NAGISING na lang si Novice dahil sa isang kaluskos na kaniyang narinig mula sa gilid ng kama na kaniyang kinahihigaan."Nasaan ba ako at anong. . ." pilit na bigkas ni Novice habang sinasapo ang bandage na nakapulupot sa kaniyang noo.
"Kumusta ka na, pare? Meron bang masakit sa 'yo?" tanong ni Rudny kay Novice.
"Ano bang nangyari at ganiyan ang inabot mo?" tanong naman ni Lawrence kapagdaka.
Mataman lang tumitig si Novice sa kanila at mabilis na iniwas ang kaniyang kasagutan.
"Pre, mga kaibigan mo kami. Kung ano ang isa ay ganoon din ang lahat. One for all, all for one, right? We're here as one of your closeness friends," pilit na untag ni Rudny kay Novice.
Tumingin nang pagkaasim-asim si Novice sa dalawa at saka sumungaw sa kaniyang mga labi ang mga salitang iyon.
"Wala kayong maitutulong sa problema ko," bigkas ni Novice na tila may bikig sa lalamunan.
Nagkatinginan na lang silang dalawa ni Rudny habang si Novice ay nag-uumpisa nang umiyak sa harapan ng dalawa. Dahil sa kadahilanang iyon ay maingat nilang tinapik at inalo ito.
"Bakit? Ano ba talaga ang nangyari?" pilit na tanong ni Lawrence bilang leader sa tatlo.
"Shaira. . . ba't mo iyon nagawa. . ." bulong ni Novice habang pinapahid ang sariling luha.
"Why? Tungkol ba kay Shaira? May nagawa ba siyang mali?" tanong ni Rudny habang nakakunoot-noo ito.
Mataman silang tinitigan ni Novice at saka inilabas ang isang sobre kung saan naglalaman ang mga kasagutan, kung saan nakapaloob roon ang sagot sa aming mga katanungan.
Novice,
Alam ko habang binabasa mo ang sulat na ito ay marami na sigurong mga katanungan ang pilit na ibinubulong ng iyong isip. Siguro hinding-hindi mo ako mapapatawad sa mga nagawa kong kasalanan na ngayon mo lang malalaman.
Una sa lahat, ang hindi ko pagsipot sa usapan natin ngayong gabi. Ikalawa, ang mga nangyari at narinig mo mula sa akin na hindi naman totoo.
Mapapatawad mo ba ako sa mga nagawa kong kasalanan kung malalaman mong lahat ng nangyari sa atin ay walang patutunguhan at puro balatkayo lamang?
Hanggang dito na lang ang lahat, Novice. Kahit sabihin mong manggagamit lang ako at sinamantala ko lang ang kapangyarihan mo ay hindi mo ako masisi dahil isa lang akong tao na nangangailangan.
Patawad dahil hindi ako nakapagpaalam sa 'yo nang harapan. Patawarin mo rin ako dahil pinaasa pa kita sa puntong ito na wala naman talagang patutunguhan.
Oo, kasalanan ko ang lahat. Siguro labis-labis na ang sugat at hapdi na nararamdan mo. Pero ang totoo ay may iba na akong nobyo. Hindi siya katulad mo. Mahirap lang siya at walang maipagmamalaki sa 'yo ni katiting pero siya ang unang bumihag sa puso ko.
Mahal ko siya. . . pero minahal pa rin kita kahit imposibleng may patutunguhan itong maling relasyong ito. Siya pa rin ang napili ko dahil hindi siya iba sa akin. Pero ikaw, ang layo natin sa isa't isa. Napakalayo.
Muli ay patawarin mo sana ako. Sana meron pang ibang magpapatibok ng puso mo. Hindi sa tulad kong napaglaruan lang ang puso mo.
Patawad . . .
Shaira
Nabigla kami sa mga nalaman namin mula sa sulat na ibinigay sa amin ni Novice. Naging mabilis ang buong pangyayari, hindi man lang kami makatulong sa bestfriend namin, patuloy pa rin siyang tumatangis habang nakayuko sa aming harapan.

BINABASA MO ANG
✔️Bitter Sweet Lover(PREVIEW)
Romansa"Pinili kong bitawan ka, kahit sobrang hirap, tiniis ko. Dahil alam kung mapapabuti kayo, I did that because narealize ko na mas magandang maghiwalay tayo. Dahil ayaw kong dumating ang panahon na dahil sa pagmamahal na meron tayo ay lalo nating mawa...