"Waoooo!!!" Tawang tawa ako dahil sa mga ginagawa niyang tricks! Hindi niya ako ininform na ganon siya kagaling, sabagay sabi niya nga yun ang kina aadikan niya rati.
Nga pala, bat kaya hindi na siya nag titinda ng taho? Ilang araw narin simula nung mamatay ang tito niya, araw araw pa ko nabili ng taho sa kaniya, namiss ko tuloy.
Yeah, matagal ko na siyang nakikita at iniistalk kapag boring kaya ngayon mas lalo akong ginanahan dahil sa mas malapit at abot kamay ko na siya.
"Ikaw naman." Saad niya. Agad naman akong sumakay roon at kinontrol ang sarili, maalam naman ako ng tanto pero di ako magaling. Nag momotor rin ako rati at mas mabait ako ngayon kesa dati.
"Wew, sinungaling, akala ko ba di ka marunong?" Pag kukumpirma niya, natawa nalang ako. Di naman talaga ako marunong, slight lang.
"Tara upo muna, napagod ako e ngayon ko lang uli nagawa yun.." saad niya, dala dala niya ang skateboard at hinawakan ako sa kamay papunta sa bench. Hauf :>
"Nauuhaw kaba? Pawis kana oh." Saad ko pa. Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko saka ibinigay iyon sa kaniya.
"Ang swerte ko naman sa girlfriend ko." AYONNNN!!!! NADALI MO! WAIT HOE TO BREATH?!! I FORGOT! MY TUMMY.
Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin, grabe kapag pala siya ang bumanat umaatras pati kayabangan ko.
"Ganyan ka pala kiligin? Iwasan mo yan baka sa susunod dumugo yang labi mo sa sobrang kilig." Letche naman, ayoko na po ang sakit na ng heart ko hindi na umaayon ang tibok.
"Tigilan mo nga, ano san tayo sunod?" Inis kong saad pero natawa lang siya, namumula na ata ako. Bat naman kasi ang lakas niya:(
"Ikaw? San mo gusto? Malapit na mag dilim." Saad niya at tumingin pa sa langit, mukang kailangan ko na nga umuwi. Nag enjoy naman ako kahit papano.
"Next time, sabay tayong mag skate. Susubukan kong ipaayos yung akin." Ngiti niyang saad, saka inaya na ako na tumayo at sabay kami na nag lakad.
"You know what? Matagal na kitang kilala at nakikita." Saad ko, naamoy ko ang mabango niyang pabango na inilagay kanina, shaks.
"Kaya pala pamilyar ka sakin."
"Ay, kala ko pamilya. Pero oo, matagal na rin akong nabili ng taho pero hindi mo parin ako napapansin, ang mahal pti ng taho mo limang piso lang yun e." Saad ko pa, talaga naman e nung bata ako 5 pesos lang yun.
"Haha, huminto na ako dahil nahirapan na ko, saka maraming tao ang nawalan ng tiwala sa akin dahil nga sa balita."
"Yeah, yaan mo na sila ang mahalaga ay importante ako sa buhay mo." Sabay kaming natawa sa sinabi ko.
"Ang gwapo mo naman kasing tindero."
"That's not my fault, sa ngayon may trabaho na naman ako kaso puyatan pero ayos na rin kesa sa wala." Mukang night shift siya, ano bang trabaho niya?
"Mag pupulis ka talaga? Final decision na?"
"No, di ko akalain na seseryosohin nyo yun. HAHA, gusto kong maging attorney kagaya ng papa mo."
Hindi ko alam kung masasayahan ba ko o hindi e, bakit naman papa ko ang inidulo niya? E hindi niya naman tatay yun, bakit hindi niya nalang idoluhin ang sarili niyang papa?
"Gusto ko rin ipag tanggol ang mga taong walang kasalanan." Saad niya, ahhhhhhhhhh ganon naman pala, sana sinabi niya kagad. Hays pareho pala kami kung ganon.
"Alam mo ba na dati lagi akong nakikipag habulan para sa grades para sa Dean's list at naging successful naman dahil naging scholar nga ako pero hindi ko parin ata matutupad ang pangarap ko. Sabi ko mag aarala ko para makatapos at makapag trabaho yun lang yun, pero dahil sa insidenteng yun gumulo na buhay ko."
Nanatili akong tahimik habang nakikinig, alam niya kayang buhay pa ang nanay niya?pano kaya pag nalaman niya?
"Akala ko sa prisinto na talaga ako titira, pero unexpected yung pag dating mo at ng papa mo, yun din yung oras na parang gusto kong maka tapos para maging professional atty. At para ipagtanggol ang walang sala. Not just work because i need to love my work."
"Ah okay, minsan pangarap kong maging work, para ako naman yung mahalin mo." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko, minsan na ooffend na ako sa tawa niya dahil pang asar talaga.
"Pero bilib ako sayo, kasi lumalaban ka parin kahit mag isa ka."
"I know I'm not alone." Waooo!!! I know meron siyang deep meaning and I'm so gladd! Surprising!
"Sa mga panahong walang wala na ako, ayoko na gusto ko ng tapusin yung problema ko pero hindi ko kaya, I don't have anyone, walang na nga atang nag mamahal sakin kwera sa kaniya... Siya nalang ang meron ako, kaya naman pinipilit kong ayusin ang gusot sa buhay ko" ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya.
"I'm here na okay? You can call me if you need help, if you need someone to talk to or anything I'm here."
"Kahit na ayoko talaga sayo, thankful parin ako na dumating ka sa buhay ko." Nagulat ako sa sinabi niya, kailangan mambwiset muna bago magpasalamat?
"Yie, hug nga as a friend." Saad ko silent girl hehe, nexttime na kapag totoo na, hinug ko siya ng mahigpit at sininghot ang pabango niya, agad rin siyang bumitaw, grabe para naman ang laki kong bacteria na iniiwasan niya.
"I think you need to go home..." Napalingon ako sa sasakyan na mahinang umaandar, patay... Kuya...
BINABASA MO ANG
Love Me As I Am
Teen FictionUnedited A story of a girl who loved the criminal. Char its about how they surrender, how they accept the fact and how to love the imperfections.