"Wala yung specific book na hinahanap mo eh. Pero meron ditong baka makatulong as reference mo," casual na sabi niya. Good job for that, Maze!
She stilled when she felt a nearby presence. Ramdam niya ang init ng katawan nito sa kanya. She pressed her body more towards the book shelf. Nakakapaso.
Ang bango. Maghunusdili ka!
"I'll take this Principle of Architectural Engineering." His voice came out more of a whisper.
Naramdaman niya ang mas paglapit nito na para bang may inaabot sa bandang uluhan lang niya. He leaned forward causing her to feel his own body heat.
Pati ang hininga amoy bagong sipilyo. He's a mixture of mint and oak, manly yet mesmerizing.
"Ah sige, ano, i-scan mo nalang paglabas mo."
Hindi parin siya gumagalaw sa orihinal na puwesto. Takot nalang niya kung bigla siyang humarap dito. Hindi nga niya alam kung may distansiya pa ba sa pagitan nilang dalawa.
She felt him step backwards. Siguro ay nakuha na nito ng tuluyan ang libro. She turned to face him matapos pilit pakalmahin ang sarili. Panigurado ay namumula na ang mukha niya.
Woohh hinga!
"Are you okay? You look red." Akmang hahawakan pa nito ang mukha niya na agad naman niya iniiwas.
"Ah yung sunset lang yan. Kahel na kasi ang araw, nag-reflect lang siguro," palusot pa niya.
"Sige, Mazikein. Salamat dito."
Dean De Masubo left with a wink.
Para naman siyang nanghina at napaupo nalang sa sahig ng library. Para siyang dahan-dahang natutunaw na kandila sa init ng apoy. Totoo ba ang nangyari? Kinindatan siya ni Dean De Masubo at tinawag pa siya sa pangalan niya?
"Hoy Mazekein Pakangkang!"
"Ay tinuling kabayo! Arturo Masa, bakit ka ba nanggugulat?"
Masama niyang tinitigan ang kaibigan habang tahip ang mabilis na tibok ng puso.
"Nakababa na si haring araw at ikaw dito nakaupo lang sa sahig? Kanina pa ako naghihintay ng makauwi na tayo."
"Ha? Madilim na? Kanina lang papalubog palang ang araw ah."
Taranta naman siyang napatayo at sumilip sa naglalakihan bintana ng library. Art is right. Madilim na nga sa labas. Gaano ba siya katagal na nakaupo sa sahig?
"Sino bang iniisip mo at kanina ka pa nakangiti habang nakapikit? May pagnguso ka pang nalalaman."
"Heh! Wala iyon, napagod lang ako. Tara na uwi na tayo."
Mabilis na siyang naglakad palayo at kinuha ang kanyang gamit.
Habang naglalakad na papasok ng eskinita nila ay hindi mapakali si Arturo. Para bang may hinahanap ito.
"Maze, magkano ba ang kinuha mo sa wallet ko kaninang lunch? Bente nalang natira oh," sabi nito sabay wagayway ng natirang buong bente sa ere.
"Five hundred."
"Five—ano?!"
"Ang dami kaya nating kinain kanina."
"Mazekein naman eh. Yung nalang natitira kong pera. Anong ibabayad ko kay manang Biday para sa renta?"
Medyo na-guilty naman siya para sa kaibigan. Mali yata ang timing niya ng pwersahang pagpapalibre dito.
"Friend, three thousand kaya renta natin per month. At saka madami ka namang ATM cards, may platinum ka pa nga eh. Gamitin mo nalang."
"Alam mong hindi ko kailan man gagamitin ang kahit na alin sa mga yon, Maze." Bigla itong sumeryoso. At pumogi na din. Pogi kasi si Art pag seryoso, parang model.
Mapait nalang siyang napangiti sa kaibigan. Ang drama naman kasi nitong si Arturo at may nalalaman pang paglalayas sa yayamanin niyang magulang.
"Oo na. Pero paano ka makakapagbayad ng renta? Wala ka na ba talagang pera? As in last na talaga yung five hundred na pinangkain natin?"
Tumango naman ang kaibigan na naging problemado na din. Kung araw-araw ka ba naman kasing dumaan sa SB sinong hindi mauubusan ng sweldo agad-agad? Well, laking yayamanin ang kaibigan kaya hindi niya din masisi. Old habits die hard.
"Sa apartment ko nalang ikaw kumain. May natira pang manok dun sa lunch natin kanina eh. Una na ako ha, iyak ka muna jan."
"Gaga wala nga akong nakain nung luch dahil maanghang ang binili mo."
'Di na niya ito pinansin at pumanhik na siya paitaas ng hagdan habang naiwan doon ang kaibigang nagluluksa. Narinig pa niya ang pagsigaw nito kasabay ng kulog at kidlat. Sana hindi ito kinidlatan.
"Hoy Arturo, kailan mo naman planong magbayad aber? Madaming nangangailang ng apartment ngayon at kung gusto mong umalis ay okay lang."
"Manang Biday, pwede bang sa kinsenas na lang?"
"Anong kinsenas? Kakasweldo lang wala ka ng pera?"
Ito agad ang bumungad sa umaga niya. Sino nanaman bang kaaway ni mang Biday sa ganito kaaga? Nagising tuloy siya sa kakangawa nito.
Binuksan niyang kaunti ang pintuan para silipin kung sino nanaman ang kasagutang ng may-ari ng apartment building nila.
Tumambad naman ang mukha ng matalik na kaibigan na humihingi ng saklolo. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh. Kilala si manang Biday bilang isang malupit na landlord dahil hindi ito nagpapamintis ng singil.
"Maghahanap po ako ng pambayad ngayon ding araw. Bigyan niyo na po ako ng palugit hanggang ngayong hapon."
Pinanuod pa niyang ang matatalim na titig ni manang Biday. "Sige na nga. Kung hindi ka lang pogi at malakas makahatak ng iba pang tenant ay hindi kita pagbibigyan."
Nagtatatalon naman sa tuwa si Arturo with matching pagyakap pa kay manang Biday habang nagpapasalamat.
Tumalikod naman ito paharap sa kanya at akmang kakatok na, na may kasabay pang sigaw. Kaya inunahan na niya ito at agad nang nag-abot ng tatlong libo. Ayaw niya talaga kapang nagbubunganga si manang Biday. Nakakarindi eh.
"Oh kayong lahat tularan niyo si Mazikein at laging advance magbayad, hindi na ako pinapasigaw," sigaw pa nito bago sinuksok ang kakatanggap lang na pera sa suot na bra.
Napapailing nalang siyang dumiretso na sa banyo para maghanda sa pagpasok.
BINABASA MO ANG
Mazikein the Virgin
ChickLitSYNOPIS Si Mazikein Pakangkang ay isang twenty-five year old na birhen. Sa kabila ng kanyang apelyido ay nanatili siyang birheng maria. But her wild imagination surely isn't. Right after graduation ay agad siyang tinanggap ng San Dakot University of...