Chapter six

42 1 0
                                    

Chapter six:

Jacky’s P.O.V.

                “Jacky pwedeng favor?” tanong sa akin ni Andrei sa kabilang linya.  Nahihimigan ko na naman ang paglalambing niya. Medyo naasiwa ako kapag ganyan siya kasi parang talagang importante ako sa kanya. Napailing na lang ako habang umiinom ng kape para mawala ang antok ko dahil on duty ako at ti-nake ko lang ang call niya dahil kumuha ako ng kape ko sa pantry.

                “Ano ba yun?” tanong ko at tinignan ang pwesto ko. Naalala ko noong nakaraang pumunta kami sa park at para siyang engot na tinatanong ako kung anong gusto kong ipagawa sa kanya para lang mapatawad ko siya which is nonsense naman kasi hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis lang ako kasi binayaran niya ang entrance ko at hindi ako sangayon sa ganoon sistema sa mag-ligaw. Gusto ko kasi kanya-kanya pero dahil gusto niya at nakakaagaw na kami ng atensyon ay pumayag lang ako pero nainis lang ulit ako ng hindi siya agad sumunod sa akin at ginulat pa ako paano na lang kung inatake ako sa puso baka pinaglalamayan na ako ngayon.

                “Tulungan mo akong mag-ayos ng mga gamit ko tomorrow.” Sabi niya. Nanood kami ng sea lion noon then sa sobrang tuwa ko ay nahampas ko ang braso niya at tumingin siya sa akin na parang naguguluhan pero nginitian ko lang siya at inakbayan niya ako at naki tawa na rin sa mga ginagawang tricks ng sea lion.

                “Try ko.” Alanganing sagot ko kasi hindi ko alam kung may pasok ba ako bukas o wala. At medyo naasiwa ako kung kakailanganin kong pumunta sa bahay niya dahil sa pagkakaalam ko is maganda ang bahay niya na two storey house. Which is bukod pa ang bahay niya duon sa probinsya namin. Ang swerte naman ng mapapangasawa ni Andrei.

                “Ah ganun ba.” Malungkot niyang sabi at napabuntong hininga pa.

                “Sige na nga what time?” Pagpayag ko. Bahala na pero ang alam ko kasi wala akong pasok.

                “Tomorrow after my last class which is 6 so dadaanan na lang kita sa bahay.” Sabi niya at pinatay na ang call. Pasaway hindi man lang ako pinagsalita kung okay ba sa akin yung time.

                Bumalik na ako sa pwesto ko at sumagot na ulit ng mga tawag. Paano kaya ang mangyayari bukas? First time kong makakapunta sa bahay niya at excited ako pero naiisip ko kung makikita ko iyon baka lalo kong maramdaman na hindi kami bagay sa isa’t isa dahil sa mga bagay na meroon siya na wala ako. Pero bakit ko ba iniintindi yun eh maghihiwalay din naman kami at alam ko na may mas babagay na maging wife si Andrei kaysa sa akin.

                Two weeks na lang ang relasyon namin at maghihiwalay na kami. Hindi ko masabi sa kanya na pwede bang mag-extend parang promo lang ng mga network na pwede mong i-extend pero alam ko na hindi siya papayag kasi matagal na ang two months at kung dadagdagan ko pa baka mag-wala na iyon sa inis sa akin. I will just make the most out of two weeks sana puro happy moments ang mangyari sa amin.

                “I am planning to make one of the guest room your room so kapag gusto mong mag-stay sa bahay ay may matutulugan ka. Ayoko naman kasing isipin nila mama at ni tita na nagli-live in na tayo kaya ganoon na lang muna ang set-up natin.” Sagot niya ng tanungin ko sa kanya kung para saan ba ang pag-aayos na gagawin naming. Napama-ang na lang ako sa sinabi niya. Kwarto ko? Hindi naman kailangan nun kasi with in two weeks mag-hihiwalay din kami so what’s the use.

                “Kailangan ba talaga nun?” tanong ko at nginitian ko lang siya. Hayaan ko na nga lang. bahala siya kung ano ang gusto niya bahay naman niya yun eh.

Andrei’s P.O.V.

                Pag-dating namin sa bahay ko ay kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya. Modern type itong bahay ko at hindi naman custome made ang lahat ng gamit dito pero yung iba sarili kong ideya then the contractor just help me out pero mostly the house is my idea. Bumaba siya ng sasakyan ng hindi man lang ako hinintay na pag-buksan siya.

                “Ang ganda ng bahay mo.” Sabi niya at pinasadahan ng tingin ang bahay ko mula rooftop hanggang baba tsaka tumingin sa akin na tila hindi makapaniwala. Natuwa naman ako dahil nagandahan siya sa bahay ko pakiramdam ko tuloy nakapasa ako sa isang test. Buti at nagustuhan niya.

                Hinatak ko na siya papasok sa loob habang nasa kabilang kamay ko naman ang bag niya na may lamang damit niyang pamalit dahil sabi ko sa kanya na dito siya matulog sa bahay. Noong una ayaw niya pero dahil nagpaawa ako ay pumayag din siya. Inilibot ko siya sa buong bahay kahit na pagod ako mula sa pagtuturo. Natutuwa ako dahil sa manghang mangha siya sa mga nakikita sa buong bahay ko.

                “Ang swerte naman ng mapapangasawa mo. Kumpleto na lahat. Nandito na ang lahat specially yung kusina. Complete utensil and all ang sarap sigurong magluto duon.” Ika niya habang busy sa pag-tanaw sa baba habang nandito kami sa may veranda sa second floor. Lagi naman iyon sinasabi ng mga kaibigan kong babae na swerte ang mapapangasawa ko dahil well done na ang lahat, bahay, lupa at pera, lahat okay na at tanging masayang pamilya na lang ang kulang sa bahay ko. Hindi ko lang inaasahan yung sinabi niya parang hindi niya inaasahan yun na parang may iba pa siyang naiisip na mapapangasawa ko.

                “Tara simulan na natin yung kwarto mo.” Aya ko sa kanya. Ayoko lang banggitin ulit sa kanya ang pagpapakasal pero sa totoo lang konti na lang mapupuno na ako dahil hindi ko maramdaman yung sweetness niya ay a girlfriend pakiramdam ko tuloy baliwala lang ako para sa kanya.

                “Kailangan pa ba nun?” hinarap niya ako at nakita ko na parang nag-aalinlangan siya sa susunod niyang sasabihin pero nanduon pari ang ngiti niya. “T-Two weeks na lang mag-hihiwalay na tayo, sayang lang ang effort natin sa pag-aayos kung wala rin namang gagamit diba.” Ika niya at umupo sa isa sa mga bench. Oo nga naman, na wala sa loob ko na may hangganan pala ang relasyon naming pero hindi pa ba obvious sa actions ko na I’m willing to work this relationship.

                “Y-yeah! Ang bilis.” Simpleng sabi ko na pilit pinipigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya na mahal ko siya at gusto kong gawing formal and official ang relasyon namin pero ayoko ng ganitong atmosphere gusto ko that moment na inaya ko siya for official relationship ay romantic naman. Dahil gusto kong maramdaman niya na espesyal siya na namumukod tangi siya sa lahat ng babae.

                “Tara tulungan mo na lang akong mag-prepare ng dinner natin.” Aya ko sa kanya at nauna ng bumaba para pumuntang kusina. Ngayon ko lang naramdaman na parang wala akong halaga sa isang tao, na parang wala lang ako para sa kanya gayong sinasabi naman niyang mahal niya ako ay hindi pa rin sapat iyon to calm myself form this agony.

                Kinuha ko na ang chopping board at kutsilyo pero binawi niya iyon sa akin. “No, ako ang mag-luluto just sit and relax.” Sabi niya at tinungo ang ref.  Tahimik lang akong pinagmamasdan ang pag-luluto niya at sa tingin ko ay white pasta itong ginagawa niya. Napapangiti ako sa nakikita ko. She literally completes my kitchen. Momentarily nagtatanong siya kung saan niya makukuha ang mga kailangan niya and I am willingly handling it to her.

                “Tadha!” ika niya at humarap sa akin habang hawak hawak ang ginawang pasta. Inilagay niya iyon sa table at natuwa ako dahil pinag-silbihan niya ako. Nakakatuwang isipin na may-nagca-care sayo. Nakakatuwa na may nag-aasikaso sa iyo. Na may taong handang gugulan ka ng oras.

                At the end of the day magkatabi kaming natulog at alam kong bihira ang ganitong moment kaya talagang dinadama ko presensya niya sa tabi ko. Hindi ko alam baka bukas makalawa ay mawala siya sa akin at hindi ko kakayanin iyon. Mahal ko siya higit pa sa inaakala niya.

vote.follow.share

Closing The Gap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon