Chapter 5

691 24 2
                                    


Tanghali na ng bumalik kami kami ni Jarence sa Resort. Ang tagal din naming nagkuwentuhan at tumambay sa tabing dagat. Tingin ko mas okay na rin 'yon dahil mas nakilala namin ang isa't-isa.

"Anong oras daw ang start, ate Laine?"

"6pm sabi ni Direk."

I nodded. "Saan tayo? Dun pa rin?"

"No... Nakalimutan ko kung saan yun, pero sabi marami raw alitaptap dun tuwing gabi." Sagot niya. "Excited na nga ako. I'm sure maganda sa lugar na iyon."

Napaisip ako sa sinabi niya. Maraming alitaptap... Damn. Sana naman mali ang iniisip ko!

Kakatapos ko lang maligo nang makatanggap ako ng text galing kay Mon. Agad kong binuksan ang message niya at binasa.

Mon:
    Chloeeee! Kumusta d'yan sa Palawan?

Ang sigla niya mag-text, ah? Good mood siguro ang bruha.

Nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya.

Ako:
    Ayos lang naman. Maganda pa rin gaya ng dati.

Agaran ang reply niya.

Mon:
    That's good! May good news nga pala ako sa 'yo!

Nakataas na ang isa kong kilay habang nagtitipa ng reply sa kaniya.

Ako:
   Ano 'yon?

Mon:
   Hmm... May ticket na tayo para sa movie nila Bryle. Ngayon showing nun eh, pero since wala ka pa hihintayin na muna kita.

Really, Monica? Good news?

Hindi pa ako nakakapag-type ng reply sa kaniya ay muli na namang tumunog ko para sa isa pa niyang pinadalang mensahe.

Mon:
    Itatabi ko na muna 'tong mga ticket. Bawal na mag-back out, ah? Friendship over talaga tayo 'pag hindi mo ako sinamahan!

Tss...

Ako:
   Fine, Mon. No choice naman ako.

Mon:
   Okayyyy. See you, my celebrity bestfriend!

Pinatay ko na ang cellphone ko at hindi na siya nireplyan. Damn you, Mon. Sana hindi ako mapahamak sa gusto mong gawin!

Nang matapos na ako sa pag-aayos ay lumabas na ako. Nang makarating kami kung saan gaganapin ang ilang scenes ay nakumpirma kong tama nga ang hinala ko. Fuck...

"Alam n'yo naman na yung next scene, 'di ba?" Si direk.

"Yeah." Simpleng tugon ni Jarence habang ako ay tulala lang.

Nabasa ko ang script. Kabisado ko na nga iyon. At nakaka gago dahil halos parehas lang iyon nung pangyayaring naaalala ko ngayon.

"C'mmon, puwesto na kayo para makapagsimula na tayo. Jarence, takpan mo na ang mga mata ni Chloe."

"Okay..." Naramdaman kong pumunta si Jarence sa likod ko. Ipinakita niya sa akin ang panyo na kanina niya pa hawak.

"Galingan ulit natin, Chloe..." He whispered to my ears.

"Okay, ayos na!" Sigaw ni direk. "In three, two, one... Action!"

Hinawakan ako ni Jarence sa kamay saka ako iginiya sa paglalakad.

"Sana magustuhan mo, Sofie."

"A-ano ba kasi 'to, Randy? May pa surprise surprise ka pang nalalaman d'yan."

"Shh... Quiet, Sofie. Eto na..." Sambit niya saka tinanggal ang piring na nakaharang sa mga mata ko kanina.

Nakita ko ang inihanda ng mga staff ang mga balloons na nakadikit sa puno. Bawat isa nito ay may nakalagay na mga sticky notes gaya nga ng gusto ni direk.

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon