Chapter 14

443 12 4
                                    


Monica's POV
     Minsan, kailangan talaga ng pangalawang pagkakataon para makita at mapatunayan mong siya talaga ang para sa iyo.

Nakahiga ako sa kama habang nanonood ng tv. I have a fever kaya nandito lang ako sa aming kwarto. Si Bryle naman ay nasa kitchen at nagluluto ng agahan namin.

Inilagay ko ang gamot sa aking bibig at iinom na sana ng tubig ngunit muntik ko na itong maibuga ng makita si Nathan at Chloe sa screen na magkahawak kamay!

"Oh my gosh!"

"Nics? What happened?" Tanong ni Bryle nang pumasok sa kwarto. Napalakas yata ang boses ko ah.

"Are you alright?" He asked and went near me. Umupo siya sa kama katabi ko.

Hindi ko siya pinansin at nanatili ang tingin ko sa tv.

"Sinalubong nga ng mga fans ang pagbabalik ng dalawang dating magkasintahan na sina Chloe at Nathan. Natapos na ang kanilang photo shoot sa US at makikita nga natin na magkahawak kamay na bumaba ang dalawa sa eroplano. Ano nga bang ibig sabihin nito?"

"Sabay silang umuwi?" Ani Bryle na mukhang nanood na rin yata.

Ipinakita naman ngayon sa screen na iniinterview ang dalawa ng ibang reporter.

"How's your flight, Chloe?" Paunang tanong ng sumalubong sa kanilang reporter.

"Maayos naman,"

"Kumusta ang photo shoot, kung ganoon?"

"Maayos din. Natapos namin ng maayos." Chloe answered again.

"Kumusta ang mga nakasama mo doon, Miss Chloe?"

"The team was great. Magaling silang katrabaho. Kaya nga natapos namin ng maayos ang shoots."

"Including the man beside you?"

Nagkatinginan sina Chloe at Nathan. Bahagya namang natawa si Chloe.

"Of course. We all know na magaling sa ganitong klase ng trabaho ang katabi ko. He's great,"

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi ko ni Chloe. Is she serious?

"Bakit nga ba sabay kayong umuwi ngayon? And... you two were holding hands? Nathan?"

Muli ulit tumawa ng mahina si Chloe. Si Nathan naman ay seryoso lang na tumingin sa reporter.

"I'm just... protecting her from the people. Alam kong maraming... tao paglabas namin kaya hinawakan ko siya para na rin masiguro na hindi siya magugulo ng mga tao."

"Aww... How sweet of him, right?" Biglang singit ni Chloe dahilan kung bakit nilingon siya ni Nathan. Ngumiti lang siya rito. Ang reporter naman ay nakangiti na rin ngayon.

Damn! Is she serious or that was sarcastic one?

"So, you two okay now? I mean, friends na ba ulit kayo?" Muling tanong ng reporter.

"Yeah. We're friends now,"

Damn, Chloe... What are you planning to do?

"They are friends now, huh?"

Kinuha ko ang remote at pinatay na lamang ang tv.

"I'm sure Nathan is happy right now." Dagdag ni Bryle dahilan kung bakit napalingon ako sa kaniya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"He wants her forgiveness, Nics. Matagal na niyang gustong makausap si Chloe para makahingi ng tawad. Kaya ngayong nagkaroon ng pagkakataon, tingin ko nagkausap naman na silang dalawa ng maayos. Friends na nga raw sila, eh."

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon