MALAKAS na ipinukpok ni Novice ang palad na mariin ang pagkakakuyom.
Masamang-masama ang loob niya sa katatapos na kaganapan ngayon-ngayon lang sa kaniyang opisina.
Pinaikot nito ang kinauupuan na swivel chair, nanatili siyang nakamasid sa madilim na tanawin mula sa labas.
Muli niyang narinig ang pagbukas ng nakasaradong pinto. Ang gagawin niyang pagmumura ay napigil nang makita niya sa replesiyon nagmumula sa salamin na kaharap.
Agaran niyang pinaikot ang kinauupuan paharap. Isang ngiti ang isinukli niya sa bagong dating.
"K-Kumusta Lawrence, mabuti at nagkaroon ka ng oras para dalawin ako rito sa opisina?"Galak niyang salubong sa matalik niyang kaibigan.
Bukod kay Rudny ay isa ito sa pinagtitiwalaan niyang tao. Mula pa noong nag-aral sila ng highschool.
"Oo naman, busy lang lagi sa opisina. Saka alam mo na, kailangan kong magdoble kayod, dahil wala akong katuwang sa buhay. . ." nakangiti nitong sabi, nag-umpisa na itong maupo sa upuan na nasa harap ng lamesa ng binata.
Bagama't may ngiti sa labi si Lawrence ay mababanaag sa guwapong mukha nito ang kalungkutan.
Namatay na ang asawa nitong si Esteffany. Matagal din itong nakipaglaban sa
karamdaman nito sa puso."Cheer up bro, huwag ka ng malungkot. . . Esteffany are in good hands now. Saka nariyan naman sina Shin at Estellar eh, may dahilan ka na para magpatuloy sa buhay. O kaya punta tayo sa bagong bukas na night club nina Rudny, para naman ma-relax ka naman. Ang tagal mo ng dyeta owh!" Panghihimok ng binata rito. Tuluyan itong napangiti, habang naiiling.
"Loko ka talaga nagbago na ako uy! Hindi na tayo mga kabataan. Kaya kayo ni Rudny, magbago na kayo. Ang tatanda na natin!"
"Nah! kalabaw lang ang tumatanda Lawrence!" patuloy ni Novice. Napadako ang pansin ng dalawa sa may pinto. Bumukas iyon at pumasok ang kambal ni Lawrence na nagtatakbo.
" Daddy! si Shin oh, hinihila na naman niya buhok ko!"sumbong ni Estellar sa ama.
"Tama na iyan Shin, alam mo naman na ayaw ng kambal mo na pinakikialaman ang buhok niya." panunuway ni Lawrence rito.
Nagtatawa lang naman si Shin, tuluyang binuhat ni Rudny ito at kiniliti. Habang si Estellar naman ay inayusan naman ni Beatrice.
Nang tuluyan masaway ang dalawa sa kulitan ng mga ito ay muling umimik si Lawrence.
"Bagay na bagay ang kapatid mo at si Rudny, nakakapagtakang ayaw itong ligawan ng huli."
"Korek ka riyan Kuya, ewan ko ba rito sa barkada niyo. . . hirap ligawan!"nakalabing sambot ng dalaga.
" Talaga! Hindi kita papatulan, kahit ikaw na ang nag-iisang babaeng matira rito sa mundo!" naiiling na balik-sagot ni Rudny.
Naiiling na lamang sina Lawrence at Novice sa asal ng dalawa. Tila teenager kung magkantiyawan.
"Ikaw Novice, kailan mo balak magsettle down?"si Lawrence.
"Ano ba iyan, kanina si Papa ang nangungulit sa akin na mag-asawa ako. Tapos ngayon ikaw naman, please! give me a break bro!"iiling-iling na sagot ni Novice.
Muli nitong sinalinan and baso na nasa lamesa. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Hindi ko ba alam kung saan niya nakuha ang impormasyon ng tungkol k-kay Shaina. . ."naiusal ng binata.
Pare-parehas na nagtinginan sina Lawrence at Rudny. Sa halos 16 years na nakalipas ay ngayon lang muling naungkat ang isa sa mga babaeng may malaking kaugnayan sa binata.

BINABASA MO ANG
✔️Bitter Sweet Lover(PREVIEW)
Roman d'amour"Pinili kong bitawan ka, kahit sobrang hirap, tiniis ko. Dahil alam kung mapapabuti kayo, I did that because narealize ko na mas magandang maghiwalay tayo. Dahil ayaw kong dumating ang panahon na dahil sa pagmamahal na meron tayo ay lalo nating mawa...