Chapter 18

1.1K 29 2
                                    

Chapter 18

Napatingin kaagad ako sa reaksiyon nina mamita at lola. Mukhang hindi nila inaasahan ang sagot ni Ryden base sa itsura nila. Well, ako rin naman! Hindi ko alam na sasabihin niya pala iyon!

"What are you saying?!" Kaagad na bulaslas ko sa kanya. He looked at me and gave me his sweetest smile.

"Nagpapalam ako sa kanila para maligawan ka." Pagtatagalog niya na para bang hindi ko naintindihan ang sinabi niya kanina. Tiningnan ko siya na para bang nahihibang sa sinabi niya.

"He's just joking, la!" Depensa ko kaagad na nawala ang ngiti sa labi ni Ryden dahil doon. "He loves joking around." I added.

Parang hindi pa kasi ito ang tamang panahon para roon, ilang buwan pa lang ang nakalipas magsimula nung nadismaya sila sa akin. I am not yet ready for a relationship again. And I guess, mamita and lola were not ready yet.

"Tara na. Malalate ka na sa flight mo." Mabilis akong tumayo tiyaka hinila ang kamay niya. Napaawang ang labi niya ngunit kaagad niya rin itong tinikom, agad kong napansin ang pag-igting ng panga niya. Mukhang walang nagawa kaya marahan siyang tumayo. "Hatid ko muna siya labas, la, mamita." Paalam ko tiyaka puwersahan siyang hinila palabas.

Narinig ko ang paalam niya pero hindi ko na pinansin pa iyon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makahabol siya sa flight niya dahil sayang ang perang pinambili niya ng ticket kung ganon.

Nang makalabas kami sa gate ay hinarap ko siya habang nakapameywang. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri niya ako.

"Bakit mo naman sinabi kina lola iyon?" Hindi ko maiwasan ang inis sa boses ko, alam ko na sinabihan na niya ako noon na may gusto siya akin pero hindi pa ako handa. Hindi pa rin handa sina lola, ayaw ko silang mabigo dahil ulit sa akin.

"It's the truth, right? I already told you about that." He asked me. Tila nalilito siya sa naging reaksyon ko.

"You shouldn't tell them! I am not ready for a relationship and they were not ready too!" Pilit kong pagpapaintindi sa kanya.

"Then, I'll wait. That's one of the purposes of courting, right? To wait." Halos masapo ko ang noo ko sa sinabi niya, mukhang desidido tala siya sa desisyon niya.

"Ryden, I'm not ready." Halos bulong na wika ko sa kanya. "I'm scared."

"Why are you scared?" Nakayuko lang ako habang siya ay sinusubukan habulin ang mga tingin ko, yumuyuko rin siya at hinahanap ang mga tingin ko. "Why are you scared, hmm?" He asked me again, dahil siguro sa biglang pagtahimik ko.

"I might hurt you." Sa pagkakataong ito ay inangat ko ang tingin ko, hindi nga ako nagkamali na hinuhuli niya ang tingin ko dahil pag-angat pa lang ng ulo ko ay kaagad ko ng nahanap ang mga titig niya.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka at kaguluhan dahil sa sinabi ko. Totoo naman, lahat yata ng malalapit sa akin ay nasasaktan ko dahil sa mga desisyon ko sa buhay. At ayokong mangyari sa kanya iyon, Ryden deserve a woman who's better than me. Clearly, he doesn't deserve someone like me, he doesn't deserve me.

"That's normal. When you love someone expect that you might get hurt. So, why do you need to be scared for something that's normal?" Naguguluhan na tanong niya sa akin. Umiling ako, may punto siya pero alam ko sa sarili ko na may punto rin naman ang pinaglalaban ko.

"You don't understand." Kasi hindi ikaw ang nakasaksi kung gaano kasakit na makitang nasasaktan ang mga mahal ko sa buhay dahil sa akin. Kung gaano sila kadismayado. Kung gaano sila pinapatay ng bawat paghuhusga na lumalabas galing sa ibang tao.

At higit sa lahat hindi mo alam na naging kabit ako ng tatay ng kaibigan ko. Hindi ako handa dahil hindi niya alam ang tunay na pagkatao ko. Natatakot din ako para sa sarili ko na kapag nalaman niya ay mawawala ang pagmamahal na sinasabi niya. Na baka bigla niya akong iwanan nang wala man lang pagdadalawang isip.

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon