chapter seventeen

25 2 0
                                    

Chapter Seventeen:

Jacky’s P.O.V.

                “Bru, samahan mo ako may bibilin pa ako sa seven-eleven.” Napa-irap na lang ako kay ate grenthel. Ang dami pa kasing istasyon kahit kailan talaga kaya ang hirap isama ito dahil ang daming naiisip daanan. Kapag kasama ko iyan may makita lang na kakaiba titigil at uusisain pa. minsan naman may maisip lang na bilhin gusto agad-agad larga, punta sa kung saan man ‘yon. Ang sakit na kaya ng mga paa ko dahil sabi niya maggo-grocery kami sa supermarket sa mall pero ang nangyari nag-shopping pa ang bruha.

                “Ikaw na lang uuwi na ko.” Maktol ko at lumayo sa kanya. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya na ibig sabihin ay huwag akong mag-inarte.

                “Sumama kana. Malapit lang naman yon.” Ika niya at hinila pa ako. Wow maka-hila wagas talaga parang hindi mabigat yung bitbit ko. Pumiglas ako sa hawak niya at nagmamadaling tinakbo ang terminal ng tricycle. Aba ayoko nga sinabing sumama makulit talaga. Lagi niya akong kinakaray kung saan-saan.

                Napa-sandal ako sa sandalan nitong tricycle. One month na pero wala pa rin paramdam si Andrei baka nagising na iyon sa katotohanan na hindi naman niya talaga ako mahal at guilt lang pala yung nararamdam niya. Nakakalungkot naman kasi kahit papaano umasa ako na baka mahal niya talaga ako dahil nga sinabi niyang mahal nya ako pero ano pa nga ba ang dapat kong asahan. Mag-kaiba talaga kami ng mundo at ibig sabihin nun ay hindi niya talaga ako magugustuhan.

                Asa kasi ng asa iyan tuloy nasasaktan ka. Hinalungkat ko ang isa sa mga bag ng pinamili naming at kinuha ang isang Mr.Chips na paborito ko. Sinimulan kong kainin iyon at salamat talaga dahil kahit papaano nababawasan ang sama ng loob ko na hindi dumating ang prince charming ko knowing na wala naman talaga akong aasahang prince charming.

                “Wait lang tay. Ibababa ko lang itong mga pinamili ko.” Ika ko at lumabas na ng tricycle at inilapag muna sa harap ng pintuan namin ang mga pinamili ko. Agad din akong bumalik at nag-bayad kay manong driver. Binuksan ko yung pintuan hoping na baka may surprise na nakahanda si Andrei para sa akin pero wala. Ipinatong ko na lang sa sofa iyong mga pinamili ko at pumunta ng kwarto ko para ihiga ang katawan ko. Gusto kong umiyak, wala na talaga akong pag-asa.

                Gumulong ako at napadapa sa kama ko. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at pinunasan ang luhang nag-landas sa mata ko. Hindi pa ba kasi sampal sa akin yung nangyari noong pasko. Kahit naman siguro sabihin niya na hindi sila ni Mitch ay hindi pa rin ako ang mahal niya at iyong sinabi niya ay guilt lang talaga ang totoo nararamdaman niya. Kawawa naman ang puso, paulit-ulit na nasasaktan. Asa ka kasi ng asa kahit alam mong wala namang pag-asa. Sermon ko sa sarili ko at bumalik sa pag-kakahiga.

                “Hoy! Jacky ano itong mga pinamili natin, itatambak mo na lang dito sa sala.” Kalampag sa pintuan ng kwarto ko ni Grenthel. Asar akong napabangon ng higaan ko. “Hala labas at tulungan mo ako sa pag-aayos nito.” Sigaw muli nito. I-packing tape ko kaya yang bibig mo ng matigil.

                Paglabas ko ng kwarto ko ay pareho kaming nagulat sa isa’t isa. Paano ba naman naka-nganga at nanlalaki pa ang mata na parang nakakita ng multo. “Ano bang itsura iyan anak?” bulalas nito ng makabawi ito.

                “Ano bang itsura ko?” tanong ko pero agad akong humarap sa salamin na nakasabit sa dingding malapit sa may pintuan ng kwarto ko. Nagulat ako sa itsura ko ang panget ko, ang putla ng kulay ko alam niyo yung wala glow iyon yun. Yung mata ko medyo namumula. Iyong buhok ko naman sabog na. hindi na ako mag-tataka kung hindi man magustuhan ni Andrei ang tipo kong babae. Agad naman akong nag-ayos, konting pulbos at lipgloss idagdag mo pa ang pig-tail kong ipit ng buhok. Napangiti ako dahil kahit papaano nagkaroon ako ng tiwala kahit kaunti sa ginawa ko. “Okay na ba?” tanong ko agad ng lumabas akong muli sa kwarto ko. Tumango na ito at binuksan ang music player at speaker. Naku naman magagalit na naman ang mga kapitbahay namin sa ingay ng kanta.

Closing The Gap (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon