Chapter 14

52 11 0
                                    

At that point, I wanted to scream at the hospital. Why? Why didn't he tell me in the first place? I should have been there beside him. I should have been his nurse. I should have been beside him and we should have fought together.

"He left and he did not want you to know, because he knew it would hurt you. Sorry."

"I understand, Tito, pero sana sinabi niya sa 'kin. Kaya ko naman siyang alagaan." Kaya ko naman talaga. Naroon sana ako lagi sa tabi niya. If only I knew.

"Thank you, Anak. You have already done your part," he sighed.

"No, Tito! I should have been there!" I was surprised that I raised my voice. "Sorry po."

Wala na akong makita dahil hindi ko na kinayanang pigilan ang mga luha ko. Nagi-guilty ako. Hindi ko man lang naitanong kung okay lang ba siya. Hindi ko man lang naitanong ang kalagayan niya. Hindi ko man lang siya kinamusta.

Nagi-guilty ako pero hindi ibig sabihin noon ay babalikan ko siya. Takot na ako na baka sa ikalawang pagkakataon, mawala ulit siya. Baka sa ikalawang pagkakataon, mang-iiwan ulit siya. Baka umabot na sa punto na hindi ko na kakayanin pa. Hindi na namin kakayanin pa.

"Tito, a few weeks after he left me, I found out that I was pregnant. The baby was a girl, Tito. Our friends named her Heaven Amelia but after a few months, I fell down the staircase and I found myself inside a hospital room and there, they said they couldn't save her, Tito."

He gave me a hug and that made me cry.

"I'm sorry, Anak. I didn't know," He said. We stayed quiet for a while until he spoke again.

"Babalikan ko muna siya sa kuwarto niya. Nasa Room 415 siya, ha? If you have time, go visit him, anak. He would love to see you." I nodded and watched him leave.

I wiped my tears and went back inside Karl's room. Nakita kong nakatulog na ang bata. Nilapitan ako ni Lucas at niyakap. "Ano'ng nangyari? Bakit malungkot ang mukha? Ang pangit mo, joke."

"Hayden's dad talked to me."

"Hayden? Ex boyfriend mo?"

Tumango ako bilang sagot at sumeryoso siya. "Nandito siya? Ano raw?"

"Naka-admit siya. Gusto raw akong makita." I shrugged and leaned my head on his chest.

"Oh? Ano'ng sakit niya?"

"Hypertrophic cardiomyophaty," I simply answered. Bakas sa mukha niya ang lito kaya in-explain ko sa kaniya kung ano ang sakit na 'yon. "Kumakapal 'yong heart muscle niya at baka mahirapang mag-pump ng blood 'yong puso niya."

P*ta, parang ang hirap paniwalaang gano'n ang sakit niya. Hindi ko naman puwedeng isisi sa kaniya o sa nanay niya na may gano'n siyang sakit dahil alam ko naman na hindi nila ginusto na magkaroon ng gano'n.

Sana gumaling na siya.

"Pupuntahan mo? Handa ka na ba?" the guy in front of me asked. "Hindi ba duty mo?"

"Pagkatapos ng shift ko, mga 3PM, pupuntahan ko. Bibisitahin ko."

Tumango-tango lang siya. "Sasama ako sa 'yo! Pupunta muna ako ng restaurant tapos pupuntahan kita. Sabay tayo, ah?"

"Huh? Bakit ka sasama sa akin?"

"Babantayan kita, p're. Baka rumupok ka. Bawal marupok, dapat strong!"

Binatukan ko ito. "Sige na magdyu-duty na ako. See you later, Cas na pangit!"

I left him and went to the ER. Napabuntonghiniga na lang ako. Ano kaya ang mangyayari sa kaniya? Sa akin? Sa amin? Ano'ng mga salita na naman kaya ang kailangan kong harapin at bitiwan sa kaniya? Masasaktan na naman ba ako mamaya? Makikita ko na siya nang mulat ang mata.

Under the Same Starry SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon