Sabay kaming kumakain ng lunch ni Carl, inaya niya kasi ako, Ewan ko kung anong pumasok sa kukote niya at naisipan akong sabayan.
"Kuya?" Napatingin ako sa likod niya dahil ngayon nakatayo duon si kuya.
"So hindi ka talaga makausap ng maayos?" Mukang galit na tanong ni kuya, sana naman hindi siya gumawa ng gulo.
"Dude, sabi ko naman sayo--" nagulat ang mga tao, maging ako ng bigla siyang sapakin ni kuya.
Maangas na hinawakan ni Carl ang panga niya at babawi sana pero pinigilan ko siya.
"Dude, grow up hindi ko ginusto ang nangyari kay Dianne okay? It's been 2 years mag move on kana." Saad ni Carl at biglang umalis, agad akong lumingon kay kuya.
"Kuya..." Saad ko at napa iling saka tuluyang sinundan si Carl, asan na ba yun?
Naabutan ko si Carl dun sa labas, psh buti nalang hindi public place to, nag sindi kasi siya ng sigarilyo.
"Are you alright?"
"Ikaw kaya sapakin ko tas tanongin ko kung ayos ka lang." Sarkastiko niyabg saad, edi wao.
"Naninigarilyo ka pala? Akala ko ba mag babagong buhay ka?" Taka kong tanong. Sinungaling rin pala to e.
"Pero sino si Dianne?"
"Yun ang babaeng sumira sa buhay ko." Sumira? Matagal ng sira buhay nya may ikasisira pa pala lalo?
"E bakit ba galit sayo si kuya?"
"Hindi pa siya na kaka move-on sa babaeng yun kahit patay na." Nanlaki mata ko sa sinabi niya, totoo ba? Seryoso?
"May pasok pa ko una na ko, ingat ka pauwi. I love you." Saad niya saka tuluyang umalis, angas din non ah, pero hihi bahala na nga.
Nang magkita kami uli ni Angel, agad niya akong kinawayan saka sabay kaming pumasok sa room.
"Bat ka tulala?" Nagising ako dahil sa tanong ni Angel, bakit nga ba? Iniisip ko parin kasi kung sino yung Dianne na yun.
"May problema ka no? Shar emo na bestfriend mo naman ako e." Tinutula tulak niya pa ako.
"It's about Dianne." Saad ko at napahawak sa sintido, buti wala pa yung next prof.
Taka akong lumingon sa kaniya dahil wala man lang siyang naging reaksyon sa sinagot ko.
"I'm sorry for didn't tell you this." Saad niya at nag dadalawang isip pa kung itutuloy o hindi.
"Dianne is my bestfriend before you, siya lang rin ang isang babae na kinabaliwan ng kapatid mo." Bagsak balikat ko sa sinabi niya, kaya naman pala ganon analang ang galit ni Kuya kay Carl.
Dahil mas pinili ni Dianne si Carl, ang gulo naman nila, jowa lang may nag pakamatay pa.
"I saw her jumped from the rooftop."
"What?! So totoo nga yung mga nabubuo sa isip ko?!"
"Yes, isang araw nag kalabuan kami ni Dianne, she's depressed kaya naman napapalayo ako ng tuluyan sa kaniya, hanggang sa si Carl nalang ang naging sandalan niya ngunit hindi kasi talaga siya gusto ni Carl."
"Bakit namn siya hindi gusto ni Carl?"
"Dahil ayaw niya, naka focus sa pag aaral si Carl para buhayin ang sarili niya, hanggang sa palagi siyang minamaliit at binubugbog ng tito niya."
"So you know Carl?"
"Yes, but your brother told me not to tell you."
"At eto pa pala, nahanap na nila tita Daily si Carl kaya maaring ilabas ulit nila ang kaso, malaki ang galit ng pamilya ni Dianne kay Carl, kaya delikado siya ngayon. Mayaman sila Tita Daily at kayang kaya siya ipakulong gamit ang yaman."
"So maaaring makulong siya pag hindi nakapag piyansa?"
"Yes, Akira."
So suki talaga siya ng kulungan?
"Okay, uhmm..." Yung totoo? Yung totoo talaga napipikon ako sa kaniya dahil bakit ngayon nya lang sinasabi sakin to? Akala ko ba bestfriend ko siya, so ano? Si kuya na ang bestfriend niya ngayon! Sana sinabi niya.
AKEN'S POV.
"Mom, alam mo naman po kung gaano katalas ang isipan ni Akira, malamang malalaman at malalaman niya." Ayoko kasi tagal madamay si Akira sa gulo namin ni Carl.
Gusto ko lang naman matapos na tun pero ayaw naman nilang makipag cooperate.
"Eh... Wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan, Ken." Saad ni Mom, i really hate that man, lahat nalang kinukuha niya even Dianne!
"Ken, i know you're a good person, please... let yourself learn to forgive." I sarcastically laugh, seriously?
"Anak, alam mo namang kumplikado na ang lahat, malaki kana at kaya mo ng ayusin iyan." Napailing nalang ako. Ayoko ko sa lalaking yun.
"Mom, matigas nga ulo ni Akira e, nahihirapan anong ipaintindi sa kaniya dahil lagi lang iniisip na siya ang tama." Irita kong saad, hanggang ngayon hindi parin nag mature.
Simula pag ka bata hindi na binago ang sarili, palagi nalang makasarili sana naman matuto siyang isipin rin ang iba paminsan minsan.
Sumasakit na ulo ko kakasuway sa kniya kahit hindi ko naman siya responsibilidad, pero dahil kapatid ko yun kahit mahirap pinipilit ko parin ipaintindi sa kaniya yung mga bagay na hindi niya natututunan.
BINABASA MO ANG
Love Me As I Am
Teen FictionUnedited A story of a girl who loved the criminal. Char its about how they surrender, how they accept the fact and how to love the imperfections.