teaser

78 2 0
                                    

“I want to be your girlfriend.” Nabigkas ko na lang at huli na para bawiin ko pa ang mga nasabi ko. Wala man lang akong mabasang kahit ano sa mga mata niya. Ng tumaas ang kilay niya ay duon lang ako nakaramdam ng hiya. Nakakahiya ka Jacky. Tatayo na sana ako ng matigilan ako sa mga sinabi niya.

                “Ano ang dahilan mo bakit gusto mong maging girlfriend ko?” tanong niya na pilit hinuhuli ang mga mata ko. Nakakahiya, sasabihin ko ba na mahal ko siya kaya gusto ko kahit alam ko na hindi naman niya ako gusto. Na kahit alam ko na masasaktan ako kung sakaliman.

                “Naku Sir kalimutan mo na lang yung si---.” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pag-sasalita niya.

                “No sagutin mo ang tanong ko at kung sakali mang maging tayo hanggang kalian? Or you will stuck me in this relationship?” Ika niya at saglit na humigop ng coffee niya pero kahit ganuon ay hindi man lang nagbago ang aura ng mukha niya, blangko pa rin at parang wala siyang balak na ipakita ang kung ano man ang nararamdaman niya.

                “Kalimutan mo na yung sinabi ko Sir.” Ika ko na iwinagayway pa ang kamay ko na ibig sabihin ay hindi na.

                “Sasagutin mo yung mga tanong ko sayo o mag-eeskandalo ako dito. Sasabihin ko lahat ng tao dito you are a selfish woman who’s trying to take away my child from me.” Seryosong sabi nito at akmang tatayo na ng hilahin ko ang kamay niya. Sobra naman siya kung makapag-dahila sa madla. Anak agad, agad-agad.

                “Ito na.” ika ko inilibot pa ang tingin ko sa paligid namin baka kasi nakakaagaw na kami ng atensyon pero hindi naman may matandang mag-asawa lang ang nakatingin sa amin na tila natatawa sa aming dalawa. Nginitian ko na lang ang mga ito at nilingon si Andrie na nakatingin din sa dalawang matanda. “Ano ulit yung mga tanong mo?” tanong ko dito at bakas sa mga mata nito na naiinis ito kaya nginitian ko na lang siya.

                Humalukipkip ito at sinungitan ako ng tingin. “Ito na nga po. Nakakahiya.” Tatawa-tawa akong napakamot ng ulo ko. Bahala na. “Gusto kita. Gusto kita since noong una kitang nakita sa simbahan kaya gusto kong kahit sandali matupad man lang yung pangarap ko na makasama ka. Oh iyan yung first answer  ko. Second is two months, two months then hiwalay na tayo don’t worry hinding-hindi na kita guguluhin.” Sagot ko sa kanya na ikinatingin naman nito sa akin ng may pag-tataka pero nginitian ko na lang siya.

                Alam ko namang inis na inis na iyan sa akin. Bad shot ako sa kanya palagi eh. Madaldal daw kasi ako. Tapos lagi ko siyang mine-message sa fb at for sure iritang irita na siya sa akin. At tuwing makikita naming ang isa’t isa sa simbahan, he looks at me with disgust. Ang sakit nun ah na parang sinasabi niya na I don’t deserve even a piece of him.

Closing The Gap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon