XI: He plagiarized mine, so I copied his

0 1 0
                                    

"He plagiarized mine, so I copied his"
@mahina

-

"Ew! Plagiarizer!"

"Toxic, 'te!"

"Magnanakaw!"

Some of their bad comments about me after I posted my work. Yes, my work! My piece!

Hindi ko alam kung gaano kakitid utak ng mga taong ito. Nakikita naman nilang ako 'yong unang nag-post, pero ano? Mas sinusuportahan pa rin siya.

Palibhasa kasi famous 'yon eh. Lalaki pa. Eh ako? Iisa, dadalawa lang ata nag r-react at bumabasa sa mga akda ko.

Akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko kung magsasabi ako sa mga kaibigan ko. Ngunit pagbukas palang ng messenger ay messages na nila ang bumungad.

"Girl, itigil mo na kaya ang pagsusulat?"

"Or p'wede ring i-send mo na lang mga stories mo sakaniya. Para naman sumikat mga akda mo."

"Agree! Kaysa sa naghihirap ka diyan, noh?"

Wala sa akin ang problema. Nasa kaniya 'yon. Hindi ko naman gustong maging sikat eh. Gusto ko lang namang magsulat at ipakita ang talento ko kaso ito 'yong natanggap ko, panghuhusga.

-

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ngunit hindi na ganoon kadalas. Mas pinagtuunan ko ang pag i-imbistiga o pagsusuri sa plagiarizer ko.

Stalker ko ata ito eh. Thoughts man, poem or story ninanakaw niya sa akin. Psh!

-

"Nakangiti kana naman mag-isa diyan. Inaalala mo na naman story natin ano?" natatawang saad ng asawa ko.

"Malay ko ba naman story natin. Hahahaha! Tsaka isa pa, ayaw mo ba'ng alalahanin kung gaano ka kapatay na patay sa akin noon?" pang-aasar ko rito.

"Kung paano ka magpapansin sa akin. Aguy! Pati mga akda ko ninakaw mo para lang mapansin kita. Hahahaha!" dagdag ko pa.

-

"Hey, mister who you are! Would you please stop copying and plagiarizing my piece?" gigil na gigil na chat ko rito.

Napupuno na ako. Nakakapagod 'yong ganito! Naghihirap ako, nagtitiyaga sa pagsusulat. Tapos nanakawin lang niya?

"Finally!" he replied. Ano'ng finally? Sinasadya niya ba 'to?

"I'm sorry, Lalaina." sorry for what? 'Yong sorry ba niya ang makakabawi ng mga sakit at panghuhusgang naranasan ko?

"Alam kong sobra kitang nasaktan. 'Yon na lang kasi ang naiisip kong…"

"Naiisip mong ano?"

"Naiisip kong paraan para mapansin mo ako?"

"Mapansin ka? 'Yan napansin na kita! Ano bang kailangan mo, ha?"

"I like you. I'm sorry!"

-

Matapos nang usapan naming 'yon ay sinuyo niya ako. Tumigil na rin siya sa pagnanakaw ng mga akda ko. Tinulungan niya ako para madiskubre ng mga tao.

-

"I love you, wifey! Sorry for plagiarizing your work."

And now, we are married. Masaya kami sa kung ano'ng meron kami ngayon at nag p-plano na rin sa pagbuo ng sarili naming pamilya.

Hindi mawawala sa akin ang ginawa niya. Siyempre hindi p'wedeng hindi ako gumanti.

He plagiarized my work, so I copied his surname too.

Compilation of One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now