CHAPTER THREE

27 2 0
                                    


PALAKAD-LAKAD si Shaina ng mga sandaling iyon. Na-te-tensiyon siya na hindi niya mawari.

Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin, agad niyang tinignan sa suot na relos ang oras. Halos kalahating oras na siya sa loob ng sarili niyang suite.

Parang mas gusto na niyang magkulong na  lamang doon at huwag nang pakiharapan ang walanghiya niyang ex!

"Bakit ba kasi bumalik-balik ka pang demonyo ka!"Nanggigil na anas niya sa kawalan.

Muntik pa siyang mapatalon sa pagkagulat ng makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto.

Dali-dali niyang inayos ang sarili, ang secretary niya ang nasa  labas ng pinto.

"Eh, ma'am kanina pa po nagtatanong si Mr. De Guzman sa may lobby? A-Ano po ang sasabihin ko. . ."Aligaga nitong sabi.

"Sige ako ng bahala,"sagot ng dalaga.

Naiiling na naglakad papunta sa may hallway si Shaina. Sa itsura ng secretary niya ay natitiyak niyang ipinahiya ito ni Novice.

Kilalang-kilala niya ito, wala itong pakialam kung makasakit ito ng damdamin ng ibang tao.

Matapos niyang makalabas sa elevator ay dumiretso na siya sa may hagdan.

Pababa na siya ng makita niya mula sa 'di kalayuan ang bulto ni Novice. Nakatalikod ito sa kinaroroonan  niya, kasalukuyan itong nasa stool kung saan may i-sini-served na mga alak roon.

Maganda ang ambiance at pili ang mga design ng structure ang lobby nila. Mahilig sa nature si Shaina, kaya mas prefer nito na may mga halaman at bulaklak na nakakalat sa buong paligid. Para sa kaniya ay mas fresh at buhay na buhay tignan lahat. Nakakadagdag good vibes ika nga.

Naninigkit ang mga mata na lumapit siya lalaki.

"Hey! paano tayo mag-uusap kong nagpapakalasing ka riyan Mr.  De Guzman."kinontrol niya ang sarili.

Ayaw niyang makakuha muli ng atensiyon ng ibang tao. Katulad nang nangyari kanina-kanina lamang.

"Oh, hey there honey. . . mabuti naman at sa wakas tuluyan ka ng natawag ng secretary mo."nakangiting baling ni Novice sa dalaga. Agad itong nagpasalamat sa bartender matapos na maibigay nito ang inorder niyang vodka.

Pagsasabihan na sana ni Shaina si Novice sa ginawa nito sa sekretarya niya.

Ngunit, agad iniwas ni Shaina ang pansin sa mukha ng binata, naiilang siya sa pangngiti nito ng ganoon. Ewan niya naninibago talaga siya rito. Dati sobrang tipid itong ngumiti.

Lalo siyang nawindang nang mapadako ang pansin niya sa nakabukas na polo ni Novice. Biglang siyang napalunok ng wala sa oras, bigla siyang nag-init. Paano ba naman kasi, nakabalandara ang matikas nitong dibdib at ang pamatay nitong abs!

Nanigas siya at hindi niya alam ang gagawin ng bigla na lamang siyang akbayan nito ng walang pasabi.

"A-Ano ba N-Novice!"Hysterical niyang sambit. Mabilis niyang inalis ang kamay nitong nakadikit sa balikat niya. Parang may gumapang na bolta-boltaheng kuryenti roon. Kaunti na lang masasampal na niya talaga ito!

Tuloy-tuloy na siyang naglakad palayo, gusto niyang takpan ang sarili sa sobrang pamumula niya ng mga sandaling iyon. . .

MAIGI naman na pinagmasdan ni Novice si Shaina. Mukhang magiging madali rito na maisagawa ang lahat ng plano niya, katulad pa rin kasi ito ng dati.

Malakas ang pakiramdam ng binata na may nararamdaman pa rin si Shaina sa kanya.

Magagawa na niya ang gustong  mangyari, mas mahahawakan na niya sa leeg si Shaina. Kapag nagkataon ay ito na ang kusang bibigay sa kanya.

✔️Bitter Sweet Lover(PREVIEW) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon