chapter eleven

24 1 0
                                    

Chapter eleven:

Jacky’s P.O.V.

                Nabigla ako ng makitang kasama namin mag-ce-celebrate si Mitch. Hindi ko talaga alam kung paano siya pakikitunguhan at higit sa lahat baka soplahin ako ng mga kaibigan ni Drei dahil alam kong boto sila kay Mitch. Natetensyon talaga ang buong pagkatao ko sa presensya ng babaeng ito. Ayoko mang intindihin ay hindi ko mapigilan.

                Natapos na kaming kumain ng main course at desserts na lang ang pinag-sasaluhan namin. Nakikipag-kwentuhan naman ako lalo kay Janine na ka-close ko. Girlfriend siya ni Ron. Hindi ko gaanong ka-close yung si Rexie at Cher pero sa dalawang iyon mas-okay ako kay Cher kasi mabait sa akin hindi kagaya ni Rexie na ang taas ng ere at nalaman ko na co-worker pala ni Mitch ito sa magazine.

                Magkakasama kaming mga babae sa isang table at duon naman sa bar counter nitong restaurant naka-pwesto iyong mga lalaki which is hindi namin nakikita kung ano na ang mga ginagawa. Umalis si Mitch at hindi man lang nagpaalam o sinabi kung saan pupunta.

                “Excuse me guys.” Excuse ko sa kanila ng maramdaman kong nag-vi-vibrate ang phone ko which means may tumatawag sa akin. Si Sharmain pala kaya agad kong sinagot iyon pero imbis na boses ni Sharmaine ang marinig ko ay boses ni Ambo ang nasa kabilang linya. Tinanong ko yung batang makulit na sa kabilang linya. “Bakit po Ambo?”

                “Pwede po kay tito Andy? Gusto ko po ulit siyang batiin ng happy birthday bago ako mag-sleep. Ayaw naman po kasi niyang sagutin yung tawag ni ate Shar eh.” Malambing na sabi ni Ambo kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ang batang ito ang laging kasa-kasama ni Andrei kapag nag-sisimba dati nga akala ko anak niya ito dahil kamukhang-kamukha niya pero anak lang pala ng pinsan niya.

                “Wait lang Ambo punta lang cr si tita then tatawagan ko si ate shar mo para maka-usap mo si tito mo. Okay ba tayo dun?” tanong ko sakanya at pumayag naman ito. Binaba ko muna ang tawag at pumunta na ng cr. Tinetensyon ang sikmura ko parang lalabas lahat ng kinain ko.

                Pagkatapos kong mag-cr ay tinungo ko ang daan papunta sa pwesto nila Andrei pero napatigil ako ng lumiko ako sa kinaroroonan nila ng marinig ko at matanaw si Andrei kasama si Mitch. Sila lang dalawa at malayo sila sa mga kaibigan ni Drei. Agad akong nag-tago hindi ko alam kung bakit dahil automatic na lang na ginawa iyon ng katawan ko ng marinig ko ang sinabi ni Andrei. “So can we start again and just forget the past?”

                Tumango si Mitch at kita ko ang saya sa kanilang mga mukha. Nabigla ako ng yakapin nila ang isa’t isa ng mahigpit. “Oo naman. Akala ko nga hindi na tayo magkaka-ayos.” Malambing na bigkas ni Mitch na talagang ikina-irita ng tenga ko at gusto ko siyang sugurin pero ayokong mapahiya si Andrei sa mga ikinikilos ko kaya pinilit kong kinalma ang sarili ko. Kalma Jacky, please. Alam mo naman kung saan ka lulugar diba.

                “Sobrang gandang regalo nito sa akin na nagka-ayos na tayo. Like I’ve been waiting for this moment to come.” Tugon naman ni Andrei na na nag-pamaang sa akin. Ito na ba ang end ng relasyon naming. Isang linggo na lang hindi pa ba niya maintay. Tapos na ang lahat sa amin. Walang ng dahilan para manatili pa ako. Masakit man pero alam ko magiging masaya si Andrei at Mitch pero hindi ko pa kaya at mayroon pa akong isang linggo. Umaasa pa rin naman ako na baka may puwang na ako sa puso niya kaya naman tatanungin ko siya kung itutuloy namin ito bilang kami at wala ng ano mang kasunduan o talagang hanggang dito na lang ang relasyon namin kagaya ng napag-usapan naming at tila mapapaaga pa ang pag-hihiwalay namin dahil iyon na sila oh, sila na ulit.

                Hindi ako aalis, mananatili ako. Kaya ko silang harapin kahit masakit, oo kakayanin ko dahil umaasa ako. Nag-kaayos lang naman sila at hindi pa sila, sana nga. Wala akong dapat naikabahala. Huminga ako ng malalim at naglapat ng ngiti sa mga labi ko. Kaya ko ito. Ako pa.

                Tumuloy ako sa kinaroroonan nila at nakita ko na nabigla sila lalo si Andrei na agad humiwalay ng yakap kay Mitch. Agad na lumapit sa akin si Andrei at hinawakan ang braso ko, akala ba niya gagawa ako ng eksena. Hindi ako ganoong klase ng babae. Mas pipiliin kong mabingi sila sa katahimikan ko kaysa matuwa sila na makita kong nag-wawala sa inis sa kanila.

                “Hi!” bati ko kay Mitch at nginitian pa ito. Ngumiti siya pero alam mo naman ang plastic na ngiti lalo na kung plastic din naman ang ngiti mo. “Ah! Drei tumawag si Sharmaine, gusto ka daw maka-usap ni Ambo pero hindi mo naman daw sinasagot ang call niya. Tawagan mo na lang.”

                Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya marahil para i-check ang tawag at napabuntong hininga na lang siya. “Yeah, medyo nagka-tuwaan lang kami kaya hindi ko naging aware. Mauna kana sa table niyo at sabihin mong lilipat na kaming mga boys duon.” Tumango lang ako at nauna ng umalis pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi niya kay Mitch. “Sorry sa pag-tulak ko sa iyon, nabigla lang ako.”

Andrei’s P.O.V.

                Nabigla talaga ako sa biglang pag-sulpot ni Jacky sa tingin ko naman wala siyang binigay na malisya sa nakita niya kasi she acted so cool with it. Ng makalipat na kami sa table ng mga babae ay pansin ko ang pagiging tahimik si Jacky pero kahit papaano ay kinakausap niya si Janine at Cher hindi nga lang katulad kanina na kita mo ang giliw sa pakikipag-usap.

                Nagkakatuwaan kami sa pag-kukwentuhan ng biglang hawakan ni Mitch yung kamay kong nasa ibabaw ng table at nakita kong napatingin si Jacky duon. Gusto ko mang alisin iyon ay hindi ko magawa dahil ayokong maging bastos. Napanatag naman ang loob ko ng makipag-kwentuhan si Jacky kay Janine at nag-simula na rin siyang uminom ng beer at hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang iyon.

                Hindi naman sa ayoko sa babaeng umiinom ng alak dahil normal naman na iyon ngayon lalo’t may ladies drinks naman na pero kung si Jacky na kasi ang usapan hindi ko mapigilan na bigyan siya ng exceptions. Nakita ko na pausbos na ang ikalawang bote niya ng beer at akmang kukunin pa niya ang bote sa bucket kaya agad ko siyang pinigil. Hindi ko naiwasan na tignan siya ng masama dahil sa kinikilos niya pero napawi iyon ng ngitian niya ako. “Iuwi mo muna ako. Please!”

                Yumuko siya pagkasabi nuon at pansin ko ang panginginig ng boses niya na tila akala mo ay iiyak na siya. Nag-paalam na kami na mauuna na hinayaan naman nila kami dahil birthday ko naman daw. Inalalayan ko si Jacky hanggang makarating kami sa kotse ko. Nakakalakad pa naman siya pero gusto ko lang maramdaman niya na nandito ako para sa kanya.

                Buong biyahe ay naka-talikod lang siya pero kahit ganuon ay alam kong gising siya dahil nakikita ko ang pag-baba taas ng mga balikat niya at dinig ko rin ang impit na iyak niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit pero sa tingin ko alam ko naman na ang sagot. Ayoko muna siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina dahil nga umiiyak pa siya. Baka bukas o sa makalawa ko na siya kausapi.

                Naalala ko na naman ang plano ko. Alam ko na ito ang magiging way naming dalawa para sa sinasabi nilang forever at hindi na ako makapag-hintay.

Closing The Gap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon