22

20 1 3
                                    











"Chesca gumising ka na riyan" Narinig kong katok ni Mama sa aking pinto, Miya miya pa ng hindi ko siya sinagot ay naramdaman kong nagbukas ang pinto. "Chesca, Ika'y gumising na...Magligpit ka na ng ilang gamit mo" Sabi niya habang inaalog ang aking balikat.




"Hmmm wait lang Ma, Maaga pa" Pagpupumilit ko dahil ako'y inaantok pa. "Buksan mo na'y ilang regalo mo para matapon na rin yung mga pinagbalutan" bilin ni Mama, Oo nga pala hindi naman ako natapos magbukas ng mga Regalo kagabi dahil sa sobrang pagod at antok ko siguro dahil sa party.




"Okay maliligo lang po ako" Sabi ko naman bago kuhanin ang aking towel at pumunta sa banyo. "Bakit ka maliligo? Mag almusal ka na muna!" Pagpigil ni Mrs.Racelis kay Chesca na aakma ng papasok sa banyo.




"Mamaya na po, Hindi ako nakapaglinis ng katawan kagabi after ng party e, I feel sticky" Maarteng sagot ni Chesca kaya napatingin ang kanyang Ina.





"Nag disi otso ka lang natutong ka mag Ingles! Sige na bahala ka! Maligo ka kung gusto mo!" Singhal ni Mama bago ako iwan sa kwarto, Hala? Ang attitude!! Mana sa mga anak!




Bago pumunta sa banyo ay inayos ko na muna yung tinulugan ko, Tapos ay ipinila ko na rin sa sahig lahat ng regalong hindi ko pa nabubuksan. Atsaka palang ako pumuntang banyo para maligo.




Nasa loob na ako ng shower ng mapansin ko ang speakear na binili saakin ni Mama, Well dito ko siya nilagay sa banyo bakit ba?....Kinuha ko agad ang phone ko na nasa may sink  para i-connect sa speaker and then play some random music while showering...Ngunit ng tingnan ko ang screen ng aking phone ay mayroong notification display roon from messages. And It's from him...he send it at 2:34 AM earlier...How come I don't heard it when I sleep just some minutes ago?




Agad akong nangiti ng makita ang message niya, Tho he isn't the first one...He's the last one and A special one.




From: Van

Im sorry I didn't have time to greet you a little early, And I was probably the last one to greet since yesterday was really your birthday.

From: Van

Anyways, Happy Birthday Issa! I hope you enjoyed your day....Nothing more to say than just Stay safe always and have fun😊

Luh? Parang tanga to!

To: Van

Thank you, Akala ko di mo na naalala




Ngumiti na lang akong muli sa aking sarili bago bitawan ang phone ko at magpatuloy sa paga papatugtog ng kanta, Parang mas masaya pa ako ngayon kaysa kahapon na kaarawan ko!




"Hi Ate goodmorning! Hello Baby ko goodmorning" Maligayang bati ni Chesca sa ate niya at sa pamangkin niyang kumakain ng almusal. "May toyo ka ba?" Nagtatakang tanong ng nakakatandang kapatid ni Chesca.




"Ate Louisse wala" Nakangiting sagot ni Chesca bago kumain ng almusal. "Nasasaniban na siguro'y Tita mo anak" Bulong ni Louisse sa apat na taon niyang anak.




Masaya ako bukod sa marami at kailangan ko talaga yung mga regalong binuksan ko kanina, Binuo rin naman talaga ni Van ang araw ko!




"Sino nanaman iniisip mo?!" Tanong ni Mrs.Racelis na nagsasalubong pa ang mga kilay habang pinagmamasdan si Chesca na ngiting ngiti. "Ikaw, ayieeee" Biro ni Chesca, Sabay walkout naman ang kanyang Ina.





"Si Mama ata may toyo e" Komento niya bago masayang magpatuloy sa pagkain.




Wow! Inspired na inspired na mag alumusal 'a, Tingnan nalang natin kung matuwa ka pa mga susunod na araw!




All this TimeWhere stories live. Discover now