"She's experiencing depression."
"Is that even possible to a 10 years old girl Doc?"
"Yes, walang pinipiling edad ang depression. Masyadong matured mag-isip si Yna Sinabi mo kanina na madalas kayo mag away ni Mister. Lagi nyang naririnig at nakikita ang bagay na yon that's why her mind become anxious and it leads her to overthink every night which can cause lack of sleep. Other than that she's not showing interest in physical activities. I asked her if she have friends in school and her answer is no. At nabanggit mo kanina na bumababa ang grades n'ya sa lahat ng subjects unlike before na matatas 'to. Her weight is also affected pwedeng bumaba pwedeng tumaas."
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Mommy.
"Mrs. de Guzman, I advised you to keep her away from the things that makes her situation worse. Yna needs your help and full attention."
Nakita ko ang mata ni Mommy na puno ng pag-aalala.
"You want to have lunch in Jollibee?" She asked me while driving. Dahan dahan akong umiling sa tanong n'ya.
"Busog pa po ako" tipid kong sagot.
"Anak, I'm sorry" napatingin ako sa kanya ng marinig ang pag hikbi n'ya.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.
Ayokong makita s'yang umiiyak dahil hindi ko din maiiwasang hindi maiyak.
"Nakausap ko nga mismo yung doctor at sabi n'ya kailangan nating dalhin si Yna sa psychiatrist" mahinahon na paliwanag ni Mommy kay Daddy.
"Kalokohan lang yan, Bata pa si Yna para maranasan ng sinasabi mong depression." Naiiritang sagot ni Daddy.
"Anong kalokohan? Hindi mo ba napapansin na nagbabago na yung anak natin?!" Sigaw ni Mommy.
"Ikaw lang naman nag-iisip ng ganyan sa anak mo. Hindi baliw si Yna, Laura wag mo s'yang itulad sa'yo!" Sigaw ni Daddy sa kanya.
"Wala ka bang pakialam sa anak mo?! Hindi mo ba napapansin na nahihiarapan na s'ya?! Palibhasa kasi sa'yo sarili mo lang yung iniisip mo!"
Isinara ko na lang ang pinto ko para hindi marinig ang sigawan nilang dalawa.
"Sige! Umalis ka! Hindi ka namin kailangan ni Yna. Puntahan mo na yung babae mo tutal kating kati ka na-"
Napapikit na lang ako ng marinig ang pag sampal ni daddy kay mommy dahilan para mapahagulgol s'ya.
"Huwag na huwag mo ako pagbibintangan sa bagay na hindi ko ginagawa" Galit na galit na sinabi ni Daddy.
"Akala mo ba hindi ko kayo nakita ng babae mo? Nag bubulag-bulagan lang ako Davin pero hindi ako tanga!"
Narinig ko ulit ang pagsampal ni Daddy kay Mommy. Tumakbo ako palabas ng kwarto para awatin sila kaya lang ng makita ako ni Mommy ay sinenyasan n'ya akong bumalik sa kwarto.Kaya wala na akong nagawa kundi sundin s'ya.
Tinakpan ko na lang ng dalawang kamay ko ang magkabila kong tenga para hindi na marinig ang away nila.
Nagising ako sa pagkakatulog ng maramdaman ang haplos ni Mommy sa buhok ko.
"Mommy" agad akong napatingin sa malaking pasa n'ya sa mukha.
"Bumangon ka na anak, aalis tayo" aniya habang pinupunasan ang luha n'ya.
"Saan po tayo pupunta?" Agad akong napalingon sa maleta na nasa tabi n'ya. At ang dress na nakapatong dito.
"Mag palit ka na" tipid n'yang sagot.
"Aalis na tayo" dagdag pa n'ya.
"Paano si po daddy?" Tanong ko sa kanya.
"Umalis s'ya, baka bukas pa bumalik kaya bilisan mo na para di n'ya tayo maabutan." Nagmamadaling utos ni mama habang inaayos ang magulo kong buhok.
BINABASA MO ANG
A Disillusionment of Summer
RomanceLabis na pinagsisisihan ni Yna lahat ng pagkakamaling nagawa n'ya 5 years ago. Hindi n'ya sukat akalain na babalik sa kanya lahat ng sakit na pinaramdam n'ya sa lalaking iniwan n'ya noon. Kaya naman gusto n'yang bumalik dito para humingi ng tawad...