Chapter 36-Outing in a Lake

1.8K 53 4
                                    

"Ate nasaan na si Uzzy? Akala ko ba ay ngayon ang punta niya dito?"Lee asked me. She missed Uzerrete.

Dapat ay isasama na din namin kagabi si Uzerrete kaya lang ay masama daw ang pakiramdam niya kaya ngayon na lang siya susunod.

Kasama ko dito sa veranda si Franchesca,Lee at Cross. We are having our morning coffee.

"Hayan na pala."nguso ni Franchesca.

"Bes!"sabay na tili ni Uzerrete at Lee.

Tumayo si Lee at sinalubong ng yakap si Uzerrete.

"Bakit ngayon ka lang? You're not feeling well daw?"Lee said in a worried face.

"Baka nakipag-sex on video call lang kamo iyan kay Kenjiro."nakangising wika ni Franchesca. Epal talaga ang kapatid kong ito.

"Hoy F 'wag ka ngang ano dyan! Masama talaga ang pakiramdam ko!"

"Masama? O masakit ang puson?"asar pa ni Franchesca.

"Hindi oy! Hmp,bitter."biro ni Uzerrete pero natahimik doon si Franchesca. I know deep inside she is not okay. I can see it in her eyes tapos minsan natatahimik at natutulala siya. "Sa totoo lang kasama ko nga si Doc Calvin."

"WHAT?!"bulalas ni Cross na kanina ay nananahimik. Lahat tuloy kami ay sa kanya napatingin.

"Nahilo kasi si Uzerrete kaya nagpunta siya sa apartment ko kagabi. Doon ko na siya pinatulog at nagprisinta akong ihatid na siya ngayon dito. She's low blood."lumitaw ang bulto ni Calvin."Hi Kat.."nakangiting bati ni Calvin sa akin. I just nodded.

Umangat naman ang kamay ni Cross sa balikat ko at hinapit ako lalo palapit sa kanya.

"Aw,possessive?"asar ni Franchesca na mukhang naka-recover na sa pang-aasar ni Uzerrete. Nakangisi na naman ang luka.

"Tamang-tama ang dami natin sabi ni Dad punta daw tayo sa lawa mamaya. Isama na natin si Doc Calvin. Gusto mo ba Doc?"Franchesca asked him.

Ano na naman kaya ang pinaplano ng luka na ito? Sa pagkakangisi niya ay hindi mapapagkatiwalaan eh.

"Bakit isasama pa natin iyan? May trabaho pa iyan sa ospital."inis na wika ni Cross.

"Ikaw ba si Doc?"nakangising baling ni Franchesca kay Cross."Ano Calvin sama ka?"

"Oo naman."nakangising wika ni Calvin na kay Cross naman nakatingin.

"Ayos! I can feel the tension in the air and its so fun..hahaha!"

Cross tseked. Mahina pa siyang napamura.

------

"Island hopping tayo kapag napirmahan na iyong resignation mo. I'm so excited bes!"Lee exclaimed.

"Two years pa iyon bes. Mga one year,ten months,three weeks at two days pa iyon. Tagal pa."Uzerrete.

"Miss mo na si Kenjiro ano?"

"Miss ko na talaga. Sobra."

Nakikinig lang kami ni Cross sa usapan ni Uzerrete at Lee. Nandito na kami sa may lawa at sa cottage kami nakapwesto. Iyong iba ay nasa loob ng bungalo. Sa lawa kami nagpunta kasi ayaw daw nila sa tubig alat. White din naman ang buhangin dito.

"Hey girls banana boat tayo?"yakag ni Kurt na dumating kasama si Calvin. Parehas naka-swimming trunks ang dalawa. Sina Uzerrete at Lee ay naka-one-piece swimsuit din. Habang ako ay naka-sando at short. Ayaw kasi ni Cross na magsuot ako ng swimsuit lalo at nandito si Calvin. Siya ay naka-board short at topless. Aba,binawalan ko din siyang mag-trunks.

Naramdaman kong pumulupot ang kamay ni Cross sa beywang ko.

"Yay,sige!"Lee.

"Tapos jet skii tayo!"Uzerrete.

Marine:The She-Devil Reincarnate(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon