Chapter 5

1 0 0
                                    

Louisa, picture!" Napalingon ako kay Carter ngayon na may hawak na camera.

Tumingin ako dun at ngumiti sabay nag peace sign.

Tapos na ang nomination para sa class officers at ako ang napiling muse. At yung Rhys naman ang escort, ngayon ko lang s'ya nakita siguro dahil absent s'ya kahapon.

Matapos kaming papuntahin ni Mrs. Victoria sa unahan ay pinabalik na din n'ya kami sa kanya-kanya naming upuan.

Nag discuss lang s'ya saglit about sa topic namin bukas pagkatapos nun ay nagpaalam na din s'yang umalis.

"Lunch na tayo?" Yaya saamin ni Ariya.

"Kakatapos lang ng recess ah, kakain na ulit tayo?" Tanong naman ni Kelli

"Alam mo naman yang si Ariya recess at lunch ang favorite subject" pagbibiro ni Naomi.

Chubby si Ariya pero pansin pa din sa kanya ang kagandahan n'ya. Ang totoo n'yan lahat sila magaganda pero yung kagandahan ni Ellis ang hinahangaan ko.

"Uy bakit ang tahimik mo?" Napatingin kami kay Addison ng mapansin n'yang tahimik si Ellis.

"Gutom na kasi yan, kaya nga kumain na tayo, baka maubusan pa tayo ng upuan don" Sagot naman ni Ariya.

"Tara nga nga, nagugutom na din ako e" Brielle.

"Tara" Sabi ni Ellis ng makatayo na s'ya.

"Ikaw Louisa? Hindi ka ba sasama?" Tanong saakin ni Addison ng mapansin n'yang nanatili ako sa pwesto ko.

"Mauna na kayo susunod na lang ako kailangan ko pa kasing ipasa sa guidance office 'to" pinakita ko sa kanila ang brown envelope na hawak ko.

"Gusto mo samahan na kita?" Tanong ni Kelli.

"Hindi na, mauna na kayo mabilis lang naman ako" tumango na lang sila at nagpaalam ng umalis.

"Hi Yna!" Halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Beam. Aaminin ko naiirita ako sa lakas ng bibig n'ya.

Napansin ko naman na natawa silang lima dahil sa reaksyon ko.

"Ah, may sasabihin pala si Rhys" nakangiting sabi saakin ni Percieval.  Napatingin ako sa kaibigan nila at halata sa kanya na nagulat s'ya.

Tiningnan n'ya ng masama si Percieval pero nakangisi lang ito sa kanya na animo'y nang-aasar.

"Ah, yung picture pala kanina isesend ko na lang sa'yo" nahihiya nyang sinabi saakin.

Naalala ko bigla nung pinicturan kami ni Carter kanina. S'ya siguro yung may-ari ng camera dahil kanina yun din yung ginamit namin sa groupie.

"O sige, salamat" nakangiti kong sinabi sa kanya. Napansin ko na hindi pa din sila umaalis kaya naman tinaasan ko sila ng kilay habang awkward na nginitian sila.

"May kailangan pa ba kayo?" Nakangiti kong tanong sa kanila. Ayokong naman na ipakita sa kanila na di ako kumportable ngayon.

"Ah wala na, sige aalis na kami ha." Mabilis na sagot ni Rhys sabay labas paalis ng room. Nahuling lumabas si Percieval pero may sinabi muna s'ya saakin bago umalis.

"Crush ka ni Rhys" kinikilig n'yang sinabi saakin.

Naiwan naman ako sa loob ng room na puno ng pagtataka.

"Pinag titripan ba ako ni Percieval?" Tanong ko sa sarili ko.

Naalala ko bigla na kailangan ko nga pala pumunta sa guidance office kaya dali dali na akong lumabas ng room.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayan na baligtad pala ang hawak ko sa envelope dahilan para mahulog ang papel na laman nito. Pupulutin ko na sana yon ng may lalaking naunang pumulot saakin.

A Disillusionment of Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon