Chapter Four

7 0 0
                                    

Pinong kurot naman ang ibinigay niya kay Arturo matapos sumalampak sa upuan.

"Mazikein, kukurutin ko yang singit mo pag 'di ka tumigil," bulong naman nito.

"Sabi kasi sayo ayaw ko dito kumain eh." Pahamak talaga. Pwede bang mag change friend?

"Babe, and sweet naman nila oh. 'Di mo naman nabanggit na may relasyon sila," sabi noong babae na nagpatigil sa bulungan nilang dalawa ni Art.

Hindi niya alam kung bakit, pero parang kutsilyong kinakaskas sa salamin ang boses noong babaeng nakakunyapit kay Dean De Masubo.

Pa-babe-babe pa. Babe-bitawan ka lang din niyan! Babe-bilugin at babe-biguwasan. Chareng!

Kung titingnan niyang maayos ay parang mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Luwa din ang dibdib nito na para bang wala ito sa eskuwelahan. Oo na. Maganda nga ito pero naiinis parin siya.

"They've been best friends since elementary. Wala silang relasyon." Dean De Masubo showed his pearly white teeth habang nakangiti ng maluwang. Hay, ang pogi talaga.

"Tama insan. By the way, hindi mo naman nabanggit na girlfriend mo pala ang bagong propesor ng College of Nursing." Ay weh?

Tama ba ang pagkakadinig niya kay Arturo? Bagong professor? Pero bakit hindi man lang niya alam na may bagong professor pala?

"Art, ako na oorder. Penge nalang pera dali." Excuse niya at hindi na hinintay pa ang sagot sa katanungan.

"Ay, no, ako na." Akmang patayo na si Art pero pinigilan niya ito. No, hindi niya kayang maging third-wheel.

Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng kaibigan at malakas itong ibinagsak paupo. "Sabing ako na eh. Wallet dali."

She snatched Art's wallet from his back pocket. Before excusing herself.

"Mag-bestfriend lang talaga kayo? Sayang bagay pa naman sana kayo." Huling narinig niya ng makalakad siya palayo.

Mabilis na lakad ang ginawa niya papunta sa isang kiosk. Buti nalang at medyo mahaba ang mga pila. Ibig sabihin, hindi niya kailangan bumalik agad doon sa table.

Sino ba talaga yung babaeng yun? Girlfriend daw ni Dean? Parang ang bilis naman ata.

"Miss. Yuhoo, miss anong order niyo?" Bigla naman siyang natauhan sa pagkaway ng kahera sa mukha niya. Siya na pala ang oorder.

"Isang bucket ng chicken, spicy lahat. Dalawang ice cream at large fries."

This is the perfect time for her revenge. Pera ni Arturo ang gagastusin niya. Aba kung tutuusin ay kulang pa itong pambawi 'no.

Ilang saglit lang din ay nakabalik na siya sa table nila. Si Art na lang ang naabutan niya. Nalinis na din ang dating pinagkainan ng dalawang nauna.

"Hoy, anong drama yun? Sakit sa pwet ha," bungad ni Art na nakasimangot pa. tinaasan naman niya ito ng kilay.

"Eh sa ayaw kong maiwan dito kasama sila eh. Sino ba yung babaeng yun?"

"Ay, ang gaga hindi nakinig sa meeting kahapon. Bagong professor sa nursing pamalit kay Mrs. Deme kasi manganganak na. pinakilala kaya siya kahapon."

Parang wala naman siyang naalala na pinakilala sa meeting. Maybe, she's too preoccupied kaya hindi niya napansin. Pero wala talaga siyang naaalala eh.

"Alam mo..."

"Hindi pa," pamumutol niya sa kaibigan na sinamaan lang siya ng tingin.

"Nahihiwagaan ako jan kay Ms. Dee. Parang ang bilis namang naging sila ni Nacho, eh kahapon lang yung nagkakilala."

Kumuha na siya ng chicken at agad na kumagat. Hinihintay nalang niyang mapansin ni Arturo na pera nito ang pinambili niya ng lahat.

"Sino si Ms. Dee?" Punong bibig na sabi niya.

"Yung bagong prof. nga ng nursing. Si Malachi Dee, commonly known as Didi."

Napatango-tango naman siya sa sinasabi ng kaibigan habang tuloy parin sa paglamon. Abay susulitin na niya ang libre ni Arturo at bibihira lang itong mangyari.

"Bagay sa kanya pangalan niya. Ma-la-ki-Di-di."

"Ay gaga. Ma-la-kay ang pronunciation ng pangalan hindi Ma-la-ki."

Saglit pa silang nagkatitigan at sabay na tumawa. Ang funny ba naman kasi. Well, buti nalang at bumagay ang pangalan noon sa sukat nito.

"Naku, naiinggit ka lang dahil konti nalang ay nagiging pader ka na eh."

"Imbiyerna, may dibdib ako 'no."

Art mocked her again bago kumagat sa hawak na chicken. Para naman itong dragon na bumuga ng apoy. His eyes started to water habang pinapaypayan pa ang bibig. His reflexes made him bury his hot tongue in one of the ice cream sundaes.

Hindi niya mapigilan ang malakas na tawa dahil sa mukha ng kaibigan. Arturo Masa means anti-spicy food.

"Impakta kang babaita ka!"



Mabilis lang lumipas ang oras habang siya naman ay natambakan ng librong aayusin. Kailangan niya yata mag-request ng secretary.

Halos wala ng mga estudyante na nasa library. Which is perfect dahil wala ng madagdag sa ipapatas na libro.

Bitbit at karitela na puno ng libro ay inumpisahan na niya ang pagbabalik ng mga ito. Others might find this work boring, pero nag-eenjoy siya sa ganito. Tahimik lang at naamoy niya ang lumang mga libro.

Ng makalahati niya ang laman ng cart ay tumingin muna ulit siya sa paligid. Wala na talagang mga tao kaya dali-dali siyang dumiretso sa dulong bahagi ng library kung saan nakalagay ang mga librong bihirang basahin ng mga estudyante.

"Tama dito ko dapat ito itago. Wala namang estudyante ang nagpupunta na dito."

Thick fog of dust clouded her nostrils. Kahit lagi naman itong nililinisan ay lagi paring madumi dahil sa hindi nga nagagalaw na mga libro.

She quickly took her white book and press it together with other poetic books. This place is the safest for her to conceal her secrets.

"Secret safe," bulong pa niya sa sarili.

"Ehem."

Taranta siyang napalingon sa pinanggalingan ng tunog. Her body turned to stone. Hindi na siya makagalaw at parang kuwagong nanlalaki ang mga mata.

"Ah, eh, Dean De Masubo, ba-bakit po kayo naparito?"

"I was looking for you. Hihiram sana ako ng libro."

"Kanina pa po ba kayo dito?" Baka narinig pa nito ang pagkausap niya sa sarili. Bakit kasi napaka-careless niya eh.

"No. Kakadating ko lang. Hindi kita nakita sa desk mo kaya nag-ikot muna ako, and I found you here." He even showed his pearly white teeth. Sana lang talaga at wala itong narinig.

"Anong book po ba ang kailangan niyo?"

"History of Philippine Engineering, Architecture and Planning."

"Nasa aisle sixteen. Please follow me." Nauna na siyang maglakad at iniwan nalang ang cart sa pinakadulong aisle. 

Mazikein the VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon