Halos limang minuto lang ako nag hintay ng jeep, hindi na ako mahirapan mag-abang dahil maaga naman akong gumising.
30 minutes ang biyahe bago makarating sa school kaya nag earphone muna ako. Dito ako ulit pumwesto sa tabi ng driver ayoko kasi ng masyadong maraming katabi.
Nang mapansin ko na malapit na kami ay tinanggal ko na ang suot kong earphone at inayos ang sarili ko.
Huminto na ang jeep sa tapat ng school, marami ng estudyante ang pumapasok. Aaminin ko kabado ako, pero kailangan ko lakasan yung loob ko.
Iaabot ko na sana ang bayad kay Manong ng sumigaw ito.
"Hoy! Bayad mo!" Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung sino ba yung sinisigawan n'ya.
Yung estudyante kahapon sa jeep na nag 1,2,3.
"Iba na talaga ang ibang estudyante ngayon, agang-aga lulugihin ako." Aniya.
Kinuha ko ang wallet ko para kumuha ng 15 pesos. Inabot ko sa kanya ang 30 pesos na hawak ko.
"Bayad po, tsaka dun sa lalaking tumakbo" tinanggap naman n'ya ang bayad ko ng walang pag-aalinlangan.
Nang makababa na ako ng jeep ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa gate.
Sobrang daming estudyante.
Lalo akong nakaramdam ng kaba. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko tuloy lahat sila nakatingin saakin kahit hindi naman.
"Hinga ng malalim, Yna, kaya mo yan" bulong ko sa sarili ko.
Napatalon ako ng konti dahil sa gulat ng marinig ang tunog ng bell. Lahat ay pumunta at pumila sa harap ng flag pole.
After 20 minutes ay pinapasok na kami sa kanya-kanya naming room. Tiningnan ko sa cellphone ko ang kung anong room ba ako.
Hys, dapat kasi pumasok na ako kahapon.
Isa-isa kong hinanap ang room number hindi ako nag tanong dahil medyo nahihiya ako. Pero dahil nga hindi ko makita ang room ko e wala na din naman akong nagawa.
"Sa new building, tapos third floor sa tabi mismo ng hagdan" pag-papaliwanag saakin ng isang estudyanteng pinagtanungan ko.
"Salamat" nakangiti kong sagot sa kanya.
Pinuntahan ko naman agad yung room na tinuro n'ya. 10 minutes na akong late kakahanap ng room ko kung kanina pa siguro ako nag tanong siguro ngayon nakaupo na ako sa upuan at nakikinig sa teacher.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang kumatok sa pintuan na nasa harapan ko.
Para akong naistatwa ng makita ang mga kaklase ko na nakatingin saakin.
"Hi? How can I help you?" Nabaling ang tingin ko sa teacher na nasa harapan ko.
"Umm, good morning Ma'am, I'm Yna Louisa de Guzman." Alam ko na sobrang awkward ng ngiti ko ngayon.
"Ah, you are the transferee, bakit hindi ka pumasok kahapon?" Malambing nitong tanong.
"Kakauwi ko lang po kasi galing probinsya." Pag sisinungaling ko.
"Halika, magpakilala ka sa mga kaklase mo." Aniya.
Eto na nga ba ang sinasabi ko.
Dahan dahan akong pumunta sa unahan at humarap sa mga kaklase ko.
"Hi, I'm Yna Louisa de Guzman." Tipid kong pagpapakilala sa kanila.
"Can you tell us your age, hobbies, anything about you" nakangiting sinabi ni Ma'am.
BINABASA MO ANG
A Disillusionment of Summer
RomanceLabis na pinagsisisihan ni Yna lahat ng pagkakamaling nagawa n'ya 5 years ago. Hindi n'ya sukat akalain na babalik sa kanya lahat ng sakit na pinaramdam n'ya sa lalaking iniwan n'ya noon. Kaya naman gusto n'yang bumalik dito para humingi ng tawad...