Chapter 20

1.2K 28 7
                                    

Chapter 20

Pagkalabas na pagkalabas palang namin ng classroom ay nag-unat na ako ng kamay. Medyo nangalay lang sa maghapon na pagkakaupo. 

Ang bilis lumipas ng mga araw. Kung noon prelims ang pinaghahandaan namin ngayon ay midterm na. Halos mailang pa ako sa sarili kong pinsan na bata dahil kay Ryden! Kaya nung hinatid ko siya palabas ng gate ay pinagsabihan ko agad siya. 

"Hindi mo na dapat sinabi pa sa bata iyon." I said. Nakapamulsa siyang tumingin sa akin habang nakasakbit sa isang balikat niya ang kanyang bag at sa isang balikat naman niya iyong ginagamit nilang Engineer. 

"Why? She asked me, I just answered her question?" Hindi ko alam kung inosenteng tanong iyon o nagpapainosente lang talaga siya. 

"Kahit na. Jelay might get the wrong idea." Halos ma-stress ako sa pagpapaliwanag sa kanya. Stress na nga ako sa mga school works, nagpapaliwanag pa akong ganto kay Ryden. 

"Like what?" Inosente ulit na tanong niya pero nakanguso na tila ba nagpipigil ng tawa. This time, I'm sure—he's not innocent! 

"Like she will think that you like me!" 

"Well, that's the truth." Kalmadong sagot niya. "What do you expect? That I'll deny you? But guess what baby? Even if we're not yet official, I'm so proud to have you and always will." 

"Hey girl! Anong balak mo sa holy week?" Tanong ni Jov kung saan bigla akong bumalik sa kasalukuyan. 

Pagkatapos non ay bumibisita pa rin si Ryden sa amin. Si Jelay tuloy ay inaasar na kaming dalawa. Napapabisita rin minsan si Harris, mabuti nga hindi sila sabay bumibisita ni Ryden. Ewan ko ba, kapag magkasama kaming tatlo ay parang ang bigat ng hangin na nalalanghap namin. 

"Wala sa apartment lang siguro. Kayo ba?" Papunta na kami sa classroom ni Jelay dahil sabay ang labasan namin ngayon. 

"Baka uuwi sa Mountain Province." Oo nga pala, taga doon ang mama niya. Base sa kuwento niya ay doon sila lagi t'wing bakasyon. 

"Isang linggo lang naman iyon so wala akong balak umuwi ng Albay." Baka mag advance reading nalang din siguro ako. Mahal ang pamasahe tiyaka nagtitipid pa ako para sa unwind na plano namin ni Harris. "Kasya naman ang pera ko pambili ng ticket pero may lakad ako after ng semester."

"Huh? Saan?" Gulat na tanong niya sa akin. Again, hindi ko ulit nasabi sa kanya. Mas gusto ko pa kasing makinig kay Jovy keysa sa magkuwento. Ayokong masyadong buksan ang sarili ko, baka masaktan lang ako sa huli. 

"Sa La Union." Namilog ang mata niya sa gulat pero binigyan niya ako ng isang malisyosong tingin. Napairap nalang ako sa kanya

"Si Ryden ba kasama? E diba nag La Union din kayo last time? Hmmm." Bahagya niya pa akong tinulak bilang pang-aasar, buti nalang ay naiwasan ko ang mga batang nagtatakbuhan. Nasa elementary building na kasi kami at maraming mga bata ang naglalaro sa grounds. 

"Si Harris ang kasama ko." Napahinto siya sa sagot ko kaya wala akong choice kung hindi huminto rin sa paglalakad tiyaka ko siya tiningnan. 

"Wait. Kung ganon, magkasama kayo ni Harris. Binusted mo si Ryden?" Bakas sa mata niya ang kuryosidad. Natawa ako ng kaunti dahil sa reaksyon niya. "I mean, they are both good naman. I'll support you if it makes you happy." Napangiti ako bigla sa sinabi niya.

Even if my friends left me at least I have Jov right now. She's treating me like her sister that's why I'm treating her like one too. But of course, I'm still scared on what might her reaction be if I open myself to her. 

"Hindi. I mean, Harris and I—we're just friends. Sasamahan ko lang siyang mag unwind sa La Union." Tumango-tango siya habang may mapang-asar na expression ang kanyang mukha. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon