Chapter 2

2 0 0
                                    

2018

"Bakit hindi ka naka uniform? First day of school n'yo ngayon, kailangan dapat naka uniform ka " Bungad saakin ni Mommy.

"Hindi ako papasok" sagot ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong n'ya saakin.

Kumuha ako ng toasted bread at kumagat muna ako dito bago sagutin ang tanong n'ya.

"Birthday ni baby Seb" ngiti kong sagot sa kanya.

"Ngayon ba yon? Bakit naman hindi mo pinaalala saakin kahapon hindi tuloy ako nakabili ng regalo." Natatawa ako sa reaksyon ni Mommy ngayon.

"Mommy sinabi ko sa'yo kahapon pero oo ka lang ng oo." Natatawa kong sagot sa kanya.

"Bibigyan na lang kita ng pera tapos bilhan mo s'ya ng regalo yung naka wrapper na para di mo na kailangang ibalot." Kinuha ni Mommy ang pera n'ya sa wallet sabay abot saakin.

"Okay! Alis na ako!" Pagpapaalam ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya.

"Teka kumain ka muna!"narinig kong sigaw ni Mommy.

"Busog pa po ako!" Sigaw ko sa kanya pabalik

"Saan pupunta yun?" Narinig kong tanong ni Tito Albert kay Mommy.

"Birthday ni Sebastian, kain ka na" sagot ni Mommy.

10 minutes din ako nag abang ng jeep na masasakyan at puro estudyante ang mga pasaherong nakasabay ko.

Nag-suot ako ng earphone dahil 30 minutes pa naman ang biyahe ko. Maya-maya ay narinig ko si Manong driver na sumigaw dahil nga katabi ko lang s'ya.

"Ang aga-aga nag 1,2,3" reklamo n'ya." Napalingon naman ako sa side mirror para makita kung sino yung tinutukoy n'ya.

Estudyante sa school na papasukan ko.

Nang makarating na ako sa mall nag antay muna ako ng 10 minutes bago tuluyan magbukas yung mall.

And after 3 hours na biyahe ay nakarating na din naman ako sa pupuntahan ko.

Busy lahat ng tao, maaga pero naka prepare na agad lahat ng kailangan. Balloons, lamesa, upuan pati na din yung gagamitin sa catering.

"Yna!" Tawag saakin ng familiar na boses at kaagad naman ako lumingon sa kanya na kalong si baby Seb.

"Ang aga mo naman masyado, kumain ka na ba?" Tanong saakin ni Tita Hannah.

"Hindi pa po, pero mamaya na lang din kumain na naman ako ng toasted bread bago umalis ng bahay." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Agad naman nabaling ang tingin ko kay baby Seb.

"Happy birthday baby Seb, bakit naman nag papabuhat ka pa kay Mommy e you are a big boy na." Biro ko sakanya

"I'm still a baby ate Yna" nakasimangot n'yang sagot.

"Ay, I only give you this gift if you smile na" suhol ko sa kanya.

Agad naman s'yang ngumiti at pilit na inaabot yung gift ko sa kanya. Kaya naman binigay ko na din sa kanya yun.

"What will you say to ate Yna?" Tanong ni tita Hannah.

"Thank you ate I love you!" Sabi n'ya sabay halik sa pisnge ko.

"Ate Yna loves you too" ngiti ko sa kanya.

"Tara ate let's go to daddy kanina ka pa n'ya hinihintay e" aniya sabay hila sa kamay ko papasok sa bahay nila.

"Daddy ate Yna is here na!" Sigaw ni Baby Seb.

"Anak!" Agad napalingon si Daddy ng makita ako. Agad s'yang lumapit saakin para yakapin ako.

"Buti naman nandito ka na, akala ko hindi ka na dadating e." Pabiro n'yang sabi sakin.

"Kelan ba ako umabsent sa birthday ni baby Seb e napaka cute kaya ng bata na 'to." Sabay pisil sa pisnge ni Baby Seb.

"Kumain ka na ba anak?" Tanong saakin ni Daddy saakin

"Konti po, pero busog pa naman po ako kaya mamaya na lang."

"Nako, sumabay ka na saamin ng tita Hannah mo mag lunch, hindi kita maasikaso kapag dumating na yung mga bisita" aniya.

Wala na akong nagawa kundi pumayag kaya eto kami ngayon nakaupo sa hapag-kainan para kumain habang nagkukwentuhan.

Sobrang laki ng pinagbago ni Daddy. Masasabi ko na natupad n'ya yung promise n'ya saakin na mag babago s'ya. Masaya ako na nagawa s'yang pabanguhin ni Tita Hannah. Ang daya lang kasi may isang bagay s'ya na hindi n'ya natupad. Yun ay yung kunin ulit kami ni Mommy.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday happy birthday baby Sebastian" lahat kami ay nag-aabang sa pag blow ni baby Seb ng candle n'ya. Sobrang daming bisita nandito din si Lola at lolo yung papa at mama ni Daddy. Kinakamusta nila saakin si Mommy sabi ko okay naman, masaya.

Alam na din nila na may boyfriend na si Mommy na magiging asawa na n'ya soon. Mabait si tito Albert and she help my mom in everything. Hinihintay na lang na ma process yung annulment ni Mommy at Daddy para makapag pakasal na sila ni tito Albert ganun si Daddy plano na din n'yang pakasalan si Tita Hannah lalo na ngayon na may 4 years old baby na sila.

Sobrang daming nangyari dati na pilit na naming kinakalimutan at unti-unting tinatanggap. At sobrang pasasalamat ko na naging maayos na din yung mental health ko. Pero minsan inaatake ako ng anxiety and depression pero agad naman ako humahanap ng way para mawala yun.

Nung naghiwalay si Mommy at Daddy tinuloy ni Mommy yung pagpapa-kunsulta saakin sa psychiatrist.

6:30 pm ay nagpaalam na ako kay Daddy na umuwi sabi n'ya ihahatid na daw n'ya ako pero di na ako pumayag. Marami kasi silang bisita at hindi naman kaya ni Tita Hannah na asikasuhin yun lahat. 10 pm na ako nakarating ng bahay dahil sa sobrang traffic.

I knocked at my Mom's room para ipaalam sa kanya na nakauwi na ako. Hindi pa naman s'ya tulog kaya nag kwentuhan muna kami saglit. Kinamusta n'ya yung birthday ni baby Seb sinabi ko din sa kanya na kinakamusta s'ya ni Lolo at Lola. After ng kwentuhan pinatulog na din ako ni Mommy kasi kailangan kong gumising ng maaga bukas para pumasok.

Aaminin ko, hindi ko gusto ang school. Lalo na't lumaki ako na walang naging kaibigan. Nung elementary ako madalas ako ma-bully dahil sa sobrang kapayatan ko. Buti na lang ngayon tama na yung timbang ko and worst, laging mababa ang grades ko because of my condition.

Naging okay lang ako nung grade 9 na ako. Then nag suggest si tito Albert kay Mommy na ilipat ako ng school to have a fresh start.

Grade 11 na ako ngayon at HUMSS ang strand na kinuha ko at umaasa ako na sana makapag simula ako ng panibagong buhay sa school na papasukan ko.

Dahil ayoko ng mag-isa.

A Disillusionment of Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon