Nang binaba ni Jarence ang tawag ay huminga ako ng malalim saka muling bumaling kay Nathan. Nakatingin na rin ulit siya sa akin ngayon.
"Uh... Sorry about the call," I said.
"Yeah. It's okay. Uh... Pagod ka na ba? Puwede ka nang bumalik sa kwarto mo kung gusto mo."
Tumango na lamang ako sa kaniya. Ganoon rin ang ginawa niya at tumayo na. Pinagpag niya ang pang-upo niya. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya ng naglahad siya ng kamay sa harapan ko.
"Let's go?" He lifted his eye brow.
Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago kumapit sa kamay niya. Marahan niya akong inangat para makatayo na.
"Thanks," sabi ko saka inayos at inalis ang buhangin sa suot ko.
"Tara?"
Tumango naman siya sa sinabi ko. Nauna akong maglakad habang nakasunod naman siya sa akin.
Parang dati lang masaya kaming naglalakad sa dalampasigan. Magkahawak ang mga kamay at may ngiti sa mga labi. Pero ngayon, iba na ang mga nangyayari. Sobrang layo sa mga masasayang pangyayari noon.
Tumigil ako sa paglalakad saka nilingon si Nathan na nasa likod ko. Mabagal siyang maglakad kaya hindi kami nagkakasabay.
Nag-angat siya ng tingin sa akin ng napansin na nakatitig ako sa kaniya. He stopped walking too.
"May... problema ba?" Tanong niya.
Tipid akong ngumiti saka naglakad palapit sa kaniya.
"Ang bagal mo naman maglakad," usal ko.
Napaawang naman ang bibig niya.
"Uh, sorry–"
Hindi ko na siya pinatapos at agad ko nang hinawakan ang kamay niya.
"Let's walk together," sabi ko saka ko siya hinila para makapaglakad nang muli.
Saka ko lamang binitawan ang kamay niya nang nakabalik na kami ng hotel at nasa loob na ngayon ng elevator.
"Which floor?" I asked him.
"Same floor as yours,"
My eyes went round.
"T-talaga?"
"Yup. Katapat lang ng room ninyo ang room ko, Chloe."
"Hmm... okay," tango ko.
Tahimik lang kami sa loob ng elevator hanggang sa nagsalita siya.
"Chloe," tawag niya sa akin kaya naman nilingon ko siya.
"Why?"
"I just want to say sorry again. For... everything. For what I did to you." Mahina niyang sambit.
"It's useless now to say sorry, Nathan. Marami ng nangyari. At... huli na rin naman ang lahat. Ikakasal ka na ngayon–"
"Chloe, I'm not going to marry anyone else."
What did he mean? Damn!
"Chloe, alam mo kung gaano kita kamahal noon. At hanggang ngayon, mahal... pa rin kita."
Tipid akong ngumiti sa kaniya.
"I don't really understand you, Nathan–"
"Believe me, Chloe, I really love you. I... still love you,"
Tumingin ako sa kaniya. Namumungay ang mga mata niya ng sinabi iyon.
Kung totoong mahal mo pa ako, tama si Jarence. Mas mapapadali ang plano namin. Mas mabilis kitang masasaktan. Mas mabilis ko sa 'yong maipapadama yung sakit na naramdaman ko noon.
BINABASA MO ANG
A Fan Girl's Revenge
Художественная прозаIto ang ikalawang bahagi ng kuwento ng isang dating tagahanga lamang na si Chloe De Guzman na sobra ngang nahulog ang loob sa iniidolo nitong si Nathaniel Acey Reid. Naging magkasintahan ang dalawa ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hiniwalay...