"Gosh, Chloe! Ang ganda ng pose n'yo kanina! Ang lakas ng dating ninyo!" Utas ni ate Laine nang natapos kami sa unang araw ng photo shoot.
Tumawa lamang ako sa sinabi niya.
"He really looks tensed nung una. Kinakabahan siya sa 'yo, ah?"
Muli akong tumawa. Oo nga. Mukhang kinabahan siya kanina kaya ganoon. Pero sa huli, hindi rin nakatiis na makita akong may kasamang iba sa shoots. You're still the same Nathan, huh?
"Buti ikaw hindi kinabahan?"
I turned to her.
"Why would I?" I lifted an eyebrow.
"Hmm... You really moved on, huh? Hindi ka na ilang sa kaniya."
I chuckled. "It's been four years, ate Laine. Ang tagal na no'n kaya bakit ako maiilang sa kaniya?"
"I'm so proud of you, my Chloe. Natuto ka na,"
I smiled at her. Sabay kaming napatingin sa pinto ng may narinig kaming kumatok rito.
"Chloe?"
Tumaas ang isang kilay ni ate Laine nang marinig namin ang boses ng tumawag na 'yon.
"Are you there? Uh... Can we talk?" Ulit pa ng nasa labas.
"Ano na namang pag-uusapan ninyo?" Ate Laine asked.
Nagkibit balikat ako.
"Tanungin ko lang," sabi ko saka iniwan siya roon at nagtungo sa pintuan.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Nathan na naka sleeveless shirt na ngayon at short.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko.
"Uh... May gagawin ka ba bukas?" Tanong niya rin.
"We have photo shoots tomorrow, right? So... mayroon, Nathan." Tugon ko.
"Uh, no! That's not what I mean!"
"Huh?"
"Tomorrow morning, Chloe. May gagawin ka ba?"
"Ahm, wala naman. Dito lang sa kwarto, Nathan. Why did you asked?"
"Yayayain sana kitang lumabas. Ahm... You know... Pumasyal tayo sa buong isla?"
Pumasyal? Bakit naman gusto niyang pumasyal kaming dalawa?
"But if you're busy, ayos lang kung 'wag na-"
"No!" Napalakas ang boses ko.
Mariin niya naman akong tinitigan.
"I mean... Wala naman akong gagawin bukas buong umaga kaya... ayos lang kung gusto mong pumasyal tayo." Sabi ko at ngumiti.
"R-really? You're going out... with me?" Tanong niya pa na parang kataka-takang sasama ako sa kaniya.
"Why not?"
He then plastered a smile on his lips.
"Thank you, Chloe. Tomorrow morning, susunduin kita rito."
"Okay..."
"Uh... S-sige, aalis na ako. Magpahinga ka na."
"Sige,"
"See you tomorrow. Good night," he said.
Ngumiti ako bago lumapit sa kaniya at bahagyang tumingkayad para mahalikan siya sa kaniyang pisngi. I felt him stiffened.
"Good night, Nathan." Utas ko at nginitian siya.
Nang nakahiga na ako sa kama upang magpahinga ay tumunog ang cellphone ko para sa tawag ni Jarence. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
A Fan Girl's Revenge
Ficción GeneralIto ang ikalawang bahagi ng kuwento ng isang dating tagahanga lamang na si Chloe De Guzman na sobra ngang nahulog ang loob sa iniidolo nitong si Nathaniel Acey Reid. Naging magkasintahan ang dalawa ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hiniwalay...