chapter nine

26 1 0
                                    

Chapter Nine:

Andrei’s P.O.V.

                Wala akong nagawa ng makalabas ng kwarto ko si Jacky. Napapunas ako ng luhang nanggigilid sa mga mata ko. Hindi ko naman sinasadya yung mga nasabi ko, nadala lang ako ng inis ng malaman kong hindi pa pala alam ng mga magulang niya ang relasyon namin. Noong naging kami ay agad kong ipinaalam kay nanay iyon ng makauwi ako mula Baguio. Nasasaktan lang ako na hindi ko makita at maramdaman na gusto niyang i-work yung relasyon namin. She never act like girlfriend to she’s more on like I don’t know. Hindi ko maramdaman yung sincerity ng pag-mamahal niya sa akin.

                Tinungo ko ang higaan ko at pabagsak na humiga. Ano na naman ba itong nagawa ko. Alam ko namang nasasaktan ako pero higit ko dapat inintindi ang nararamdaman ni Jacky. Dapat inisip ko na nahihirapan din siya sa sitwasyon namin. Dapat inisip ko na may insicurities siyang nararamdaman at dapat ko siyang  i-assure na she’s the best pero wala akong salita. Wala akong sinasabi na makaka-comfort sa kanya na siya lang ang babaeng mahal ko. Iyon ang tanging pagkakamali ko na hindi ko siya nabigayan ng kasiguraduhan na itong relasyon namin ay hindi na lamang isang two month relationship kagayan ng napag-usapan namin.

                Ano bang dapat kong gawin ngayon? Hindi ko kayang matapos ang araw ng ito ng hindi kami nagkaka-ayos. Ayokong matapos ang araw na ito na alam kong nasasaktan siya. Pero nasasaktan din naman ako pero dapat siguro mas naging malawak ang isip ko sa sitwasyon naming dahil sigurado naman ako na nahihirapan siya. Hindi niya iyon maitatanggi sa akin dahil dama ko iyon tuwing mahaharap kami sa ibang tao.

                “Andy.” Tawag ni Ate Nadeth mula sa labas ng kwarto ko. “Sabi ni nanay tayo na daw mag-simba.”

                Parang ayokong mag-simba kung hindi ko siya kasama. Parang wala akong lakas humarap sa kanya kasi alam kong mali ako na pinag-salitaan ko siya pero kung ako ay mag-sisimba may chance na magkita kami. Paniguradong mag-sisimba iyon at dahil duon ay dali akong naligo at nag-bihis. Tuloy ang plano ko, pupunta ako sa kanila. Sabi ko nga it’s now or never.

                Pag-dating namin sa simbahan ay nakita ko siyang naka-upo sa may gilid kung saan siya madalas pumuwesto. Tago iyon sa tao at kung hindi mo talaga titignan ay hindi mo siya makikita. Madalas naman kaming umupo nila nanay sa kabilang gilid katapat ng pwesto niya.

                Tinungo ko ang pwesto niya at nakita kong kinakawayan niya sila Sharmaine na nasa pwesto nila nanay. Siya lang mag-isa, hindi na ako nagulat dahil bihira talaga siyang may-kasama sa pag-sisimba. Naramdaman ko ang pagkagulat niya ng tumabi ako sa kanya. Nginitian ko siya pero agad siyang nag-bawi ng tingin. Natapos ang misa na wala man lang siyang kibo. Nag-peace be with you na pero hindi man lang siya tumingin sa akin. Gusto kong mag-sumbong kay God na ayaw akong pansinin ni Jacky pero naalala ko ako ng pala ang may kasalanan.

                Pagkatapos ng misa ay dapat aalis na siya ng hilahin ko siya papunta kay nanay. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang alam ko namang ayaw niyang mapahiya kaya siya ganyan pero kung kami lang siguro baka nagalit na naman siya sa akin. Nagmano na kami kay nanay.

                “Ihja  sabi ni Andrei pupunta uuwi daw kayo sa inyo ngayon.” Sabi ni nanay at nakita ko ang pagkabigla sa kanya pero ngumit lang siya at tumango. “Ang sabi ko nga ay mag-dala man lang ng kahit ano dahil nakakahiya namang pupunta siya ng wala mang lang kadaladala.” Si nanay talaga akala mo naman mamamanhikan na kami.

                “Nay bibili nga po ako dyan kay Ka Isay.” Sabi ko naman. “Mauna na kami. Bye!”

                “Alis na po kami Nay.” Paalam ni Jacky kay nanay at alam kong pagkami na lang ay magagalit iya sa akin pero wala na kong choice kasi ito na eh.

Closing The Gap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon