other.
"Sabay na yata tayong magpatingin ng tenga. Ilang years kong kasama mga 'yan sa elementary hanggang college."
"We're graduating already but some things don't seem to change."
"Like what?"
"Beatrice's height."
I tried to calm myself to avoid laughing, but Fiona's eyes suddenly glared at Hayden. Seems like somebody heard what he said.
"Anong hindi nagbago ang height ko? Tumangkad ka lang!" She crossed her arms. "Magpasalamat ka dyowa ka ng kaibigan ko."
BINABASA MO ANG
Under the Same Starry Skies
General FictionHIRAETH SERIES #1 Alisha Kelsie Andres is a registered nurse in Baguio General Hospital who graduated from the Saint Louis University. One day, she encountered a familiar patient lying on the bed, unconscious. Who is this patient? Why was the feisty...