"Untitled"
@mahina-
Mag-isa akong naglalakad sa plaza nang ako'y napahinto. Ala-ala. Bumabalik ang mga ala-ala. Ala-alang kailanma'y hindi na mauulit pa.
Tumigil ako sa paborito naming tambayan. Dinama ko ang hangin na humawi sa mahaba kong buhok. Napangiti na lamang ako ng mapait at napapikit.
-- 2 years ago
Nakaupo ako ngayon sa aming tambayan. Ang tagal naman ata niya? Tuwing nagkikita kami'y siya ang laging nauuna. Nakakapagtaka atang nahuli siya ngayon, mag aalas-diyes na.
-
Habang naghihintay ay may unti-unting humawi sa buhok ko at tumakip sa aking mga mata.
"Papahula ka pa kung sino ka. Halata namang ikaw 'yan, Andrei." nakangiti kong wika.
"Kahit kailan talaga'y ang hirap mong lokohin, mahal." saad niya saka unti-unting tinanggal ang kamay na kaniyang ipinangtakip sa aking mga mata.
"Ang tagal mo naman." reklamo ko sakaniya.
"May surpresa ako sa 'yo. Pikit ka muna ulit" nakangiting aniya habang nakatingin sa aking mga mata. Ginawa ko naman ang sinabi niya.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay ipinamulat na niya sa 'kin ang aking mga mata.
"Dilat na mahal" saad niya.
"Ano 'to? Baliw ka! Nag-abala ka pa. Alam mo namang presensya mo lang, oks na oks na!" tinanggap ko ang paborito kong bulaklak na dala niya, kasama ang paborito kong pagkain na binili niya.
"Babe… mahal na mahal kita." nakangiting saad niya, napangiti naman ako pabalik at niyakap siya.
-
"Denrica?" napamulat ako nang may tumawag sa akin.
"Hi, Gwen!" bati ko sakaniya.
"Oy, kumusta kana? Mas lalong gumaganda, ah?"
"Asus, nambola pa. Okay naman, ikaw ba?" sagot ko rito.
"Ayos lang din naman. Kumusta kayo ni Andrei? Nakita ko siya kanina roon, ah?" natahimik ako sa sinabi niya.
"Oh, 'yon pala siya, oh! Teka, sino 'yong babaeng kasama niya?"
Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa kinaroroonan nila.
Masaya ito kasama ang babaeng nagpapatibok ngayon ng puso niya. Babaeng pumuna ng mga pagkukulang ko sakaniya.
Nakakatwa lang na kung sino pang nagsasabing huwag ko siyang iwan ay siya pang unang umalis.
Ipinagpalit niya ako, at ang masaklap ay sa babaeng sinasabi niyang kailanma'y hindi siya magkakagusto. Mga pangako niyang mananatili na lamang na pangako. Mga ala-ala na ako na lamang ang aalala. Mga plano naming tinutupad na niya sa iba-- sa bestfriend kong nakasaksi kung gaano ako nasaktan nang mang-iwan siya.