Percieval POV
"Hoy Sibal bumangon ka na nga d'yan anong oras na oh baka mahuli ka pa sa klase mo." Sermon saakin ni Mama pero hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy ako sa pagtulog ko.
"Kapag hindi ka pa bumangon d'yan bubuhusan na talaga kita ng malamig na tubig!" Dagdag pa ni Mama.
Agad naman akong bumangon dahil alam kong gagawin n'ya talaga yun. Bakit ko alam? Kasi ginawa n'ya saakin yun.
"Si Mama ang aga-aga nag-sesermon agad mawawala ang ganda mo n'yan" pabiro ko sa kanya.
"Bumaba ka na dun at kumain ka na nakahanda na ang pagkain mo dun, kaya kumain ka muna bago maligo." Aniya at tinulak ako palabas ng kwarto ko.
Pagkatapos ko kumain ay nagpahinga muna ako ng ilang minuto. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang Facebook account ko. Nag backread ako sa gc namin at nabasa ko ang chat ng tropa kagabi. Pinag uusapan nila si Yna.
Naalala ko bigla na nag friend request ako sa kanya kaya naman chineck ko yung notif ko. Friends na kami sa Facebook. Hindi ko alam kung bakit Yna yung pangalan n'ya sa Facebook e Louisa naman pangalan n'ya.
Nilapag ko ang cellphone ko at pumasok na sa CR para maligo.
10 minutes ako naghintay ng Jeep dahil madalang lang ang jeep na dumadaan dito saamin.
Nang makasakay na ako e sa pinakadulo ako pumwesto para mas madali ako makatakbo mamaya. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag sa mga trip ni Beam at Tyrone.
Nang mapansin ko na medyo malapit na kami ay hinanda ko na ang sarili ko. Nang nakatigil na ito tapat ng school at dali dali akong tumakbo.
Narinig ko ang malakas na sigaw ni Manong driver kaya napalingon ako sa kanya para tingnan ang reaksyon n'ya.
Nakita ko si Louisa na kausap yung driver mukhang iisang jeep lang din ang nasakyan namin.
"Bayad ko po, tsaka dun sa lalaking tumakbo." Narinig kong sinabi ni Yna sa driver ng jeep.
Pumasok na ako ng gate at hinintay s'ya sa loob ng school.
"Good morning" bati ko sa kanya ng makapasok na s'ya ng gate pero tiningnan n'ya lang ako ng masama.
"Salamat dun sa pamasahe ha, nakakahiya sana di mo na binayaran"
"Saakin nahiya ka pero dun sa driver hindi" pagsusungit n'ya. Dahil don ay natawa ako.
"Wala naman akong sinabi na bayaran mo e, bakit ka nagagalit d'yan?" Pang-aasar ko sa kanya pero hindi na s'ya umimik.
"Tsaka, tito ko naman yun e kaya ayos lang" pagsisinungaling ko.
"Ah so, yung driver nung Monday at tuesday tito mo din ba? Ang dami mo naman yatang kamag-anak" pagsusungit n'ya ulit saakin.
"Paano kung sabihin kong oo?" Mukhang di na s'ya natutuwa saakin at halata sa kanya na naiirita na s'ya.
"Alam mo, ang aga-aga ang init init ng ulo mo, Ms. Sungit" pang-aasar ko sa kanya.
Tumigil s'ya sa tapat ng room bago lumingon saakin.
"Alam mo, ang aga-aga nilulugi mo yung mga driver, Mr. 1,2,3" pang-gagaya n'ya saakin bago tuluyang pumasok nga room.
Napaka sungit naman.
Nakita ko si Tyrone, Carter, Beam at Rhys na papalapit saakin.
Agad kong pinakita sa kanila yung 200 ko na buo pa para patunayan na nag 1,2,3 ako.
"Ibahin n'yo na kaya yung dare" reklamo ko sa kanila.
"Bakit? May lakas ka na ba ng loob para umamin?" Pang-aasar saakin ni Beam.
BINABASA MO ANG
A Disillusionment of Summer
RomanceLabis na pinagsisisihan ni Yna lahat ng pagkakamaling nagawa n'ya 5 years ago. Hindi n'ya sukat akalain na babalik sa kanya lahat ng sakit na pinaramdam n'ya sa lalaking iniwan n'ya noon. Kaya naman gusto n'yang bumalik dito para humingi ng tawad...