chapter fourteen

23 1 0
                                    

Chapter fourteen:

Andrei’s P.O.V.

                Napamura na lang ako ng makalabas ng sasakyan ko si Jacky. Ang tanga-tanga ko talaga, wala man lang akong nasabi. Ni-ha ni-ho wala man lang akong nabigkas. Wala akong masabi kasi nabigla ako na talagang kinunsidira pa niya yung kasunduan namin gayong nakikita naman niya na nag-wowork yung relasyon namin. Nahampas ko na lang ang manubela nitong kotse ko. Bwisit na buhay naman oh.

                Mangiyak-ngiyak kong pinaandar ang sasakyan ko sa garahe namin. Kasalanan ko ito eh, dapat hindi ko hinayaan na dito sa amin mag-pasko si Mitch dapat tumanggi ako at itinuloy na lang ang proposal ko sa kanya. Lintik na next time na iyan ngayon wala na talagang next time. Wala na si Jacky. Sira na lahat ng plano ko para sa amin. Anong gagawin ko ngayon?

                Dali akong nagpunta sa kwarto ko ng maka-uwi ako at hinagilap ko ang lahat ng control na mahihimay ko sa katawan ko para hindi mabunton ang galit ko kay Mitch. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama ko. Walang ibang babae na dapat humiga diyan katabi ko kundi si Jacky.

                “Lumipat ka na sa guest room.” Mariin kong saad pero nakatingin lang siya sa akin na parang anong sinasabi ko. “Please lang hindi mo gugustuhing magalit ako sayo.”

                Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at daling lumabas ng kwarto ko. Hinubad ko ang shirt ko at agad na dumapa sa kama ko kasabay nun ang luha ko. Hindi ko akalain na sa katangahan ko mawawala sa akin si Jacky. Nawala sa loob kong mag-text sa kanya dahil sa busy ako at kanina o sabihin natin na kahapon lang ng hapon ko naisip kung sasabihin ko ba o hindi kay Jacky at mas pinili kong hindi sabihin dahil plano kong hindi na siya ayain sa amin mag-noche Buena at sa bagong taon na lang mag-medya noche sa amin pero ito palang si nanay inimbitahan si Jacky kaya ito nagkanda leche-leche na.

                Sana may nagawa man lang ako o nasabi para hindi ganuon ang isipin niya pero wala nga akong nagawa at nasabi kasi nataranta ako. Iniisip ko kung paanong paliwanag ang gagawin sa kanya pero inunahan niya ako ng ganuon kaya wala akong nasabi sa gulat ko sa mga sinasabi niya. Binalik pa niya sa akin iyong singsing namin. Kinuha ko sa bulsa ng pantaloon ko ang singsing na pinagawa ko para sa amin. Wala na siya, pinakawalan ko siya ngayon tatanda na akong binata.

                Dapat siguro hindi ko siya hinayaang makaalis ng sasakyan ko o dapat siguro nanatili ako sa tapat ng compound nila at inintayin na lumabas siya para makapagpaliwanag naman ako. Agad akong napabangon sa isiping iyon. Dapat nga siguro na nanatili ako duon baka isipin niya kasi na talagang wala na kami na talagang wala lang siya para sa akin at baka talagang isipin niya na kami na ulit ni Mitch which is hinding hindi mangyayari dahil sa kanya. Mahal ko siya at alam ko at ramdam ko na siya na talaga ang babaeng hinihintay ko simula ng malaman ko ang salitang pag-ibig.

                Nagulat ko ng makita ko si nanay na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. Nakatingin lang ito sa akin na tila sinisisi ako sa mga nangyayari. Lumapit ako sa kanya para sana mag-paalam pero naunahan na niya akong mag-salita. “Ayusin mo iyang ginawa mong problema. Kasalanan mo iyan.”

                “Nay! Alam ko naman po kaya nga po ako pupunta ngayon kay Jacky.” Sagot ko at nilagpasan na ito habang nagsusuot ng shirt na hinubad ko kanina.

                “Ngayon mo siya kakausapin kung kailan sarado ang isip niya. Palipasin mo muna ito kapag sa tingin mo ayos na ang lahat duon mo na lang siya kausapin.” Natigil ako sa paglalakad sa sinabi ni nanay pero sa tingin ko mali iyon eh. Dapat ngayon ko na kausapin si Jacky, habang maaga pa, habang wala pang nangyayari na maaaring magpabago sa buhay naming dalawa.

                “Pupuntahan ko siya ngayon Nay. Hindi ko kayang maghintay pa dahil halos isang taon din akong naghintay para mapasaakin si Jacky. Ang talaga nay.” Sagot ko naman.

                “Iyon na nga kung iyong isang taon nahintay mo, natiis mo iyon pa kayang ilang buwan hinid mo maintay. Bigyan mo siya ng oras sa sarili niya para makapag-isip.” Sasagot sana ako ng magsalitang muli si Nanay. “Ngayon lang ako makikialam sa buhay pag-ibig mo kaya sana pakinggan mo ako dahil ang tanging gusto ko lang ay ang lumigay ka. Wala kaming ibang hinangad para sa iyon anak kundi ang ginhawa ng buhay kasama ang babaeng mag-mamahal sayo higit pa sa pagmamahal mo sa kanya.”

                Bumalik ako sa loob ng kwarto ko at umupo sa kama. Ano nga bang dapat kong gawin ang puntahan siya ngayon na baka nga marahil ay sarado pa ang isipan sa sitwasyon namin o mag-palipas ng ilang buwan ng walang kasiguraduhan kung may Jacky pa rin nagmamahal sa akin. Muling nagsalita si nanay. “Alam mo Andrei, noong malaman kong hindi iba sa atin ang pamilya ni Jacky ay natuwa ako dahil alam kong sa mabuting angkan siya nag-mula kaya sana naman sundin mo ang payo ko na bigyan mo siya ng panahon.”

Tumabi sa akin sa pagkakaupo si Nanay at kinuha ang isang kamay ko para marahang haplusin. “Tandaan mo bata pa si Jacky may mga bagay pa siyang hindi alam tungkol sa pag-ibig pero ramdam ko sa batang iyon na mahal na mahal ka dahil sa tuwing tinitignan ka niya nakikita ko kung paano lumalamlam ang mga mata niya na para kang isang bagay na gusto niya ay palagiang masaya at wala ni isang makasasakit.”

Napayakap na lang ako kay nanay. Marahil tama siya dapat ko nga sigurong bigyan ng panahon si Jacky pero sapat na marahil ang isang buwan dahil sa tingin ko iyon lang ang kayang tiisin na puso ko na hindi siya makasama. “Nay salamat. Susundin ko po ang sinabi niyo.”

Naghiwalay kami at agad na tumayo si nanay. “Matulog ka na at mamaya ay maraming mamamasko sa iyo. Ang dami mo ba namang inaanak.” Totoo iyon. Ang dami kong inaanak mga nasa 50 na ang inaanak ko. Ang iba duon ay mga binata at dalaga na. Ang iba pa nga ay naunahan na akong magka-pamilya. Sana ako rin mag-karoon na ng matatawag kong pamilya ko na ako ang ama at si Jacky ang ina pero sa ngayon dapat muna akong maka-isip ng mga paraan kung paano ko siya mapapanatiling in-love sa akin. Dapat kahit hindi niya akong kasama ay maalala niya pa rin ako. Gusto ko na maramdaman niya na nandyan pa rin ako kahit na magkahiwalay kami.

Hindi ko inaasahan na magkakaganito ang pasko ko dahil kasama ko na siya pero hindi pa rin pala at dahil iyon sa katangahan ko na dapat ko ngayong itama. Gagawin ko ang lahat para sa amin dalawa kahit pumuti pa ang buhok ko basta sa huli kaming dalawa ang haharap sa altar para sumumpa ng habambuhay naming sa isa’t isa.

Closing The Gap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon