Chapter 12

1K 38 0
                                    

Chapter 12 

Hindi ako makapag-cocontrate masyado dahil nararamdaman ko ang tingin ngayon sa akin ni Ryden. Pasimple akong tumingin sa kaniya para makita kung anong ginagawa nila. 

Nagkukuwentuhan sina Harris at Jelay habang nanonood ng TV. Samantala, si Ryden ay nakatingin lang sa akin. Kapag kinakausap siya ni Jelay ay binabaling niya saglit sa bata ang atensiyon niya pero kaagad din itong lilipat sa akin. 

Napasinghap ako at hindi ko nalang pinansin ang tingin niya. Lumapit ako sa oven para i-set sa 345°F. Kinuha ko na ang bowl at ang ingredients para makapagsimula na ako. Nilagay ko na ang flour, baking soda at salt tiyaka ito hinalo. 

Sa isang bowl ay nilagay ko na ang butter at sugar para i-mix ito. Wala akong electric mixer kaya kutsara ang ginamit kong panghalo. Halos isang minuto rin akong naghalo pero hindi ko man lang maramdaman ang pangangawit dahil siguro gusto ko kung ano man ang ginagawa ko. 

Inalala ko ulit ang binasa kong instruction sa internet kagabi kung ano ang susunod na gagawin. Beat in eggs and vanilla until it smooth, stir in flour mixture just until blended so I did that. Pagkatapos ay nilagay ko na ang chocolate chips, sa blog na nabasa ko kagabi ay meron pa siyang peanut pero hindi ako bumili non dahil kapag kumakain ako ng mani ay nagkakapimples ako. 

Kinuha ko na ang tray na paglalagyan ng cookies. Gumamit ulit ako ng kutsara para maihulma sa tray ang mga cookies. Ang sabi sa blog na nabasa ko, kailangan daw two inches ang pagitan kaya ganon ang ginawa ko. Medyo mahirapan pa ako pero carry naman. 

Nilagay ko na ito sa oven, kailangan ko nalang maghintay ng eight to ten minutes. Gusto ko man sanang lapitan sina Jelay sa sala para makisali sa kuwentuhan nila pero mas gusto kong bantayan ang mga cookies ko dahil baka pumalpak. 

Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon nila. Si Jelay mukhang wala naman problema sa kaniya, halos lahat yata ng pagkain ay masarap para sa kanya. Kay Harris, panigurado aasarin niya lang ako pero ichi-cheer niya pa rin ako na may next time pa naman.  Pero bakit ko pa hihintayin ang next time kung kaya naman maging masarap ngayon? 

Kay Ryden, hindi ko alam. Sa totoo lang, sa kaniya lang lahat ng kabang nararamdaman ko. He's a great cook kaya hindi ako magtataka kung mapili siya sa pagkain. Iniisip ko pa rin kung anong magiging kalabasan ng ginawa ko. Kung titingnan sa oven mukha naman silang masarap. 

Hindi tuloy ako mapakali, parang ito na yata ang pinakamatagal na paghihintay ko. Bahagya ko pang sinipa-sipa ang sahig dahil sa pag-iisip ko. Ayos lang naman kung hindi ganon kasarap basta ang mahalaga nawala ang stress ko sa school. 

Ahhh! Pero sino bang niloko ko? Mukhang na-stress lang ako dahil sa mga titikim. Ang purpose talaga ng pagbabake ko ay para mawala ang stress ko sa school lalo na at malapit na ang Finals. Kailangan kong i-relax ang utak ko. Pero heto ako ngayon, nag-over think kung anong magiging lasa ng cookies. 

Bahagya akong napatalon ng marinig ko ang oven hudyat na tapos na. Pero nagulat pa ako nang nasa kusina na pala si Ryden, hindi ko man lang namalayan. 

"Ah. The cookies need to cool down for two minutes." Pagpapaliwanag ko at mukhang tangang nakaturo sa oven dahil nasa loob ang mga cookies. 

Bakit ba kasi siya nandito e hindi pa nga tapos? Lalo lang akong kinabahan sa presensya niya eh.

Nagtataka siyang tumingin sa akin dahil siguro sa sinabi ko. Bahagya pang tumaas ang makakapal niyang kilay.

"It's okay. You don't need to rush, I can wait." He said. Iyon naman pala, bakit siya nandito? "I'm just thirsty." 

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya pero tinuro ko lang ang lalagyanan ng baso tiyaka yung mineral water.  Tahimik siyang kumuha ng baso at tubig. Marahan din ang pag-inom niya habang nakatingin sa akin. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon