Chapter 11
Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw dahil naging busy na rin ako sa school. Marami na rin kaming requirements na kailangan ipasa dahil malapit na ang Finals exam namin. Excited na rin akong makauwi sa Albay.
Limang buwan na rin simula nung umalis ako sa lugar na nakagisnan ko. Limang buwan na rin magsimula nung mamuhay ako sa hindi pamilyar na lugar sa akin. Nakasalamuha ako ng iba't-ibang tao, unti-unting pinagpapatuloy ang agos ng buhay ko.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko dahil sa nagawa ko. Laking pasalamat ko siguro na nalaman ni Richelle, dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon namumuhay pa ako sa pagkakamali. Nang araw din iyon ay natauhan ako—kung gaano kamali at kasama ang nagawa ko sa kaibigan ko pati na rin sa ina niya.
They suffered because of me.
Kaya hindi ko matanggap ang sinasabi sa akin ni Ryden na deserve kong maging masaya dahil sa kasalanan na ginawa ko, sa sakit na pinaramdam ko sa ibang tao, anong karapatan ko para maging masaya?
Hanggang ngayon ay wala akong balita kina Richelle at tita, hindi rin nasasabi sa akin ni mamita ang tungkol sa kanila. Wala silang balak sabihin sa akin kung ano man ang nangyayari sa pamilya nila. Ayoko na rin magkaroon ng komunikasyon dahil alam ko na iisipin ng mga tao na nilalandi ko ulit si tito.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ng maalala ang gagawin ko ngayon. Pupunta nga pala ako sa Holiday Supermarket ngayon para bumili ng mga ingredients sa cookies na gagawin ko. Dumating na rin kasi yung oven na binili ko sa shoppee—noong isang linggo pa ang kaso nga lang ngayon lang ako nagkaroon ng oras at para mawala na rim ang stress ko.
Naka white shirt at black na leggings lang ako, kinuha ko na rin ang isang itim na jacket para hindi lamigin. December na kasi ngayon kaya malamig lalo sa Baguio. Next week na ang Finals namin, excited na ako dahil matatapos na rin ang isang sem ay mayayakap ko na ulit si lola.
Paglabas ko sa gate ay saktong nakita ko si Harris na naglalakad. Napatingin pa siya sa akin na mukhang nagulat din sa presensya ko pero kaagad din siyang nakabawi dahil napalitan ng ngiti ang pagkakagulat niya.
"May pupuntahan ka?" Ngumiti ako tiyaka tumango. Wallet lang ang dala ko tiyaka eco bag para hindi na ako bumili, sayang din ang ten pesos.
Totoo nga ang sinasabi nila na kapag mag-isa kang nabubuhay, pati piso mahalaga na. Hindi katulad kapag may kasama ka na kahit anong oras ay pwede kang maghingi ng pera. Kapag mag-isa ka, kailangan magtipid dahil nakikita mo ang gastusin araw-araw.
At hindi rin pala biro ang presyo ng mga bilihin ngayon. Paano kaya nakukuhang kumain pa ng mga nasa laylayan ng lipunan?
"Sa Holiday." Sabay turo ko sa way na papunta sa holiday. Lalakarin ko lang kasi since ten to twenty minutes walk lang. Sayang ulit ang nine pesos kung sasakay pa ako sa jeep.
"Cool! Doon din ang punta ko. Sabay na tayo? Maglalakad ka lang din ba?" Marahan akong tumango kaya sabay na kaming naglakad.
"Pa-Finals na, kumusta school?" Tanong niya habang naglalakad kami. Sa totoo lang, nakakagaan ng pakiramdam kasama si Harris. Madalang lang kaming magkita nitong mga nakaraang araw dahil pareho kaming busy sa school.
Ganon din naman si Ryden, minsan ay binibisita niya ako sa apartment kasama si Jelay o kaya ay hinihintay niya ako sa labas ng school para ihatid pauwi kahit ang lapit lang naman ng lalakaran.
"Ayos lang. Nakakastress as usual." Turan ko, lalo na kapag nagsabay-sabay yung mga deadline para sa requirements, halos ma-dead na bago pa sumapit ang deadline. "Ikaw? Kumusta naman?"
BINABASA MO ANG
Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]
Chick-LitBaguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest of her life. To fix herself, she decided to move in Baguio. She pursued Business Administration at Easter College. There, she'll meet Ryden J...