"Mazy bebeh qouh labas na!"
"Eto na nga palabas na," balik sigaw niya sa kaibigang naghihintay na sa labas ng pinto.
Ano bang nangyari sakanya kagabi at tinanghali na siya ng gising? Hindi naman siya ganito. Arghhh. Kung 'di dahil dun sa mga butiking yun edi sana hindi siya male-late ngayon.
Mabilis niyang kinuha ang bag at inilagay lahat ng gamit na mahawakan. Buti nalang naligo na siya kagabi kaya kahit half bath nalang ngayon oks na.
Pagbukas palang ng pintuan ay bumungad na agad ang inis na mukha ni Art. "Ano ba yan ang bagal. Hindi na tuloy tayo makakadaan sa SB."
"May dala akong 3-in-1 bigyan nalang kita."
"Ay baka isipin sa office naghihirap na ako niyan."
Napairap nalang siya sa narinig sa kaibigan. Minsan talaga ang sarap ipapako nito ni Arturo eh. Kung mag-inarte daig pa ang babae.
"Ayan," sabay hampas ng isang sachet ng mumurahing kape. "Itimpla mo sa magandang mug. Magpaka-practical ka at singilan na ng upa sa makalawa."
Malapit lang naman ang university at isang ikot lang ng jeep sa bayan kaya mabilis silang nakarating.
"Ma'am ID po."
"Mazikein Pakangkang, ID mo daw."
Mabilis naman niyang sinuksok ang kamay sa loob ng bag at hinugot ang pinakaunang nakapa na parang ID sabay scan.
"Ah eto oh."
Kumunot naman ang noo ng kuya guard na ikinataka din niya. Bakit anong mali? Hindi ba ID yung iniscan niya?
"Gaga ID daw, bakit ATM card yang iniiscan mo?"
"Ha?"
"Ano bang nagyari sayo bruha," saway ni Art habang ito na mismo ang naghalungkat ng bag niya. "Ayan kuya, pasensya na kay Ms. Pakangkang at nangkulam 'to kagabi kaya lutang."
"Umayos ka na ha. Magsuklay ka at maghilamos ng ayos may muta at laway ka pa," ngising paalam pa nito.
Agad naman niyang kinuha ang maliit na salamin sa bag at halos mabato niya ng sapatos si Art na nagmamadaling patakbo patungo sa department nito. Ang tagal nilang magkasama sa jeep tapos ngayon lang ito nagsabi.
Mamaya ka sakin Arturo.
Aligaga niyang binubuksan ang pinto ng library. Pila na ang mga estudyante at heto siya nahihirapan buksan ang pinto. Bakit naman kasi ang laki masyado nitong pintuang 'to?
"Miss Pakangkang kailangan na namin mag-research," ungot ng isang estudyante na kanina pa pala naghihintay sa pagbubukas niya ng library.
"Oo, wait malapit na."
Nanginginig ang mga kamay na naihulog niya ang susi. Araw-araw nalang ba siyang mahihirapan sa pagbubukas ng pinto ng library? Nakakainis na ha.
"Miss magki-quiz na kami 'di pa ako nakapapag-aral."
Sa library ka lang ba makakapag-aral? Pero syempre 'di na niya sinabi yan.
Pupulutin na niya ang susi ng may kamay din na umabot dito. Parang nagslow-mo lahat ng iangat niya ang ulo niya.
Akala ko sa korean novela lang may pag slow-mo.
"Let me open it."
Isang piping tango nalang ang naisagot niya dito. Nakakahiya naman. Bakit kasi ngayon pa siya kailangan maabutan ni Dean De Masubo?
"There." Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa bukas na pinto ng library. "You should request for a new lock. Kalawangin na ang isang 'to, Miss Pakangkang."
Bakit ganun siya kalakas? Napapatulala nalang si Maze habang tinitingnan ang isang Adonis sa kanyang harap. Ang sexy naman nito mag bukas ng pinto.
"Miss, padaan na kami." Natauhan nalang siya ng kusang pumasok ang mga estudyanteng naghihintay sa labas. May iilan pa ngang naitulak siya.
"Are you okay?"
Nanlalaking mga mata na napaayos siya ng tayo. Para siyang napaso sa mga kamay nitong kumapit sa bewang niya bilang pag-alalay.
"Dean, pasensya na po. Hindi ko sinasadya, at thank you din...pala."
"No problem." He flashed his pearly white teeth na mas lalong nagpalambot ng tuhod niya. "I think you need to wash your face," nakangiting dugtong pa nito.
Parang malamig na tubig naman ang bumuhos sakanya ng maalala ang itsura niya. Bwisit na Arturo yun. Kasalanan niya ito eh.
Nahihiyang nagmadali siyang tumakbo paloob ng library. Sa dami naman ng pagkakataong makikita siya nito ngayon pa talaga.
Walang gana siyang naupo sa upuan niya habang may bitbit na tasa ng kape. Magtatanghaling tapat na pero ngayon lang niya natimpla ang kape niya. Masyado siyang nabusy kanina sa kahihiyan at pagdagsa ng mga estudyante.
"Oy nabalitaan ko yung kay Nacho-Nachito."
Inirapan naman niya ang bagong dating na kaibigan. Ito talaga ang may pakana ng lahat eh. Kasalan nito kung bakit ganun ang itsura niya.
"Maze pansinin mo ako." Wala deadma lang dapat.
"Lilith Mazikein Leofonso Pakangkang."
"Kailangan buong-buo ang pangalan, Arturo Ralph Masa?"
"Eh kasi nag-iinarte ka jan, ayaw mong mamansin." Kung hindi niya lang kaibigan ito ay kanina pa niya ito nasabunutan.
"Kasalan mo lahat ang kamalasan ko."
"Ay 'wag mo nga akong sisihin na hindi ka marunong mag hilamos ng maayos. Malay ko din bang makikita mo si Nacho sa ganitong kaaga."
Well, kasalanan din naman niya. Pero kasi dapat sinabi na agad nito kung nakita pala nito sa jeep palang. Walang kwentang kaibigan.
"Kain na tayo dali. Libre mo."
"Tigilin mo ako Art. Magkakape nalang ako."
Ayaw na niyang umalis sa library at baka may susunod pa siyang kamalasan. Mahirap na at baka tuluyan na siyang magpalibing sa sobrang kahihiyan.
"Ay ang arte. Tara na bilis."
Isang malakas na hatak ang ginawa ni Art sakanya para lang mailabas siya ng tuluyan sa library. Kadalasan naman ay may baon siyang pagkain. Pero dahil nga late siya ay hindi siya nakapaghanda.
Pagdating sa cafeteria ay puno na ito ng mga estudyante. Kahit na malawak ito ay napupuno parin ng mga estudyante. Para itong isang food court ng mall na may mga stalls ng kilalang food brands.
"Puno na dito, Art. Sabi kasing 'wag na tayo kumain dito eh."
Lahat ng lamesa ay occupied na ng mga estudyante at iilang faculty. Ang iba kasi ay tulad niya sa office nalang din kumakain kapag tanghali.
"Art."
Sabay silang napalingon sa baritonong boses na tumawag kay Arturo. Iyon ay walang iba kundi ang lalaking ayaw na muna niyang makita.
"Nacho! May nakaupo na ba jan"
"Wala. Dalawa lang kami. Dito na kayo umupo, puno na din sa iba eh."
Para naman siyang naestatwa sa kinatatayuan at ayaw gumalaw. No, hindi pa siya handa.
"Uy Maze tara na dali." Tulad kanina ay wala siyang nagawa kundi ang magpahatak sa kaibigan.
Nung makalapit ay saka lang niya napansin na may babae pala itong kasama.
BINABASA MO ANG
Mazikein the Virgin
ChickLitSYNOPIS Si Mazikein Pakangkang ay isang twenty-five year old na birhen. Sa kabila ng kanyang apelyido ay nanatili siyang birheng maria. But her wild imagination surely isn't. Right after graduation ay agad siyang tinanggap ng San Dakot University of...