Epilogue

36 2 2
                                    

Epilogue

Jacky’s P.O.V.

                Limang taon na nakalipas at tulad ng ibang mag-asawa ay sinusubok din kami ng mga problema sa buhay. Dumating din kami sa pagkakataon na nag-aaway kami pero agad din namang mag-susuyuan at mag-lalambingan. May mga pagkakataon na kahit simpleng bagay ay pinag-tatalunan namin katulad ng pag-gamit ko sa pambahay na tsinelas niya lalo na kapag malamig ang panahon at kapag-nakikiinom siya ng kape ko. Iyon yung mga bagay na pinagtatalunan namin pero agad din naman kaming mag-babati dahil hindi naman kami makatagal ng hindi nag-uusap.

                Sa limang taong lumipas ang tanging bagay na talagang sumubok sa relasyon namin ay ang hindi agad namin pag-kakaroon ng anak. Isang taon mahigit ang inintay namin para mabuntis ako at para mangyari iyon tumigil ako sa pag-tatrabaho dahil iyon ang payo ng ob-gyne sa amin. Dahil nga sa type ng trabaho ko masyado akong nasstressed at nakakaapekto iyon sa hormones ko dahilan para hindi mafertile ang eggcell ko.

                Noong panahong umabot kami ng isang taon at wala pa rin kaming anak nasabi ko na lang na mag-hiwalay na kami at humanap na lang siya ng ibang babaeng kaya siyang bigyan ng anak. Alam ko kasi kung gaano na niya kagustong mag-kaanak pero hindi ko nga iyon maibigay kaya naman imbis na maburo siya sa akin bakit hindi na lang siya humanap  ng iba, hindi ba. Pero months after that ay nakaramdam na ako ng signs ng pag-bubuntis at ng ikwento ko iyon kay Drei ay agad siyang kumuha ng stock naming pregnancy test sa cabinet ng banyo at agad akong pinasubok at hindi na kami nabigo dahil positive and that moment ang sabi niya sa akin. “In God’s time mangyayari lahat.”

                Bago ako mag-quit sa trabaho ay nag-karoon pa kami ng diskusyunan ni Drei dahil ayoko pang tumigil dahil ayoko namang maging pabigat sa kanya. Kahit kasi sabihin natin na malaki ang kinikita niya at hindi naman ganoong kakapal ang mukha ko para sa kanya pa kunin ang ibibigay ko sa mga magulang ko. Nag-trabaho ako para maka-ipon pa ng kaunti para sa mga magulang ko at ngayon namang nasa bahay lang ako ay may munti akong negosyo at iyong ay mga giftpacks like munchball and other sweets na pwedeng ipang relago o ibigay sa mga espesyal na tao.

                Sa ngayon busy ako sa pag-aalaga sa dalawa namin anak na lalaki si Gabby na tatlong taon at Miggy na bukas ay isang taon na. Nakahanda na ang lahat para bukas at alam kong magiging masaya iyon. Nakakatuwang isipin na dati ay nakikisawsaw lang ako sa paghahanda ng children’s party pero ngayon ako na talaa ang lead organizer. Kaht nagawa na namin ito noong mga nakakaraang taon ay iba parin ang pakiramdam dahil kasama mo ang taong mahal mo sa isang bagay na ginagawa mo para sa taong pareho niyang mahal. Isa ito sa mga bagay na nagiging-bonding moments namin ni Drei knowing how busy he is in his type of work.

                Napatingin ako sa bunso namin na nasa crib kasama ang kuya niya. Ang sarap nilang titigan dahil ang tagal ko ring pinangarap na dumating sa puntong titingin ako sa batang nag-mula sa akin at hindi iyong batang galing sa iba. Iba pa rin ang pakiramdam na may matatawag ka ng akin. Iyong pakiramdam na mahal mo sila at mahal ka nila na walang kapantay, iyon yung pakiramdam na itatangi mo sa buong mundo. Isang pakiramdam na nagbibigay sa iyo ng kasiguraduhan na may mga taong nagpapahalaga sa iyon at iyon ang nag-momotivate sa iyo na mabuhay sa gitna ng mgapag-subok sa buhay.

                “Nay, gusto ko tinapay.” Ika ni Gabby na ang hiningi talga ay ang home-made cookies na katuwang naming ginawa kasama ng tatay niya. Kinuha ko na ang jar na lalagyan na cookies at kumuha ng ilan para ibigay kay Gabby na dinaluhan naman ni Miggy.

                “Sarap.” Ika nito sa humuhuni pa sa pag-nguya ng cookies. Nakaka-over whelmed yung pakiramdam na ito. Sobrang fulfilling kahit na alam mo na marami pa rin ang napapataas ng kilay sa gap ng edad at estado ng buhay naming ni Andrei pero tanging tawa lang ang naiisagot namin sa kanila dahil hindi naman namin sila kailangan paliwanagan dahil ang mahalaga mahal naming ang isa’t isa at masaya kami.

Closing The Gap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon