Chapter 21

997 34 1
                                    

Chapter 21

"Thank you for today." Sambit ko kay Harris, alas diyes na ng gabi at kakauwi lang namin galing La Union. 

Sa totoo lang, guminhawa ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin ni Harris kanina. Parang lahat ng pangamba at takot ko sa loob ng siyam na buwan ay nawala. Na kahit alam kong hindi pa alam ni Harris kung sino talaga ako ay pakiramdam ko tatanggapin niya pa rin ako kapag nalaman niya. Dahil ramdam ko sa kilos niya na kaya niyang tuparin ang mga katagang sinambit niya sa akin. 

"Wala iyon, ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo dahil sinamahan mo ako." At hindi ako magsisisi na sinamahan ko siya ngayong araw. 

Masarap talaga sa pakiramdam na mag-unwind or reward-an mo ang sarili mo after the semester,  kasi iyon ang deserve mo sa lahat ng pagod na nilaan mo. Lahat ng stress sa buong semester ay mapapawi, makakahinga na ng maluwag na walang iniisip na kahit anong ipapasa kinabukasan. At akalain mo nga naman na magsesecond year na pala kami, parang kailan lang. 

"At tama ang desisyon ko na samahan kita." Ngiti ko. Sumilay ang ngiti sa labi niya tiyaka marahan na napahawak sa kaniyang batok. 

"Kailan ka pala uuwi ng Albay?" Dalawang buwan akong mag-stay sa Albay dahil dalawang buwan ang bakasyon. Wala rin akong magagawa rito ganon din naman sa Albay pero mas okay na iyon at least kasama ko sina lola. 

"Ah. Sa Sabado." Tumango siya sa sagot ko, napatingin ako sa wrist watch ko dahil binigyan ako ng curfew ni lola. Kailangan daw alas onse ay nasa bahay na ako at makikipag video call muna sa kanila bago matulog. "Kahit huwag mo na akong ihatid!" Agap ko, sabi niya kasi kanina magbubukas sila ng isang grocery sa town ng La Trinidad. 

"Sayang." Nakangusong sambit niya. "Wala kasing kasama si mama sa opening, baba si Papa sa Pangasinan kaya kailangan ko siyang samahan." Agad akong tumango, nasabi nga niya kanina sa bus sa akin na tutulungan niya ang mama niya. Masaya pa siyang nagkukuwento dahil hindi pa niya alam kanina na sa Sabado rin ang flight ko.

"Ayos lang nga, huwag mo nang alalahanin iyon. Magkikita pa tayo, ahm after two months?" I will miss him, especially his jolly personality. "Tiyaka wala akong masyadong bitbit kaya hindi ako mahihirapan." I assure him, iyon panigurado ang inaalala niya.

"Sayang lang din at hindi ka makakapunta sa opening." Ngayon, ako naman ang napanguso. Gusto ko rin makita si Harris kung paano siya maging anak sa mama niya panigurado mama's boy 'to. "Sayang lang din at hindi makakapunta si ate." Malungkot na saad niya. 

"I'm sure babawi rin ang ate mo kapag naka graduate na siya." I said, base kasi sa mga kinukuwento sa akin ni Harris—sa tingin ko, mas gusto muna ng ate niya na maka graduate para may mapatunayan sa sarili niya at para makatulong na rin sa pamilya niya. 

"Yeah, she's busy. Nagrereview siya for qualification exam, incoming third year college na siya eh. May quota SLU." He explained. 

"Oh iyon naman pala e! Huwag mong ipahalata sa ate mo na malungkot ka baka madistract lang siya sa pagrereview." I never imagine that I can be myself again, that I can voice out what's my opinion or advice towards certain things. Pagdating talaga kay Harris, libre akong maging ako na walang pangambang mahuhusga. 

"Oo naman." He chuckled. Ginulo niya pa ang buhok ko habang natatawa. "Sige na, lumalamig na at baka malate ka pa sa curfew nina lola." He said. Oo nga pala! Muntik ko na iyong makalimutan mabuti nalang at pinaalala niya. Nag-enjoy talaga akong kausap siya siguro kasi ayos lang kahit anong ikilos at gawin ko. 

"Sige! Salamat ulit!" Masayang sambit ko. Kumaway na ako sa kanya tiyaka umikot para buksan ang gate. 

Nang isasarado ko na ang gate ay siya na ulit ang nasa harapan ko. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin na tila hinihintay akong makapasok sa loob ng apartment ko. Kumaway ulit ako sa kanya, unti-unti niyang tinaas ang kaniyang kanang kamay na tila nanunumpa pero bahagyang ginalaw ang mga daliri niya senyales na kumaway din siya sa akin bilang paalam. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon