Prologue

3.5K 59 42
                                    

"Ma, are you really sure na dito tayo titira? Hindi ba masiyadong malaki naman to para sating dalawa?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingala't-nakatingin sa dalawang palapag na bahay na nasa harapan namin ngayon.

Nandito kami sa isang not so exclusive village dito sa manila, it looks decent at tahimik. We'll start our new life here.

"Hindi ba maganda? Wag kang mag-alala sa presyo, yung ninakaw ko na card sa Papa mo yung ginamit ko para naman may kwenta siya hanggang sa maghiwalay kami." Aniya saka kinindatan pa ako at tinapik ako sa balikat bago naglakad sa doorway at binuksan yung pinto.

Nakasimangot ang mukha na sumunod ako sa kaniya habang buhat-buhat ang malaking maleta at napakalaking bag sa parehong kamay ko. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ang walang kalaman-laman na bahay, mukhang kailangan pa naming mamili mamaya ng mga dekorasyon para dito. Knowing her, ang daming tsetse nito sa buhay.

"Ang laki para sating dalawa." Sabi ko habang nililibot ng tingin ang paligid. Sigurado ako sa laki nitong bahay, ramdam ko lalo ang lungkot lalo na't kaming dalawa nalang ni Mama ang magkasama.

"Ang arte mo para sa isang mahirap, Stacey. Mag-pasalamat ka nalang kaysa magreklamo diyan. Maraming ibang tao diyan na hinihiling ang ganito kalaki at kaluwag na bahay tapos ikaw parang ayaw mo pa. Kapag tayo inatrasan ng swerte at grasya diyan papalayasin kita." Pananakot niya pa sa akin.

Rumolyo ang mata ko. "Matagal na tayong inatrasan ng swerte, Ma. Noong inasawa mo si Papa malas na tayo."

"Ah-shh! Wag mo ng mabanggit-banggit ang salitang yan dito sa pamamahay na to baka engkantuhin tayo."

"Saan mo naman nakuha yan? Nakipag-chismisan ka na naman sa mga matatatanda don satin bago tayo umalis, no?"

"Manahimik ka nalang at simulan mo nang ayusin yang gamit mo sa kwarto mo doon sa taas. Yung sa kanan sa pangalawang pinto yung iyo, tabi ng guest room."

Nagkibit-balikat nalang ako at sinunod siya, umakyat na ako sa taas hatak-hatak yung maleta at malaki kong bag.

Kinagabihan, pagkatapos namin kumain ng inorder na pizza at nagsi-panik na kami sa sarili naming kwarto ng walang nag-sasalita. Kahit hindi sabihin ni Mama alam kong apektado pa din siya sa ginawang panloloko ni Papa, halata yun kahit pa man pilit niyang patigasin ang mukha niya.

Kaya bago kami maghiwalay, niyakap ko muna siya at sinabing magiging maayos din ang lahat. Na makakabawi din kami. Na makakaahon ulit kami. Na kaya naming kaming dalawa lang. Na kaya naming makalimot.

This day is too tiring and I feel exhausted, making my eyelids feel heavy. Pagod ang katawan ko at gusto na nitong magpahinga pero hindi ang diwa ko. Bumuntong hininga ako at pinutol ang pakikipagtitigan sa kisame bago tumayo at naglakad patungo sa bintana.

I need some air.

Binuksan ko ang glass window ng bintana at napapikit ako nang salubungin ng malamig na hangin ang mukha ko. Gabi at tantya ko maga-alas diyes na, litaw na litaw ang buwan sa madilim na kalangitan, nangingibabaw ang liwanag at kagandahan nito kasama ng mga bituwin.

Pumangalumbaba ako sa bintana tutal abot naman ito sa dibdib ko.

I don't know what will happen to us now that my parents aren't together anymore. Si Papa lang ang nagta-trabaho sa parents ko kaya sa kaniya lahat nanggagaling ang income ng pamilya namin. Walang trabaho si Mama, neither me. College student palang ako at kahit kailan hindi pa ako nakakapag-trabaho dahil ayaw ni Papa, he treats me like a princess at para sa kaniya, hindi daw dapat pinagtatrabaho ang mga prinsesa.

Kahit nga paghuhugas ng plato sa bahay hindi niya ako pinapagawa.

Napabuntong hininga ako. Papa was the best Dad for me, not until he cheated on Mama. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa yun, hindi naman sila nag-aaway at everytime na magkasama sila kitang-kita ko ang saya.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo dahil sa galit na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim pero hindi ko na nagawa pang ibuga yung hangin na yun palabas dahil sa kakaibang tunog na naririnig ko.

"Ahh! Yes, Hoon!"

"Fck! You're so tight!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang mumunting ungol na yun.

The hell?

Wala sa sariling sinundan ko ang tinig na yun hanggang sa dumako ang mga mata ko sa katapat na bahay namin at katapat ko pang bintana. Hindi ko alam na may ilalaki pa pala ang mga nanlalaki kong mata nang makita ang kaganapan doon.

Babaeng nakahiga sa kama at ang mga hita nito ay nasa balikat ng lalaki na gumagalaw sa ibabaw niya. Nakasabunot sa sariling buhok ang babae at nakanganga na animo'y nagde-deliryo. Nagde-deliryo sa sarap.

Kitang-kita ko ang kababuyan na ginagawa na nila dahilan para mag-init ang buong mukha ko.

Hindi man lang nagsarado ng bintana!

Nagulat ako nang madako sa labas ng bintana yung lalaki at dahil katapat lang ng bintana niya ang bintana ko, dumiretso sa akin ang tingin niya. Napakurap ako ng ilang beses. Naramdaman ko ang pamumula nang makita ang katawan niya.

Ang ini-expect ko ay magugulat siya nang makita ako o kaya magmamadaling isarado yung bintana pero iba, ngumisi pa siya sa akin at kumindat pa! Walang hiya!

Hindi makapaniwalang natawa ako sa ginawa niya at mabilis siyang pinakyu bago isarado yung bintana ko at tumakbo papunta sa kama.

Bastos!

...

enhypen 1/7
Park Sunghoon
naughty

𝙉𝙖𝙪𝙜𝙝𝙩𝙮 ll 𝙋𝙖𝙧𝙠 𝙎𝙪𝙣𝙜𝙝𝙤𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon