"Thanks for the lunch, Drae. Masarap pa rin talaga mga luto mo!" Sabi ko nang natapos kami sa pagkain. Paalis na ako ngayon."Of course, Chloe. Walang magbabago don." He chuckled.
I turned to Grace who's standing beside him.
"Thank you rin, Grace. Uhm, aalis na ako. May pupuntahan pa."
"No problem, Chloe. Mag-iingat ka." She smiled.
I nodded at her. "Drae... Alis na ako,"
"Take care. Kita na lang tayo ulit."
"Okay..."
Niyakap ko sila bago sumakay na sa aking sasakyan.
I get my phone inside my pouch and type in my message to Jarence.
Ako:
Papunta na ako, Rence.Mabilis naman ang reply niya.
Jarence:
Okay. Pupunta na rin ako. See you, Chloe!Bumuntong hininga ako matapos mabasa ang mensahe niya. I don't know why but I am feeling nervous. He told me he's going to help me. I really want to forget my feelings for Nathan. I really want to... forget all the memories we had. And if someone's willing to help me with that, I'll take it. But what kind of help Jarence talking about? I really don't have an idea.
"Dito ka na lang, manong. Si Jarence naman po ang pupuntahan ko." Sambit ko sa isa kong body guard.
Ayoko ng napapaligiran ng body guard kaya isa lang ang pinapasama ko sa akin. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin, e.
Pumasok ako sa Restaurant kung saan sinabi ni Jarence na magkita kami. Naroon na siya. Tumayo lamang noong makitang papasok na ako.
"Have a sit, Chloe." He offered.
Tumango naman ako at umupo na.
"You want to eat first? We can order–"
"Uh, kumain na ako, e. Galing ako sa restaurant ni Drae."
Napaawang ang bibig niya. "Oh..."
"Hindi ka pa ba... kumakain?"
Nakakahiya naman. Baka mamaya ay hinintay niya pa ako bago siya kumain. Damn, Chloe! Bakit hindi mo sinabi sa kaniya sa text na kumain ka na?
"Kung ganoon, simulan na natin?"
"Huh?" I asked innocently. "Hindi ka ba kakain muna? Baka gutom ka, Jarence."
"No. Kumain ako kanina bago pumunta rito. I just thought you want to eat kaya inalok kita." He explained.
"Ganoon ba? Hmm... Tapos na rin ako, e."
Tumango siya.
"So... Paano mo ako tutulungan?" I asked.
"Do you really want to forget him?" He asked back.
Tumango lamang ako.
"Are you ready to forget him, then?"
"Of course, Jarence." Sagot ko. Hindi alam kung bakit kinakabahan sa mga tanong niya.
"I'll help you, Chioe."
"P-paano mo nga ako matutulungan?"
Damn. Why am I feeling nervous?
"Nasaktan ka ng sobra nung naghiwalay kayo, 'di ba?"
"Sinong hindi masasaktan kung bigla ka na lang iniwan ng taong mahal na mahal mo, Jarence?"
BINABASA MO ANG
A Fan Girl's Revenge
قصص عامةIto ang ikalawang bahagi ng kuwento ng isang dating tagahanga lamang na si Chloe De Guzman na sobra ngang nahulog ang loob sa iniidolo nitong si Nathaniel Acey Reid. Naging magkasintahan ang dalawa ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hiniwalay...