Chapter 6

0 0 0
                                    

Percieval's POV

"At dahil napapayag natin si Rhys na maging escort ililibre ko kayong apat"
Sambit ni Carter.

Nandito kami ngayon sa labas ng school, kakatapos lang din namin mag linis ng room.

"Isang burger lang akin Carter" lalakad na sana si Beam papunta sa burgeran ng hilahin ni Carter ang bag  n'ya dahilan para mapabalik s'ya. 

"Anong burger pinagsasabi mo?" Natatawang tanong sa kanya ni Carter.

"Diba sabi mo ililibre mo kami?" Takadong tanong ni Beam.

"Oo nga pero wag naman burger, palamig lang" kahit kailan talaga napaka kuripot nitong si Carter.

"Paano ka sasagutin ni Addison e napaka kuripot mo" biro sa kanya ni Tyrone.

"Ayaw mo?" Tanong sa kanya ni Carter.

"Kuya limang piso ngang palamig" Bungad ni Tyrone sa tindero ng palamig na nasa tabi namin.

"Tahimik mo ah" sita ko kay Rhys.

Kanina ko pa kasi napapansin na tahimik s'ya mula ng lumabas natapos kami maglinis ng room.

"Di ka ba masaya na naging escort ka?" Biro ko sa kanya.

"Gago" natatawa n'yang mura saakin.

Himala talaga na mapapayag namin si Rhys na maging escort. Dati kasi tinatakot n'ya kami na hindi n'ya kami papansinin kapag binoto namin s'ya. Pero isa lang ang alam kong rason kung bakit ngayon ayos lang sa kanya. Dahil kay Louisa.

"Mukhang tinamaan ka ah" nakangiti kong sinabi sa kanya.

"Inumin mo na nga yang palamig mo ang dami mong sinasabi e" natatawa n'yang sambit saakin.

"Uy Beam yung girlfriend mo oh" napalingon kami sa likod namin at nakita namin si Yna, Ariya at Brielle na mukhang nag aabang ng jeep.

Matagal ng may gusto si Beam kay Brielle since grade 8 pa kami kaya lang torpe katulad ko. Sa amin ngang magkakaibigan si Carter lang yung may lakas ng loob manligaw. Ewan ko lang kay Tyrone wala naman s'yang nababanggit na may nagugustuhan s'ya e.

Nakita ko na sumilay muna si Rhys kay Louisa bago n'ya itapon sa basurahan yung plastik ng palamig.

"Yna!" Tawag ko sa pangalan n'ya. Agad naman itong lumingon saakin pero di ko alam kung bakit umiwas s'ya bigla ng tingin.

"Yna!" Tawag ko ulit sa kanya pero di na n'ya ako pinapansin hanggang sa makasakay na sila sa jeep.

"Suplada talaga nun" reklamo ko ng hindi man lang n'ya ako pinansin.

"Wag ka mag-alala Rhys ilalakad kita kay Yna" Alam kong torpe din 'to kaya ako ng bahala sa kanya.

"Basta ilakad mo din ako kay Ellis." Dagdag ko pa.

"Kahit wag mo na ako ilakad kay Louisa dahil wala naman akong gusto sa kanya" tanggi n'ya. 

"Ano ka ba, alam naming apat na gusto mo si Louisa. Kung gusto mong maniwala kami sa sinasabi mo huwag mo ipahalata" pang-aasar ko sa kanya.

"Pero, tutulungan mo ako?" Dagdag ko pa.

"Saan?" Nagtataka nyang tanong.

"Na ligawan si Ellis" Linaw ko sa kanya.

"Paano ko naman gagawin yun?" Tanong n'ya saakin.

"Sige na, ikaw bahala, close naman kayo ni Ellis e."

Nagkasama na kasi sila ni Ellis sa theatro dito sa school dati, kaso umayaw na din si Rhys di daw naman n'ya gusto yun pinagbigyan lang daw naman n'ya yung mama n'ya.

"Oo na sige na ng matahimik ka na dyan" pagpayag n'ya.

"Ang lakas ko talaga sa'yo" nakangiti kong sinabi sa kanya.

"Beam wag ka din mag-alala tutulungan kita na ligawan si Brielle." Sabi naman ni Tyrone.

"Bilisan n'yo na d'yan uminom ng makasakay na din tayo" Bulyaw saamin ni Carter.

5pm na ako nakauwi ng bahay dahil nahirapan kami makasakay.

Pagkauwi na pagkauwi ko binuksan ko agad ang data ko para mag facebook at hinanap ang account ni Louisa. Kahit hindi sabihin saakin ni Rhys Yung totoo kailangan ko pa din s'yang tulungan para mas mapalapit s'ya kay Louisa.

Sakto online s'ya.

"Hi" chat ko sa kanya pero hindi n'ya agad ito sineen.

Nagpalit muna ako ng damit habang hinihintay ang reply n'ya.

"Sibal nandyan ka na ba?" Narinig ko ang pagkatok ni Mama sa pinto ko.

"Opo, kakauwi lang" sagot ko sa kanya.

"Lumabas ka na d'yan kakain na tayo" 

Chineck ko muna kung nag reply saakin si Louisa pero wala pa din. Kaya naman lumabas na ako ng kwarto at sumabay na kay Mama kumain.

"Late ka yata umuwi ngayon" Sita saakin ni Mama.

"Cleaner po ako e, tsaka nahirapan kami makasakay" pag papaliwanag ko.

"Pwede ba mamaya na yang cellphone na yan at kumain ka na muna" Agad ko naman binitawan ang cellphone ko at tinuloy na ang pagkain bago pa ibato saakin ni Mama yun HAHAHA.

Nag toothbrush muna ako at naghilamos pagkatapos ko kumain bago pumasok ng kwarto.

"Hi" chat ko ulit kay Louisa ng makahiga na ako sa kama.

Dahil nainip ako sa kakahintay ng reply n'ya ay naisipan ko muna syang I-stalk.

Nag scroll lang ako sa timeline n'ya, wala s'yang masyadong post puro shared post na memes lang. Kaya naman pinindot ko yung photos at nag scroll dun.

"Famous naman" sabi ko sa sarili ko ng makita kung gaano karami ang nagla-like sa mga pictures n'ya. Mas maganda pa din s'ya sa personal.

Kaka scroll ko ay napadpad ako sa mga luma n'yang picture. Bigla akong natawa ng makita ko yung picture n'ya nung bata pa s'ya. Naka suot ng malaking salamin at Naka jeje pose sobrang payat din n'ya sa picture na yun.

Sinave ko yun at binuksan ulit ang convo namin.

"Ayaw mo akong replyan ha" natatawa na lang ako sa kalokohan na gagawin ko.

"Send" sabi ko sa sarili ko ng masend ko na yung picture n'ya.

Wala pang 2 minutes ay naseen n'ya na agad yung chat ko.

"WTF?" Reply n'ya saakin. Panigurado magkasalubong na ngayon yung kilay n'ya sa inis.

"Ang cute mo pala nung bata ka" reply ko sa kanya.

"Nang-aasar ka ba? Burahin mo nga yan." Ramdam ko na seryoso na s'ya ngayon habang nirereplyan ako.

"Ayoko." Sagot ko sa kanya.

Sinendan n'ya lang ako ng like. Kaya naman nag send ulit ako sa kanya ng picture n'ya. This time yung pinaka jeje n'yang picture.

"Ano bang problema mo?" Paniguradong hindi na s'ya natutuwa ngayon at inis na inis na s'ya.

"Bakit kasi ayaw mo pansinin yung chat ko?" Reklamo ko sa kanya. Mabilis naman n'ya ito naseen. Siguro dahil natatakot s'ya na baka mag send na naman ako ng picture n'ya.

"Hindi ba obvious na ayaw kitang kausap?" Reply n'ya.

"Ang sungit mo naman" reply ko. Sineen n'ya lang ako at hindi na ako ulit nireplyan.

Inistalk ko ulit s'ya para kumuha ng maraming pictures kaya lang wala na akong makita, pati yung dalawang picture na sinend ko wala na din. Dinelete na n'ya siguro.

"Ang bilis, nakapag delete agad" chat ko sa kanya pero di na n'ya ako sineen.

Mukhang mahihirapan akong ilakad si Rhys dito ah. Napaka sungit.

Kailangan ko gumawa ng paraan para mapalapit ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Disillusionment of Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon