Chapter 15
Tahimik lang ako nakatingin sa bintana ng bus, unti-unti nang lumiliwanag pero hindi pa rin maliwanag sa akin ang sinabi kanina ni Harris. Hindi ko na nasagot ang sinabi niya dahil may babaeng papasok na rin sa bus kaya wala na akong magawa kung hindi pumasok nalang din, masyado rin akong nagulat sa biglaang pag-amin niya. At isa pa, sa tingin ko hindi naman niya kailangan ng sagot, hindi naman iyon isang tanong.
Napasinghap ako sa naisip ko, crush lang naman diba? Hindi ganon kalalim ang nararamdaman niya kaya pwede pang mawala sa susunod na mga araw. Puwedeng bukas o kaya baka pagbalik ko rito ay nawala na ang nararamdaman niya. O baka nababaguhan lang siya sa akin kaya niya nasabi iyon.
Bumuntong hininga ako at inalis iyon sa isip ko, crush lang naman, hindi mawawala ang pagkakaibigan namin doon.
Paano kung sabihin ko sa kaniya kung bakit ako napadpad sa Baguio? Magiging pareho pa ba ang tingin niya sa akin pagkatapos niyang malaman ang totoo?
Hindi ako nakatulog sa biyahe dahil sa kakaisip hanggang makarating ako sa Clark Airport, baka sa eroplano na ako makatulog. Kagaya nang inaasahan, sa eroplano nga ako nakatulog.
Malalim na ang gabi nang makarating ako sa Albay, kaagad ko rin nakita sina mamita at tito Jude na sumundo sa akin sa airport, hindi na nakasama si lola dahil masakit ang mga buto-buto niya kaya hihintayin nalang niya kami sa bahay.
Maraming tanong si mamita kahit na halos araw-araw kaming magka-video call. Kakaiba pa rin talaga kapag sa personal kayo nagka-usap. Merong kakaiba sa presensiya ng isang tao na nagiging special keysa sa virtual mo lang siyang nakikita.
Nang makarating kami ay kumain kami sa bahay habang nagkukuwentuhan hanggang sa nagpaalam ng umuwi si tito Jude. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kuwarto ko para makapagpahinga, napagod din ako kahit nakaupo lang ako sa biyahe at nakatulog.
Niyakap ko ang unan ko dahil namiss kong matulog sa kuwarto ko. Namiss ko yung sabay-sabay kaming kumakain nina lola. Namiss ko ang lahat nang nandito. Mula kina lola, sa mga gamit, sa lugar at lalo na ang mga taong nandito. Pero sa tingin ko, hindi nila gugustuhin na bumalik pa ako rito.
Hindi na ako nakapag-open ng cellphone para sagutin ang mga messages nina Ryden, Harris at Jovelyn sa akin. Meron din doon si Lola Pasing pero siguro ay nasabi na nina Lola na nandito na ako.
Kaya kinabukasan ay kaagad akong nagreply sa mga messages nila. Nakaramdam ng saya ang puso ko dahil may mga tao pa rin pala na gugustuhin na mabuhay ako. Nung umalis kasi ako rito sa Albay, halos lahat nang kakilala at maging kaibigan ko ay may gusto pang mamatay nalang ako. Samantala nung umalis ako sa Baguio, ramdam ko na agad ang pangungulila nila sa akin.
Puwede pala iyon, yung maramdaman mo ang isang tahanan sa isang estrangherong lugar. Puwede pala na makaramdam ka ng kapayapaan sa isang lugar na hindi mo man lang kinalakihan. O puwede rin siguro dahil sa mga taong nandoon. O puwede ring maganda ang klima ng lugar at sinamahan pa ito ng mabubuting tao.
"Oh? Anong plano mo ngayon?" Tanong ni mamita habang nag-almusal kami sa hapag. Sa totoo lang, wala naman akong plano ngayon, wala na rin akong kaibigan dito kaya siguro sa bahay lang ako.
"Wala po akong plano." Sagot ko, naramdaman ko ang pag-aalalang tingin sa akin ni lola kaya ngumiti ako sa kaniya. Marahil ay naalala nila na wala na akong kasundo sa lugar na ito dahil sa ginawa ko liban sa kanila. "Or baka pumunta po akong mall mamaya, mamasyal." Agad na bawi ko.
Ramdam ko kasi ang kalungkutan ni lola sa sitwasyon ko. Ayoko siyang mag-alala sa akin, kaya lilibangin ko nalang mag-isa ang sarili ko. Wala namang batas na bawal mamasyal mag-isa, mas okay na rin siguro para may oras ako para sa sarili ko. Puro school works kasi ang inatupag ko nitong mga nakaraan na linggo kaya ayos din magliwaliw minsan.
BINABASA MO ANG
Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]
ChickLitBaguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest of her life. To fix herself, she decided to move in Baguio. She pursued Business Administration at Easter College. There, she'll meet Ryden J...