"Chloe, you ready? Five minutes na lang tatawagin ka na." Si ate Laine nang pumasok sa backstage.Ate Laine is my manager. Nakilala ko siya noong nag-photoshoot ako sa Korea. She introduced me to some model and artist there. Kaya sa huli ay inalok niya akong maging isang artista. I didn't expect that, though. Ayoko rin sana dahil alam kong 'pag pinasok ko ang industriya ng showbiz ay mawawalan na ako ng private life. But ate Laine convinced me to do a workshop. She told me na kung hindi ko magustuhan ay puwede akong mag-back out. Pero habang ginagawa ko iyon ay nagugustuhan ko na rin kaya naman tinuloy ko na lang. Isa rin 'yon sa napaglibangan ko habang kinakalimutan ko si Nathan.
Halos magkapatid lang ang turingan namin ni ate Laine sa isa't-isa. Naging sobrang close na kami. Siya nga lang yung kilala kong manager na halos araw-araw sinasamahan ang talent niya eh.
I have an interview today. This is my first interview simula ng makabalik ako rito kaya pinaunlakan ko na.
"Yes, te Laine. Ready na." I smiled.
Tumango naman siya at umalis na sa backstage. Inayos ko naman ang sarili ko saka tumingin sa salamin. I'm done preparing.
"Let's all welcome, Chloe De Guzman!"
Tumayo ako at lumabas na rin ng backstage. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Hinarap ko naman sila ng nakangiti.
"Good afternoon, Chloe. Have a sit, please." Ani nung babaeng host.
Umupo naman ako sa upuang nasa harapan niya. Nawala na rin ang hiyawan ng mga tao.
"Good afternoon. Thanks for having me in this show." I smiled sweetly.
"How's your day, Chloe? I heard na may welcome party raw na hinanda ang mga fans mo para sa 'yo last week?"
"Yes po. And I'm very thankful for them. Masaya rin ako dahil nakasama ko ulit sila."
"We love you, Chloe!"
"Support always, Chloe!"
Lumaki ang ngiti ko dahil sa mga narinig sa kanila.
"I love you all too, guys."
Naghiyawan naman sila. Tumawa ang host at muli ng humarap sa akin.
"So, ngayong nakabalik ka na, Chloe kumusta naman? Babalik ka ba ulit sa pagiging modelo?"
"It's really nice to be back. And, yes mag-momodel ulit ako. Actually, may photo shoot ako next month sa America."
"Oh, really? Puwede ba namin malaman kung sino ang makakasama mo rito?"
"Hindi ko pa rin alam eh. Pero sabi lalaki raw..." Bahagya akong humalakhak.
"Hmm... Who do you think, guys?" Tanong niya sa audience. Nagsigawan naman ang mga ito.
Hindi ko alam kung bakit pangalan ni Drae ang isinisigaw nila.
"Si Drae daw, Chloe. Si Drae nga kaya?"
I chuckled. "I'm not really sure. Hindi ko pa alam kung sino."
"Pero malay naman natin si Drae nga, 'di ba?" Ngisi ng host.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
"Speaking of Drae, Chloe..."
Naghintay ako sa sasabihin niya.
"Are you two dating? I mean... You know, he's always there for you. Noong nasa Korea ka pa ay si Drae raw ang kasa-kasama mo."
Naghiyawan ang mga tao sa sinabi niya. Tss... I don't even know kung bakit iniisip nilang boyfriend ko si Drae. May girlfriend iyong tao!
BINABASA MO ANG
A Fan Girl's Revenge
Ficção GeralIto ang ikalawang bahagi ng kuwento ng isang dating tagahanga lamang na si Chloe De Guzman na sobra ngang nahulog ang loob sa iniidolo nitong si Nathaniel Acey Reid. Naging magkasintahan ang dalawa ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hiniwalay...