"Ma'am Maze may libro ka bang ganito? Wala sa e-catalogue eh."
Agad naman niyang tiningnan ang pinapakitang nitong picture sa cellphone. Hinahanap nito ang isang book para sa Biophysics. "Andun yan sa may bandang gitna ng second floor. May makikita kang sign doon ng sciences."
"Thank you ma'am," paalam ng binatang estudyante na may pagkindat pa. Naku ang mga kabataan talaga ngayon.
Sabagay bata pa naman siya kung tutuusin sa edad na bente-cinco. Pero dahil na din sa tatlong taon niyang patatrabaho dito ay di na maiwasan na matanda na din ang turing ng mga estudyante sakanya na halos kaedad lang niya.
"Ms. Pakangkang may meeting daw mamayang alas-cinco. Dumiretso ka nalang sa boardroom," sabi ng isang professor na napadaan sakanya.
"Sige po. Salamat po Mrs. Ramirez." Ngumiti pa siya sa matandang ginang.
Napatingin siya sa relo at napansing alas-tres na pala. Kailangan na niyang likumin ang mga librong nagamit at i-scan bago ibalik sa mga kinalalagyan.
Agad naman na siyang tumayo at ipinagpag ang mahabang saya pati na din ang puting long sleeves bago tumungo sa mga lamesa.
"Mazy, 'di ka pa ba tapos?" Agad naman siyang napalingon sa nagsalita.
Teka anong oras na ba?
"Art, naparito ka," ngiting tugon niya sa kaibigang professor sa bookkeeping.
"May meeting tayo in fifteen minutes. Nawili ka nanaman yata sa pagliligpit ng mga libro." Dahan namang naglakad palapit sakanya ang kaibigan mula sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan.
Ng tuluyang umalis na ito ay saka lang niya napansin na may kasama pala itong yummy, este propesor din. Namula ang kanyang mukha at bahangyang yumuko.
"Ay...ah good afternoon po Dean De Masubo." Panigurado ay mukha na siyang nasampal ng nanay niya sa pula ng mukha. Nakita pa niya ang pagngisi ng kaibigan.
Tumango lang naman ang Dean sakanya, pero nanatili lang itong nasa entrada ng library.
"Naku bilisan mo na jan baka bigla mong masubo si Dean De Masubo," pang-aasar pa ng kaibigan na agad nagpapula ng mukha niya. Peste talaga 'tong kaibigan niya madalas.
Iniwan nalang niya ang ibang librong natira at agad na nag-ayos ng gamit. Syempre dapat mabilis ang kilos dahil baka mainip si Dean.
Habang naglalakad sa hallway papuntang boardroom ay 'di siya mapakali. Nasa unahan kasi niya ang dalawang lalaki. Kitang-kita niya ang hapit na pantalon nito na humuhugis sa tambok ng pwet. Ay bastos!
Pagpasok palang nila sa boardroom ay halos puno na ang mga upuan maliban sa tatlo. Isang magkatabing upuan at isang hiwalay na upuan.
Naglakad na siya palapit doon sa may kalayuang upuan ng biglang hatakin siya ni Arturo. "Hoy ano ba?"
"Anong ano ba? Jan ka maupo sa tabi ni Dean. Ako na dun sa malayo."
Tinaasan niya ito ng kilay dahil sa pagtataka. "At bakit naman. Ikaw na ang tumabi kay Dean, magpinsan kayo diba?"
"Wew, 'di na, jan ka na." Sabay tulak sakanya ng may kalakasan paupo sa bakanteng upuan. "Jan ka na at gentleman ako ngayon," utos nito na may pagkindat pa.
Hinihilut-hilot pa niya ang kanyang puwet mula sa pagkakabagsak. Kagigil talaga iyong Arturong iyon. Pag may magpagkakataon ay mabawian nga.
Isang tikhim ang nagpabigla sakanya. Lumingon siya sa katabi at agad niyang nakita si Dean De Masubo na nakatitig din pabalik. Ay gaga! Agad naman niyang tinanggal ang kamay na humihimas sa puwet.
"Ah...eh masakit kasi yung pagkabagsak ko," mabilis niyang pag-eexplain kahit wala naman itong hinihinging paliwanag.
Nakita niya ang paggapang ng mapang-asar na ngiti sa mga labi nito. "Want me to help you with that, Ms. Pakangkang?"
Kung sasabihin ko bang oo, ikaw na ang hihimas?
Pero syempre 'di niya sinabi yun. Halata namang mapang-insulto ang pagkakabanggit nito.
Nang inayos na niya ang pagkakaupo ay may naramdaman siyang mariing pagpisil sa kanyang puwet. "No!"
Naupuan niya ang kamay nito kaya siguro napapisil sa bigat niya. Pero bakit kasi nasa upuan niya ang kamay ni Dean Yummy?
"Ms. Pakangkang are you okay?" Agad niyang nilingon sa harap ang mismong presidente ng SDUP. Napalakas yata ang sigaw niya. Grabe nakakahiya.
"Ay Mr. President, okay lang po. Parang may gumalaw lang sa ilalim ng mesa na De Masub—este langgam. Opo langgan nga."
Nagpapantastikuhang tumingin sakanya ang mga kasamang staff at educators sa loob ng kuwartong iyon. Nagbigay nalang siya ng alanganing ngiti at yumuko.
"Mr. President, I think everyone is here. May we proceed to the meeting?" Sabi ulit ng kanyang katabi pagkatapos tumikhim.
"Hoy ano yung sinisigaw-sigaw mo kanina? Para kang nire-rape kung maka 'No!'."
Matapos ang meeting ay umuwi na din agad sila. Sabay na silang umuuwi ni Arthur dahil magkatabi lang naman ang apartment nila. Pero ang bruha nagyaya pa ng inihaw at fishball.
"Kasalanan mo at doon mo ako pinaupo sa tabi ng pinsan mo. At ikaw, iyang pananalita mo ha, kung 'di ko lang alam na eba ang tipo mo nag-asume na akong bakla ka."
"Ay sus 'wag na magalit. Pero ano nga ang nangyari at napasigaw ka? Titig na titig pa sayo si Nacho habang nakangisi." Nagsasalita ito habang ngumunguya with matching talsik pa ang kinakain. Dugyot talaga.
Bigla namang pumasok sa isip niya ang guwapong mukha ng dean. Ignacio 'Nacho' De Masubo. Kakaibang kilabot ng sarap ang dumaloy sa kanya. Mukha palang yung iniimagine niya ha. What more kung yung De Masubo na. Ay!
"Naupuan ko kasi yung kamay niya. Nagulat din ako kaya ako napasigaw."
"Ay Ms. Pakangkang nagpatusuk-tusok ka na agad kay insan? Asan ang dalagang Pilipina aber, asan? Ilabas mo." Winagayway pa nito ang stick na may tuhog na bituka ng manok.
"Anong nagpatusok? Naupuan ko lang. Medyo napisil pa nga niya yung puwet ko sa bigat ko eh."
Ilang segundong nakatitig sakanya ang kaibigan bago humalakhak ng malakas. Nyemas na ito tatawanan lang pala siya.
"Magtigil ka jan Arturo. Kanina pa yang bastos mong bunganga ha. Nakakainis ka na."
'Di naman siya nito pinansin at lalo pang tumawa. Hay ewan, maiwan na nga.
Naglalakad na siya palayo dito ng maramdaman niya ang yapak nito sa likod. 'Di na din niya naubos ang kinakaing fishball at kikiam, baka ito nalang din ang ulamin niya mamayang hapunan.
"'Wag kang lumapit sakin hanggat hindi nauubos yang tawa mo."
"Friend, wait lang kasi. Hindi ka naman mabiro eh." Nangunyapit pa itong parang naglalambing. Napaka-plastick niyang kaibigan grr.
"Ikaw kaya ang biruin kong nagpatusuk-tusok sasaya ka?"
"Tumusok pwede pa pero hindi nagpatusok. Sakit sa puwet nun oy."
BINABASA MO ANG
Mazikein the Virgin
Chick-LitSYNOPIS Si Mazikein Pakangkang ay isang twenty-five year old na birhen. Sa kabila ng kanyang apelyido ay nanatili siyang birheng maria. But her wild imagination surely isn't. Right after graduation ay agad siyang tinanggap ng San Dakot University of...